Kabanata 13

215 10 8
                                        

Hello! Hello My Beloved Readers!

At dahil special day ngayon ng inyong lingkod, at naka-BL ako plus Holiday bukas, ay naisipan kong mag-UD! Soooo here's kabanata 13! Hope you'll like it!

Dedicated ---> ejhoy24 <--- na kabuwan ko... hahahah... God Bless!

Enjoy!!! ^_____^

Kabanata 13:

ZhyK's POV

Hindi talaga ako makapaniwala sa aking narinig. Pero alam kong kailangan ko munang isantabi iyon nung nakita ko ang galit sa mga mata ni Miya nung nakarating kami sa Amnesia St. Hindi ko naman sinadya na dito kami pumunta, talagang tadhana na ang nagdala sa amin dito. Kaya kahit na anong gulo ng utak ko ay napawi lahat iyon nung nakita ko ang sakit sa mga mata ni Miya. May kung anong sumikip sa dibdib ko kaya hindi ko na napigilan na yakapin sya.

Humigpit ang yakap ko ng maramdaman ko ang patak ng luha nya sa braso ko at ng marinig ko ang mahinang paghikbi nya. May kung ano na namang kumirot sa puso ko. 

"Shhh... Stop crying. I'm sorry."

Nasasaktan ako tuwing nakikita ko syang umiiyak.

"S-sorry... A-alam kong m-malalim ang iniisip mo at n-naguguluhan ka sa n-narinig natin kanina p-pero heto a-ako at u-umiiyak imbes na dinadamayan ka." Sino ba sya sa tingin nya!? Ilang linggo lang ang agwat ng aksidente namin kaya alam kong hirap pa rin sya hanggang ngayon. Pero kahit nasasaktan sya ngayon ay mas iniisip nya pa rin ako! Sabi ko naman sa kanya na sabay namin itong haharapin, hindi nya kailangang magkapa-senior! Nandito lang ako at hindi sya papabayaan.

"No... Hindi mo kailangang mag-sorry. We are both in a terrible situation and we need to help each other." 

"P-pero palagi na lang ikaw ang  nagpapalakas sa akin at wala na akong ginawa kundi ang magpakahina. W-wala na akong naiitulong sayo."

Magpakahina? Mahina? Yun ba ang tingin nya sa sarili nya? Eh, kung hindi naman dahil sa kanya ay wala ako ngayon dito at lumalaban. Siya ang dahilan kung bakit ko nakakayang magpakatatag, kung bakit ko nakakayang tanggapin ang sitwasyon. 

Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at unti-unti syang iniharap sa akin. Nang nakita ko ang mga luhang patuloy na bumabagsak ay nilagay ko ang mga kamay sa pisngi nya at pinunasan ito.

"Everytime you show me how you strive to be strong kahit na deep inside ay takot ka... ay binibigyan mo ako ng lakas. Everytime na makita ko ang determination sa mga mata mo ay tumatapang din ako. So don't tell me na hindi ka nakakatulong sa akin 'coz your mere presence makes me want to fight." 

Pigil ang hininga kong naghihintay ng reaksyon mula sa kanya. At ng unti-unti syang ngumiti na nagpaaliwalas ng mala-anghel nyang kagandahan ay hindi ko na rin napigilang mapangiti. Ang ganda nya talaga. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang ikatuwa na sya ang una kong nakita nung nagising ako dahil inakala ko talaga na nasa langit na ako nung nasilayan ko ang mala-anghel nyang ganda.

"Tara na umuwi. I think this is enough for this day." sabi ko bago ipinatong ang palad ko sa ulo nya at bahagya itong tinapik-tapik.

Unang subok pa lang namin ay madami na agad nangyari. Marami mang tanong pa sa isip ko ay ang mahalaga ay unti-unti kong nalalaman kung bakit ito nangyari sa akin at kagaya nga ng sabi ni Miya ay maswerte ako at kahit papaano ay may mapanghahawakan ako na babalik din ang ala-ala ko.





Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon