Hey readers!
eto na kabanata 10! Hope you like it!
Dedicated ---> StylusArk <--- Salamat sa support! Sana patuloy mo tong subaybayan. =)
Enjoy!!!
Kabanata 10: Crush ko sya
Miya's POV
Nakahiga lang ako sa kama ko. Hindi ko maiwasang mangiti sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi nya kanina.
... Ikaw agad ang pumapasok sa isip ko. Na kahit gaano kahirap ay nakaya mong ipagpatuloy ang buhay... Salamat.
Ayiiiieeee... Nanlalambot ako pagnaiisip ko yun. Kinikilig ako! Ayiiiieeeee.
Sige na nga. Tanggap ko na. Aaminin ko na.
Crush ko sya.
Haaaaaaaaayyyyyy...
Tumingin ako sa kaliwang banda ng kama ko. May sarili na rin syang kama kaso parehas pa din kami ng kwarto dahil dadalawa lang naman ang kwarto dito.
Nakaharap sa akin ang gwapo nyang mukha. Kahit tulog, ang gwapo pa din. Mukhang inosente.
Sino nga kaya sya? Sana walang syang girlfriend na naiwan.
Ay, Ano ba yang pinag-iisip mo Miya! Crush mo lang naman sya ah! Girlfriend agad!? Kala mo naman gusto ka din nya!
Makatulog na nga lang. Pero isang sulyap pa. Ayiiiieeee...
Sumulyap muna ako sa may kama nya kung nandoon pa ba sya at napabuntong hininga na lamang ako ng makitang wala na sya doon. Buti na lang at maaga sya nagigising. May chance pa ako mag-ayos ng sarili bago nya ako makita.
... Ikaw agad ang pumapasok sa isip ko. Na kahit gaano kahirap ay nakaya mong ipagpatuloy ang buhay... Salamat.
Napangiti naman ako ng sumagi na naman yun sa isip ko.
"Masarap ba ang tulog mo at abot-tainga ang ngiti mo?" biglang sabi ng isang masculine na boses. Ayiiieee. Ano ba yan!? Boses pa lang nya kinikilig na agad ako! Ganito ba talaga ako magka-crush!?
"Ahh... Ang aga mo namang magising?" pagbabago ko naman ng topic at baka mabuking pa ako.
"May isang tao kasi dyang ang lakas-lakas humilik kaya ayan, lagi akong gising. Hindi makatulog ng ayos." natatawang pantitrip nya.
Ano!? Ako humihilik!?
"A-ano!!? D-di ako humihilik ah!" Grabe kahiya! Hindi naman talaga ako humihilik ah! Well, at least sa tingin ko ay hindi. Tulog kaya ako malalaman ko ba yun? P-pero, h-humihilik nga ba ako!? Ahhhh.. Wag naman sana!
"Gusto ko talaga pagnamumula ka. Pero joke lang naman yung sinabi ko, para ka ngang baby kung matulog eh. Ang amo-amo ng mukha mo parang wala kang problema." sabi nya pa bago ako nginitian.
Pinanood nya ba akong matulog!? Kyaaaahhh... Bigla akong nakaramdam ng hiya pero.... kinikilig ako!
"Ang pula-pula mo." Geez! Feeling ko nga maala kamatis na ako sa pula.
"Heh! Umalis ka na nga dito." sabi ko pa bago ko sya tinulak palabas.
"Kwarto ko din kaya to" sabi pa nya bago ako kinindatan kaya mas lalo ko syang itinulak para maitago ang pagkakilig ko. "Eto na lalabas na. Pinapatawag ka lang naman ni Aling Mhinda at kakain na daw."

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
General FictionMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...