Kabanata 2

509 19 7
                                    

Kabanata 2: kababata

Present...

-January 5-

KRIIINNGG!!!! KRIIINNGG!!!! KRIIINNGG!!!!

Ahh. Ano ba yan ang aga-aga pa eh!

"Ano!?" Sigaw ko dun sa tumawag.

"Uso din ang hello dude. Heheh" natatawang sabi ni Clyde. Tss kitang inis na yung tao tatawa-tawa pa.

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin. Inaantok pa ako." inis na sabi ko naman sa kanya.

Madaling araw na din kasi kami nakauwi kanina. Pagod sa halos limang oras na biyahe.

"Hahaha dude bumangon ka na. May practice daw tayo para mamayang tanghali. Alam mo namang linggo-linggo tayo dun. Di ka pa ba sanay??"

"Hay, Oo nga pala. Sige sige. Susunod na ako." Walang ganang tugon ko. Kakabalik lang namin busy na agad.

"Hey Dude!! After one hour ha dapat nandun ka na!!" Pagpapaalala pa niya sa akin.

"Oo na! Oo na! Sige na bye."

"Wag ka na uli tutulog ha! Maligo ka na!" Hay grabe ang kulit. Sarap sapakin! Pigilan nyo ko! Pigilan nyo ko!

"Heto na nga oh bumabangon na! Bwisit. Heto, ayan nakatayo na po!! Sige na!"

Binabaan ko na agad siya at baka makahirit pa. Parehas lang naman kaming puyat ah pero siya full energy pa din. Haayy. Gusto ko pang matulog! Nasanay na ata ako sa mahabang bakasyon.

Nag-ayos na din ako ng sarili. Naligo, nagbihis, kumain, nagsipilyo at nagpagwapo pa.

Five minutes bago mag 8 ay nakarating na din ako.

"Oh, ayan na pala si Hunter. Get ready na guys." Sabi ni Manager Dho. "Good Morning Hunter, mag-ready ka na din." Dagdag pa nito.

"Good morning." Malamya ko pa ring bati.

"Oh, 'Bat matamlay ka ata??" Usisa naman ni Manager.

"Sinira ko kasi tulog niya. Hahahaha" nang-iinis na singit naman ng mokong na si Clyde.

"At proud ka pa talaga eh no??"

"Yeah! I'm so proud of myself. Hahaha. Ako lang naman ang pambansang tagapag-inis ng nag-iisang Hottie Hunter!! Hahaha" pagmamayabang pa niya.

"Well congrats 'coz you did a great job." Sabay palakpak ko pa. At nagthank you pa siya ah. Kainis! Talagang proud na proud pa ahh.

"Oh sya sya tama na yan. Pumwesto na kayo." Utos naman ni Manager.

"Siguro naman nahawaan ka na ng energy ni Clyde, Hunter. Hahaha" natatawang sambit naman ni Nate.

Tss. Nahawaan!? Ano yun sakit!?

Pumwesto na kami at nagsimula ng magpractice.

The sun goes down, the stars come out

And all that counts, is here and now

My universe, will never be the same

I'm glad you came (Came, Came)

Happy Sunday Philippines!

Heto na ang makakapagpabusog sa ating lahat ngayong tanghali!!! Nautical Twilight!

You cast a spell on me, spell on me

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon