Kabanata 3: ikot-ikot
Hunter's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw sa dami ng mga gigs, interviews, mall shows at photoshoot. Worth it naman lahat ng pagod sa success na natatamasa namin.
Nakaupo ako sa couch sa sala habang hinihintay ang text ni Lynne kung anong oras ko siya susunduin. Ready na ang mga gamit na dadalhin ko para sa photoshoot. Sasabay na lang daw siya sa akin dahil medyo malayo at matagal ang biyahe.
Doon kami mamamalagi sa hotel na nag-accommodate sa aming banda noong dumalo kami sa isang event. Hindi ko matandaan ang pangalan ng hotel, I guess it's not worth remembering. Kaya ko na rin pinasabay si Lynne dahil alam kong delikado ang daan. Madami daw na naaaksidente sa daan patungo sa hotel.
Nang naramdaman kong nagvibrate yung phone ko ay agad ko itong kinuha.
- Little Lynne -
Hey old Neal, I'm ready. Nasa lobby lang ako. Text mo ako pagnandito ka na. ;)
Reply:
Coming right up, princess. But less with the old now please..
-Little Little -
Whatever Champ, you're still OLDER than me... lol
Napangiti ako nang nakita ko ang nickname na ibinigay niya sa akin. Siya lang ang tumatawag sa akin ng Champ. Short for Champion, na meaning ng pangalan kong Neal. Ngayon niya na lang ulit akong tinawag ng ganoon. I think she's in a good mood. I wonder why.
Dinaanan ko siya sa building niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Dinala ba niya ang buong wardrobe niya!? Isang malaking maleta lang ang dala niya at isang hand bag. Well... Ano pa nga bang bago? Napangiti ako at napailing na lang. Palagi naman niyang dala ang buong condo niya tuwing umaalis.
"Hey, Little Lynne, what's with the BIG luggage?" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Kaya naman nagtilian yung mga nasa lobby.
"Waaaaaaaaaaaaahh.. ang gwapo!!"
"I love you!! Hottie Hunter!!"
"Ayyyiieee... Ang swerte naman ni Ms. Kaycie!!"
Nilingon ko sila at nginitian din. Agad ko din naman binalik ang atensiyon ko kay Lynne na nagniningning ang mga mata. Sobrang ganda talaga niya lalo na kapag ngumingiti, kitang-kita ang dimples na sobrang lalim. Nginisian at kinindatan ko naman siya na agad nagpaingay ng mga babae sa paligid. Nagpigil ako ng ngiti. Alam kong ito ang gusto niya. Ang kinaiinggitan.
"Let's go?" Yaya ko sa kanya at agad na kinuha ang malaking maleta. Hila-hila ko ito sa kaliwang kamay at nakahawak naman ang kanan sa baywang niya habang naglalakad papunta sa sasakyan.
"Take-out muna tayo? May kalayuan yun. Alam mo namang ayaw ko na nagugutom ka."
"There's no need for that. May dala akong sandwiches kaya don't think that I brought everything. Alam kong iyon ang iniisip mo."
"You know me so well... Did you made the sandwiches? Ahh, So sweet naman ng little Khey ko." Nilingon ko siya at nginitian.
"But you don't know me so well kasi alam mo namang I don't cook. Hmmmpfft. Kababata kita pero simpleng bagay lang di mo pa alam." Ngumuso siya at inirapan ako.

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
General FictionMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...