Kabanata 9

368 14 12
                                    

Hey readers!!

Ngayon na lang ulit nakapag-UD inuna ko kasi first ever one shot / FanFic story! Check it out guys! ↓↓↓


One Shot and Fanfic Collection

First story: I'm Dating Kim Soo Hyun


Then, binisita pa ni Typhoon Glenda ang Batangas... Salamat na lang  at binayayaan kami ng maayos na bahay.  But all is well now. Sana sa inyo din. =)


Anyways, here's kabanata 9!!!!!


Enjoy!!!




Kabanata 9: aksidente

Miya's POV

Pagmulat ng mata ko ay agad akong napatingin sa sahig.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakitang wala na siya doon.

Pero nasaan naman kaya yun?

Well anyway Miya!! Ang mahalaga hindi mo na poproblemahin na makita ka nyang bagong gising at sobrang gulo ng buhok na animo'y sinabunutan ng sampung matsing!!

Agad kong kinuha ang suklay na iniwan ko sa ilalim ng unan kagabi in case of emergency. Hahaha You're so bright, Miya!!!

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na din ako pero wala akong nakita ni isa sa sala. Pumunta din akong kusina ngunit si Nay lang ang nandoon.

"Oh, anak, gising ka na pala." bungad nya saken.

"Ah, opo. Nasaan na po sila?" tanong ko naman.

"Nasa labas nagsisibak. Tawagin mo na nga at tayo'y kakain na." Nagsisibak!? E kagagaling lang nun sa aksidente!! Alam kong matikas ang pangangatawan nya pero kailangan bang pagsibakin agad-agad!?

"Wala pong pasok si Itay?"

"Ahh.. Oo. Pinagleave ko muna."

Tumango na lang ako at pumunta sa likod. Ang aga naman nilang magising. At pinagsisibak talaga nila sya ng kahoy?

"Ita--" napahinto naman ako ng makita ko si Zhyk na nagsisibak ng kahoy na w-walang t-shirt. Hindi ko na napigilang ihead to abs sya.

Napalunok naman ako ng napakalalim ng makita ang pawisan nyang abs. Hindi ko na nagawa pang alisin ang tingin sa kanya. Match na match ang gwapo nyang mukha sa matipuno nyang pangangatawan. Talaga napakasarap---

"Ayos ba anak?" Halos mapatalon naman ako sa gitla ng biglang magsalita si Nay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Agad ko syang nilingon.

"P-p-po? A-ayos po ang alin?" Nauutal ko pang tanong. Waaahh... siguradong lolokohin na naman ako ni Nay.

Nginisian muna nya ako bago magsalita. Ayan na...

"Ang sabi ko kung ayos na ba? Natawagan mo na ba sila para makakain na?" Natatawang pang sabi ni Nay. Yun ba talaga ang ibig nyang sabihin??

"T-tatanongin ko pa lang po nang dumating kayo." sabi ko pa.

"Pinanood mo pa syang magsibak ng kahoy. Ayos ba?" Nakangising sabi pa ni Nay.

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon