Kabanata 17: Bisita o
Miya's POV
May kung anong kumirot sa dibdib ko ng marinig ko ang tawanan sa loob ng kwarto. Alam kong si Zhyk at Blaire iyon.
Akala ko mababaw pa itong nararamdaman ko, pero bakit ganito kasakit na marinig syang nakikipagtawanan sa iba.
"Sabi naman sayo Zhyk, tabi na lang tayo. It's better to be naughty at times." malagkit na sabi ni Blaire na tinawanan naman ni Zhyk.
"But not in this house." dinig kong tugon ni Zhyk na mas lalong nagpasikip ng dibdib ko. Ibig ba nyang sabihin ay papayag sya kung hindi dito sa bahay? Gusto mo na ba talaga sya agad Zhyk?
Pumasok nalang ako sa loob para matapos na to. Sumulyap lamang sa akin si Zhyk habang tumatawa na agad ding ibinalik ang titig kay Blaire.
"U-uhm.." Nawala lahat ng sasabihin ko ng muli akong binalewala ni Zhyk. Kanina ko pa napapansin na iniiwasan niya ako. Mula nung bumalik nung nagwalk-out sya kanina ay si Blaire na ang inaasikaso nya.
"Will you just damn say what you need and don't just stand there and stare like a freak!" napa-igtad ako sa pagsigaw ni Blaire kaya nanlalaki ang mata kong tiningnan sya.
"Blaire..." dinig kong pagsuway ni Zhyk pero hindi noon nabawi ang hapdi ng pagbalewala nya sa akin.
Muling sumikip ang dibdib ko. Ano bang trip mo Zhyk? Akala ko ba kinda like lang, pero bakit ganito? Bakit kailangan mo akong iwasan? Ganoon ba siya kasayang kasama kaya pwede na lang akong i-itsapwera?
"Pinapatanong lang ni Nay kung ayos na sayo ang may kasama tayong lalaki?"
"Actually, ang hindi comfortable sakin is us being in the room." sabi pa nya bago ako tinaasan ng isang kilay. Yung maarte ba ang gusto mo Zhyk?
"Well, I can't do anything about that, so suit yourself." sabi ko na lang bago humiga at nagtalukbong ng kumot. Magtawanan kayo buong gabi kung gusto niyo.
Nagising ako ng pareho nang wala si Blaire at Zhyk. Nag-ayos na lang ako ng sarili at lumabas ng kwarto.
"O Nak, sayang naman. Kakaalis lang nina Zhyk at Blaire. Pupunta sila sa may ilog. Ang sabi ko nga hintayin ka nila, pero sa sobrang excited ni Blaire ay hindi na sya makahintay kaya ayon at lumarga na." bungad sakin ni Nay. Nice. New day. Same heartache.
"Okay lang po. Medyo tinatamad din po kasi ako at alam niyo naman pong ayaw sakin ni Blaire." usal ko bago nginitian si Nay.
"Pag-pasensyahan mo na lang ang batang iyon at masyado lang na spoiled. Ikaw na sana ang umunawa." bahagya ko lang syang nginitian. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Akala ko espesyal ang lugar na yun para samin pero nagawa nyang magdala ng iba. Akala ko hinanap niya yun para sakin... para samin. Sa akin lang pala espesyal ang lugar na yun.
Ano mang pilit kong hindi 'sila' isipin ay laging sumusulyap ang mga mata ko sa pintuan kahit na sabi ni Nay ay may dala silang pananghalian. How original Zhyk. Nagawa mo na sakin yan. Akala ko espesyal lahat ng ginagawa nya para sakin pero mukhang playboy ang lalaking iyon. Pagkatapos ko si Blaire naman. Kainis! Hindi man lang mag-isip ng ibang moves! Lahat tuloy ng memories namin ay parang nabalewala lang.
"Kain na tayo, Nak. Baka masyadong nag-eenjoy ang mga batang iyon at mamaya pa umuwi." sabi ni Itay.
Muli akong sumulyap sa pintuan bago sumunod sa kusina. Akala ko ba nandito si Blaire dahil namimiss niya sina Nay at Itay, pero bakit si Zhyk ang kasama niya? Napailing na lang ako. Bagay nga sila. Their actions contradict everything they say.

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
General FictionMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...