Kabanata 22

54 5 0
                                    

Kabanata 22:

Miya's POV

Simula nang nagpaalam si Zhyk kina Nay at Itay ay hindi na natahimik ang puso ko. Lagi siyang nakabuntot sa akin. Maski ang kakagising lang noon na si Emerson ay parang gusto niya ulit patulugin ng ang unang mga salitang binigkas nito sa amin ay 'ganito pala kaganda sa langit'. Mabuti na lang at napigilan namin siya ni Itay. Yun ang huling pagkikita ko kay Emerson dahil agad nagyaya si Zhyk na pumuntang ilog. Bumalik lang kami ng mag-gagabi na at siguradong wala na sila.

Napailing at ngiti na lang ako sa tuwing naiisip ang kakulitan ni Zhyk. Ngayon lang ata gumaan ng pakiramdam ko simula nung aksidente. Ang gaan-gaan sa pakiramdam at feeling ko ay kaya ko lahat. Pakiramdam ko na okay lang kahit hindi na kami maka-alala.

Natatakot ako na kung sakaling bumalik ang mga alala namin ay magkahiwalay kami. Pero I trust him... I trust our love. Ano mang pagkatao ko... mamahalin ko pa rin siya. At alam ko ganun din siya....

Napatalon ako ng biglang may umakbay sa akin habang nagluluto.

"Hmmm... ang bango naman nyan." ani Zhyk. Nilingon ko sya at nginitian.

"Kumusta ang pag-tulog sa sala? Mukhang komportable na komportable ka ah?" Mas malaki pa kasi siya sa sofa namin kaya siguradong nahirapan siya sa pagtulog doon. Si Itay naman kasi eh.

Ginulo niya ang buhok ko gamit ang kamay na nakaakbay sa akin. "Anything for my girl."

"I'm not your girl." sabi ko at bahagya siyang tinulak gamit ang kaliwa kong kamay na walang hawak na sandok.

"Yet... But I'm working on that." aniya sabay ngisi. Parang tambol naman sa lakas ang puso ko dahil sa sinabi niya. 

Ngumuso ako at hindi na napigilan ang pag ngiti.

"Tawagin mo na nga lang si Nay at Itay. Kakain na tayo bago pumuntang bayan si Itay." 

"Oh, oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sayo. Sasama ako sa Itay mo pabayan." 

"Huh?" Kumunot ang noo ko. Bakit naman siya sasama? At hindi niya agad sinabi sa akin.

"Kailangan ko ding magtrabaho no para sa kinabukasan natin. Paano kita bubuhayin kung magtatago lang ako dito?" seryoso niyang sinabi habang nakatitig sa mga mata ko. "Ni refer ako sa isang farm. Tutulong ako sa pagdedeliver ng mga prutas at gulay sa iba't-ibang bayan." pagpapatuloy nito, lumayo siya sa akin para maglagay ng plato sa lamesa.

"T-talaga. Mabuti naman. Baka sakaling may makakilala sayo sa ibang bayan." sabi ko habang nakatalikod sa kanya. "Sabi nga ng doktor, temporary lang ang amnesia mo so kung may makikita kang pamilyar na lugar... b-baka sakaling bumalik memory mo." Lilingonin ko sana siya ngunit bumangga ako sa dibdib niya. Agad niya akong niyakap.

"Bumalik man ang mga ala-ala ko. Walang magbabago sa nararamdaman ko para sayo. Maging dalawa man ang pagkatao ko, iisa naman ang puso ko." Bahagya siyang lumayo at nilagay ang kamay ko sa dibdib niya. "Sa iyo lang ito titibok ng ganito kabilis. Ikaw lang ang sinisigaw at isisigaw ng puso ko kaya huwag ka ng mag-alala, okay?"

Tumango ako at ngumiti. "Oo na po. Sige na tawagan mo na sina Itay baka mahuli pa kayo." 

Nawala lahat ng pangamba ko sa mga sinabi niya. Sapat na iyon sa akin. May tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi niya ako iiwan.









Zhyk's POV

Dang! Hindi naman ako ninerbyos nung nagpaalam ako sa kanila na liligawan ko si Miya, pero bakit ganito na lang ako kakaba nang kami nalang dalawa ni ka Art ang magkasama. Tahimik lang kami habang papuntang bayan. 

"Zhyk..."

"P-po?" tugon ko at agad siyang nilingon. Humalakhak siya ng nahimigan siguro na kabado ako.

"Huwag kang kabado hijo. Sa totoo nyan ay boto ako sayo para kay Miya." seryosong sambit nito. "Simula noong dumating ka ay naging masiyahin ang anak ko."

It warms me na makita na tinuturing nilang tunay na anak si Miya. 

"Kahit ano po gagawin ko para kay Miya. Malaki ang respeto ko sa kanya. At alam kong natatakot siya sa mga pwedeng mangyari, pero huwag kayong mag-alala dahil magiging matapang ako para sa aming dalawa." Tumango-tango siya sa sinabi ko. Sa tingin ko ay kampante na siya sa mga sinabi ko dahil hindi na siya ulit nagsalita.





"Art, tamang-tama ang dating niyo. Siya na ba ang tinutukoy niyo?" bungad ng isang matandang lalaki pagdating namin sa farm. Tumutulong ito sa pagkarga ng mga sako ng prutas sa truck. Apat na lalaki pa ang katulong nito sa pag-kakakarga. Pagkalagay niya ng buhat niyang sako ay lumapit ito sa amin.

"Oo, Bill. Ito si Zhyk. Ikaw na ang bahala sa kanya ha."

"Magandang araw po." bati ko.

"Magandang araw din hijo. Oo Art, huwag kang mag-alala. Mababait naman ang mga tauhan ko dito." sabi pa nito bago bumaling sa akin. "Sakto ang dating mo hijo. May delivery kami sa Maynila, eh may sakit ung makakatulong nitong driver ko kaya sakto at ngayon ka mag-uumpisa."

"Sa Maynila? Sabak agad sa trabaho ah. Magtatagal ba sila doon?" tanong ni Ka Art.

"Hindi naman. Makakauwi din sila mamayang hapon." Tumango sa kanya si Ka Art at nilingon ako.

"Sige hijo, mag-ingat kayo doon. Daanan na lang kita dito mamaya bago umuwi."

"Sige po."

Tumalikod siya at umalis na. Mukhang mapapasugo agad ako sa unang araw pa lang ah. 

"Ali, Eddy, Milo, Sid... Ito nga pala ang sinasabi ko sa inyong bago niyo makakasama. Si Zhyk..." Sabay-sabay nila akong tinanguan. Mukha namang mababait ang mga ito at halos mag-kakasing-edad lang kami. "Ali, Milo, siya ang makakasama niyo sa Maynila maya-maya. Kayo na ang bahala sa kanya."

"Huwag kayong mag-alala Ka Bill. Kaming bahala sa kanya." sabi ni Ali na mukhang namumuno sa apat. "Basta bata ni Ka Art, walang problema."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Si Ka Art at Aling Minda kasi ang gumamot sa anak ko. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko na alam ang gagawin ko." pagpapaliwanag nito.

Tumango naman ako at nakahinga ng maluwag. Mabuti naman at mababait itong mga kasama  ko at mukhang hindi gagawa ng masama.

Lumapit na ako sa mga sako para makatulong sa pag-karga sa truck. Pagkatapos maikarga ang mga sako ay pinakainmunakami bago umalis patungong Maynila.

Maynila huh? I wonder if that place is familiar to me?





____________________________________________________________

2.25.2016

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon