Kabanata 15

176 13 3
                                    

Hello po my Beloved Readers!!

 

Dedicated → CathrineJoyMadalan ←Thank you sa pag-add ng DOUBLE AMNESIA sa undiscovered gems mo. Lubos nyo akong napasaya... ^_^ God Bless.

Here's Kabanata 15!!!

Enjoy!!!


Kabanata 15: Kahit ngayon lang

Miya's POV

I fell.

And I just can't believe it.

Hindi ako makapaniwalang nahulog ako sa kanya sa ilang araw lang na magkasama kami. Pero kahit ilang araw lang iyon ay lagi naman kaming mag-kasama.

Napahinga na lang ako ng malalim para mapakalma ang sarili ngunit isang segundo pa lamang ay hindi na naman magkamayaw ang puso ko dahil nakatalikod na't lahat ako ay nagawa pa ding akong silipin ni Zhyk! Bigla na lang lumitaw ang ulo nya galing sa gilid ko at inilapit iyon sa mukha ko!!! Waaaaaaaaaaahhhh... 

Bahagya akong napa-atras sa sobrang lapit ng mukha nya. Masusi naman nya akong tiningnan.

"A-ano ba!?" Hindi na nga magkamayaw ang puso ko tapos sobrang lapit pa ng gwapo nyang mukha sa akin!

Kumunot naman ang noo nya.

"Ayos ka lang ba?" seryosong tanong nya.

"H-ha?" Inilapat nya ang likod ng kanang kamay nya sa noo ko.

"Para kasing may kakaiba sa kilos mo. Medyo mainit ka din. May sakit ka ba? Gusto mo sa ibang araw nalang tayo tumuloy." nag-aalalang usal nya.

Sino ba naman ang hindi mag-iinit kung ikaw ang kaharap!?

Umiling na lang ako.

"A-ayos lang ako. P-pumunta ka na sa sala t-tatapusin ko lang to." nauutal ko pang wika at bahagya syang tinulak palabas ng kusina.

"Okay. Okay. You don't have to push me. Just... pull me." sabi pa nya bago hinapit ako palapit sa kanya.

Pakiramdam ko ay nahinto ang paghinga ko. Halos mag-init ang buong katawan ko kahit na ang tanging magkadikit lang sa amin ay ang dalawa nyang kamay na nakahawak sa baywang ko at ang kamay kong nasa dibdib nya na pinapantulak ko sa kanya kanina. Gusto ko mang itulak sya ay hindi ko na magawa dahil nanghihina ako. 

"Kahit ano man yang nagpapagulo sa utak mo ay pwede mong sabihin sa akin. You don't have to keep it to yourself. But, we'll deal with that later, for now... tapusin mo na ang dapat mong tapusin para maka-alis na tayo. Just make it fast, okay." bulong nya sakin bago bumitaw at pumuntang sala.

Ilang segundo pa akong nakatayo at nakatingin lang sa kinatatayuan ni Zhyk kanina. Tahimik lang ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. 

You have to stop whatever you are doing Zhyk. 

Napa-iling na lang ako. No. This can't be happening. Hindi ito pwede. Masyado pang magulo ang lahat. Pareho kaming walang maalala sa aming nakaraan kaya mali kung ipagpapatuloy ko ito. Paano na lang kung may naiwan si Zhyk na mahal sa buhay? Paano kung may isang babae na naghihintay sa pag-babalik nya?

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon