Kabanata 4

420 15 4
                                    

Kabanata 4: 'Di ko alam

Miya's POV

"Miya!! Miya!!"

Dinig kong tawag sa akin habang nagduduyan ako at pinagmamasdan ang mga makikinang na bituin. Ito lang naman ang hilig kong gawin dito dahil ni kapitbahay ay wala kami. Parang nasa gitna ata kami ng kagubatan eh.

"Miya, sinasabi ko na nga bang nandito ka lang." Saan pa po ba ako pupunta? Ito lang naman po ang alam kong lugar.

"Ahh.. Bakit po Nay?" Magalang na tanong ko naman.

"Magluto ka na, anak. Parating na din siguro ang Itay mo." Malambing niyang utos. Napakabait talaga ni Nay.

"O sige po. Tayo na po sa loob Nay medyo malamig na din po kasi."

"Ay pagkabait talaga ng anak ko." Nginitian ko siya at inalalayan papasok sa aming munting bahay.

Habang nagluluto ako ay nakaupo naman si Nay at pinapanood ako. Nakakailang naman.

"Anak, bakit hindi mo subukang sumama sa tatay mo. Pumunta ka sa bayan. Hindi ka ba naiinip dito?" Hindi ko makita ang ekspreyon ng mukha niya dahil nakatalikod ako sa kanya. Pero hindi ito ang unang beses na inalok niya akong sumama kay Itay pabayan.

"Nay, wala naman po akong kilala doon. Saka mas masarap po dito. Sariwa ang hangin at tahimik."

"Hindi ko naman sinabing doon ka titira. Kahit mamasyal ka lang dun."

Ayoko talagang pumuntang bayan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari doon lalo na at wala akong kilala.

"'Bat parang ang tagal naman po ata ni Itay ngayon??" Pag-iiba ko.

Napabuntong-hininga si Nay. Sorry Nay, hindi pa talaga ako handang humarap sa mundo. Hindi naman ako kaiba o wala namang abnormal sa akin. Normal ako. I have a complete set of body parts. But aside from the physical, I think ang mind at damdamin ko ang may ayaw. I'm just plainly afraid. Takot ako sa kung ano ang meron sa labas ng gubat na 'to.

Naghahain na ako ng mga niluto ko nang marinig ko ang sigaw ni Itay...

"Minda!! Miya!! Bilis tulungan nyo ako!!"

Agad kong binuksan ang pintuan at sumalubong sa akin si Itay na may karga sa likod niyang sugatang lalaki.

"Dyos mio!! Art! Anong nangyari sa batang iyan!?" Pag-uusisa ni Nay Minda.

"Nakita ko na lang na pinagtitripan dun tapos nung nakita akong padating, ayun tinapon sa bangin! Mabuti na lamang ay saulo ko yung lugar at madali ko siyang naisalba. Ang masama lamang ay hindi ko nakilala ang mga gumawa nito."

Agad na dinala sa kwarto ko ang sugatan na lalaki. At inutusan ako na magpainit ng tubig. Si Nay naman ay kumuha ng mga dahon na pwedeng ipang tapal. Kilalang manggagamot kasi si Nay at Itay.

Agad kong dinala ang maligamgam na tubig. Nilinis naman ni Itay ang lalaki na ngayon ay wala ng suot pang itaas.

"Art, eto na.. linisin mo na ang mga sugat."

Dahil takot ako sa dugo ay agad akong lumabas ng kwarto.

"'Bat hindi na lang natin siya dalhin sa ospital? Mukhang malala na." Nag-aalalang sabi naman ni Nay.

"Alam mo namang malaki pa ang pagkakautang natin dun. At saka kaya ko pa naman ito. Hindi naman ganoon kadami ang nawalang dugo."

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Ako ang dahilan kung bakit sila may utang sa ospital. Halos tatlong araw din kasi akong naconfine.

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon