Kabanata 24:
Zhyk's POV
Nanlaki ang mga mata ko ng nakitang sina Jacob at Peter ang tumawag sa pangalang Hunter. At sa akin sila nakatingin.
Tinawag nila akong Hunter. Does this mean...?
"Akalain mong buhay ka pa nga talaga? Pwes, ngayon maipapakita na namin ang malamig mong bangkay at matutuloy na din kaming makaalis sa mainit na lugar na 'to." malutong na sinabi ni Jacob habang ako ay nanlalaki pa din ang mga matang nakatitig sa kanila.
"B-bakit niyo to ginagawa? Sinong nag-utos sa inyo?" tanong ko. Napalingon-lingon ako, baka sakali nakabalik na sina Ali.
"Hindi mo na kailangang malaman iyon." sagot nito habang lumalapit sa akin. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko.
Inakbayan ako ni Jacob. "Para saan pa? Mamamatay ka na lang din naman." bulong nito. Nanlaki ang mga mata ko ng nakaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko. Hinawakan ko ang iyon at nakita ang dugo sa kamay ko.
Miya... Siya agad ang pumasok sa isipan ko. Ito na ba ang katapusan ko? Pero hindi ko pwedeng iwan si Miya!
"Maawa ka Jacob... Peter... ahh" daing ko.
Kinaladkad ako ni Jacob palapit sa isang itim na Hilux, binuksan nito ang pinto at sinusob ako sa back seat, kasunod kong pumasok si Peter.
"Saan niyo ako dadalhin?"
"Sa huling hantungan mo, kaya manahimik ka dyan!"
"Bakit? B-bakit niyo ito ginagawa?"
Walang sumagot sa tanong ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at ilang saglit lang ay nakita kong papasok na kami sa isang warehouse. Hinila ako ni Peter para makababa. Ni hindi ako makapalag dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Kinaladkad nila ako papasok ng warehouse.
Miya... Patawarin mo ko. I can't fulfill my promise... No... I just can't leave her. I have to think. Kung member ako ng isang sikat na banda, siguro naman mapera ako...
"Pakawalan niyo ko... K-Kaya kong bayaran ng doble ang binayad ng kung sino mang hayop na gusto magpapatay sakin. Babayaran ko kayo ng doble huwag niyo lang akong patayin." suhol ko sa kanila.
Nagtinginan ang dalawa. Hmmm... mukhang mapera nga ako. I can't wait na makabalik kay Mheeia. Sigurado akong matutulungan ko nang maibalik ang ala-ala niya.
"Maganda man ang offer mo Hunter, ngunit hindi namin ito matatanggap. Kami ang malalagot nito kapag hindi namin maipakita ang malamig mong bangkay." Nawawalan na ako ng pag-asa. S-sino ba kasi ang gustong pumatay sa akin?
Tinulak ako ni Peter kaya napasalampak ako sa sahig. Tumama ang tagiliran kong may sugat kaya dumoble ang sakit nito. Napasigaw ako sa sakit.
"Masakit ba Hunter? Huwag kang mag-alala... Tatapusin ko na ang paghihirap mo." Itinutok ni Jacob ang baril sa ulo ko.
Napapikit na lang ako...
Goodbye, Miya...
Nakarinig ako ng putok ng baril...
"Kuya!"
Nang wala akong naradamang tumama sa akin ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakahalandusay na sa sahig si Jacob samantalang nasa tabi naman nito ang nakaluhod na si Peter.
"Hunter!" matinis na sigaw ng isang babae...
Gusto ko mang tingnan kung sino ang sumigaw ay hindi ko na magawa. Muling dumidilim ang paningin ko....
"Hunter!!!"
And I welcomed the darkness...
Miya's POV
Ito na ang pinakamahabang araw na dumaan. Ang tagal humapon... ang tagal naman bumalik nina Itay. Wala akong nagawa buong araw kung hindi ang tumunganga. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Habang nagtatrabaho si Zhyk ay eto naman ako, tulala sa paghihintay sa pagbabalik niya.
Naputol ang pag-mumunimuni ko ng marinig ang sigaw mula sa labas.
"Miya! Minda!"
Dali-dali akong lumabas ng bahay. Nakita ko si Itay at isa pang matandang lalaki na tumatakbo palapit sa bahay.
"Oh, Itay. Bakit po? May problema ba?" tanong ko. Sigurado akong may problema dahil hindi naman uuwi ng maaga si Itay at mag-sisisigaw kung wala. Nakaramdam ako ng kaba na baka may tungkol ito kay Zhyk.
"Si Zhyk po?"
"Hija... Si Zhyk... Nawawala.." Humahangos na sinabi ng matandang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko at tila huminto ang mundo ko.
"Tumawag si Ali, nag-cr lang daw sila saglit at pagbalik nila sa truck ay wala na si Zhyk. Bago pa man daw nawala si Zhyk ay kakaiba na ang kilos nito..." pagpapatuloy ng matanda.
Malakas ang tibok ng puso ko. H-hindi kaya bumalik na ang ala-ala niya?
Nanginig ang tuhod ko sa posibilidad na iyon. Kung nakakaalala na siya ay sigurado namang babalikan niya ako. Babalikan niya ako. Nangako siya. Babalikan niya ako.
Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. Agad naman akong dinaluhan ni Itay at inakay papasok ng bahay.
Pinaupo ako sa sofa.
Wala akong ibang maisip kundi ang manalig na babalikan niya ako. He promised. Kaya kahit puno ng pangamba ang puso ko ay ipinakita ko kina Itay na ayos lang ako.
"Babalikan niya ako. He promised me he'll never leave. Babalik siya." Inangat ko ang mukha ko at nginitian sila. "Sigurado akong babalik si Zhyk. Nangako siya. Hindi niya ako iiwan. Babalikan niya ako."
Zhyk/Hunter's POV
Madilim...
Tanging hikbi lang ang naririnig ko,...
Please, Hunter. Gumising ka na. I'm sorry... I'm so sorry...
Kheyth, stop it. It's not your fault.
No! I-if only I didn't left him...
nanginginig na sinabi ng pinakamahalagang babae sa buhay ko.
Ang marinig siyang umiiyak ay masakit sa puso. Pinilit kong mumulat para patahanin siya ngunit unti-unti na naman akong kinakain ng kadiliman.
Tanging agos lang ng ilog ang naririnig ko. Iginala ko ang paningin ko sa madalim na paligid at tumigil ito sa isang babaeng nakaupo sa duyan. Nakayuko ito at mukhang umiiyak. Gusto ko mang lapitan ang pamilyar na babae ay hindi ko magawa. Tinatawag na ako ng liwanag sa likod ko. Gusto ko mang pumunta sa liwanag pero ayaw kong iwanan si.....
Bakit? Kilala ko siya pero bakit hindi ko masabi ang pangalan niya?
Gustong-gusto kong tumakbo palapit sa kanya at pawiin ang kung ano mang sakit na nararamdaman niya... ngunit hindi ko magawa. Sino ba siya at bakit napakabigat sa puso ang makita siyang umiiyak? Gusto ko siyang puntahan at yakapin ng mahigpit ngunit hindi ko malapitan. Ni hindi ko man lamang maisigaw ang pangalan niya...
Nakakasilaw ang liwanag....
Hunter! Hindi mo siya pwedeng iwan!
No!!! Nangako ako! I have to be with her! I need to be with her...
No! Look at me! Dammit! Please no!
Ngunit tuluyan na akong nilamon ng liwanag...
---------------------------------
05.01.2016

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
General FictionMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...