Kabanata 18

156 7 1
                                    

Kabanata 18: type

Zhyk's POV

Damn!

Pinasadahan ko ng palad ang aking buhok sa inis. Kung kailan sigurado na ako saka naman madaming bwisita. Tsk! Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya. Mabuti na din siguro ito 'coz I know that it's not the right place to tell her what I really feel. Sa lahat ng pinagdaanan niya, she deserve flowers and all those romantic gestures that I think, every woman wants.

Sinulyapan ko siya at agad napangiti ng nasilayan ang matamis na ngiti sa kanyang mapula at malambot na labi. Sapat na sa akin ang makita siyang masaya.




Miya's POV

Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko habang hini-hili si Zhyk. Ewan ko nga ba basta ang alam ko, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.

"Miya! Zhyk! Dali tulungan niyo kami." dinig kong sigaw ni Itay kaya napabilis ako ng lakad.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ang dalawang lalaki na may buhat buhat na isa pang lalaki ng duguan.

No. Don't tell me another case na naman ito ng amnesia!?

Tulala ako at hindi alam ang gagawin ng may humawak sa balikat ko at pinaharapako sa kanya.

"Miya, mabuti pa kumuha ka na lang muna ng maligamgam na tubig. O kahit ipagtimpla mo na lamang sila ng kape." seryosong usal ni Zhyk habang nakatitig ng malalim sa mga mata ko.

Wala sa sarili akong tumango at nagtungo sa kusina. Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito, nandiyan si Zhyk, pero hindi pa din ako masanay. Kahit kailan ata ay hindi ako masasanay na makakita ng dugo.

Nagpainit ako ng tubig. Habang hinihintay ito na kumulo ay kinalma ko ang aking sarili.

Agad kong dinala ang maligamgam na tubig sa kwarto namin ni Zhyk kung saan dinala ang duguan na lalaki. Iniabot ko lamang iyon kay Itay at pumunta na muli sa kusina para magtimpla ng kape.

Dinala ko ang mga kape sa sala at pinamigay sa mga kasama nung sugatang lalaki.

"Salamat." sabi nung isang lalaki na semi kalbo at mukhang na sa late 20's na ang edad. "Hindi ko alam na may magandang anak pala sina aling Minda. Marunong ka din ba mag-gamot? Pwedeng magkipag-heart fusion sa puso mo?" sabi pa nito sabay ngisi sa akin. Nagtawanan naman ang mga kasama nitong lalaki.

Dahil hindi ako sanay sa mga sitwasyong ganito ay tipid ko na lang siyang nginitian at akmang tatalikuran na nang naramdaman ko ang pag-akbay sa akin. Napa-hinga ako ng maluwag. I can breathe now that Zhyk is beside me.

"Sorry guys pero hindi na yan posible dahil wala ng puso ang anghel na 'to." napakunot naman ang noo ko at tiningnan siya ng masama. Anong wala akong puso? Anghel tapos walang puso?Akala ko ba ayos na kami?

Aalisin ko pa sana ang pagkaka-akbay niya ng nag-salita siya ulit.

"Dahil nasa akin na ang puso niya." nakangisi nyang usal. Nanlaki ang mga mata ko at napatulala sa gwapo niyang mukha.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Humigpit ang akbay niya at idiniin ako sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang tumulala sa kanya, tahimik na nagtatanong kung bakit niya nasabi iyon. Naguguluhan ako pero hindi niya ako nililingon. Para bang iniiwasan niyang lingonin ako.

Nakipagtawanan lang siya sa mga lalaki.

"A-anong?..." tanong ko ng sa wakas ay nakapagsalita ako.

NIlingon niya ako at nginitian na parang wala siyang sinabing kakaiba.

"Ayos na yung lalaki kaso natutulog pa sa kama ko. Dito muna silang ngayong gabi at bukas na lang ng umaga uuwi." usal niya at wala sa sarili naman akong tumango ng dahan-dahan.

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon