Kabanata 19

99 5 0
                                    

Kabanata 19: friends lang

Zhyk's POV

Damn! Damn! Damn!

Sabi ng kailangan ng flowers and chocolates, tapos... tapos.. Arghhh!!!

Ano na lang ang iisipin niya tungkol sa akin? Na manyak ako? na basta na lang akong nang hahalik!? Damn it!

Halos iumpog ko na ang ulo ko sa puno nang nakalabas ako ng bahay. Pero kasalanan naman niya 'to! If... If only she isn't that beautiful and... free. She kept on teasing me on what type of person I'm into and me, being a quick-tempered hot guy, just simply lost it.

Matalim ko siyang tinitigan and then suddenly, I got amazed. She's laughing like she doesn't have any problem in the world, like she hasn't experienced a great pain in life... She's laughing like... like she's free.

And so I lost control and kiss her.

Napangiti ako nang maalala kung gaano kalambot ang mapupula niyang labi. Argh! Hindi ito ang tamang oras para isipin iyon! Paano ako babalik sa kwartong 'yun ngayon?

Napa-buntong-hininga na lamang ako at pumasok na muli sa loob. Walang pasubaling binuksan ang pinto ng kwarto at nakitang nakatalukbong na siya ng kumot sa kama niya. Alam kong gising pa siya dahil bahagyang gumalaw ang balikat nito.

Hindi ko na lamang iyon pinansin para mabigyan siya ng space at dumiretso na lang sa kabilang bahagi ng kama niya. Nakahiga si Emerson, ang lalaking duguan kanina, sa kama ko kaya natural lang na tumabi ako kay Miya. Alangan namang sa sahig ako, di ba?

Pagkahiga ko ay naramdaman ko ang paninigas ng katabi ko. Napangisi ako sa kung ano mang pumapasok sa isip ng babaeng ito pero dahil kailangan ko siya bigyan ng oras ay pinalampas ko na lang siya ngayon.

But... again... I just can't resist.

Muli akong tumayo at hinubad ang aking t-shirt. "Ang init naman." panunuya ko pa bago humiga ulit. Mas lalo siyang nanigas kaya mas lalo akong napangisi. Ang sarap talagang kulitin ng babaeng ito.

Hinarap ko siya kahit na nakatalikod siya sa akin.

"You can breathe now." bulong ko. She shivered and I hid a smile. "Don't worry. I won't do anything to you... yet." pagkasabii ko noon ay agad kong pinagsisihan nang mas lalo siyang nanigas sa kinahihigaan niya. Add fuel to the fire, Zhyk! Ngayon, walang duda na iisipin niyang manyak ka nga! Grrrrr.

Tumalikod na lamang ako pero bago tuluyang makatulog ay...

"Sorry. Hindi ko dapat iyon sinabi." mahinang sambit ko. "Matulog ka na. Pero know that I am serious. Now, Sweet dreams."



Miya's POV

Pag-mulat ko ay agad na bumalandra sa akin ang isang makisig na dibdib at ang isang braso na nakayakap sa akin. Napakurap-kurap ako at inalala ang nangyari kagabi. Nang maalala ko iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ko napatingala sa nagtataglay ng mainit na katawan na bumabalot sa akin.

Napahinga ako ng maluwag ng nakitang tulog pa ito. Hindi ko maiwasang titigan ang gwapo niyang mukha. At pilit ko mang hindi gawin ay napatitig pa din sa mga labi niya at agad na pumasok sa isip ko ang pangyayari kagabi. Agad na lumakas ang pagtibok ng puso ko.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ibig bang sabihin ng mga kinikilos niya ay gusto niya din ako? P-pero... Paano... nangyari iyon? Ilang araw pa lang kaming magkasama. You can answer your own question, Miya. Ilang araw pa nga lamang kayong magkasama pero gusto mo na agad siya. Mahal mo na agad siya.

No. Hindi ito tama.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin at lumayo sa kanya. Tumayo ako at tinitigan ang gwapo niyang mukha na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Mahal kita... pero mali ito. Parehas nating hindi kilala ang sarili natin. Kung ano ang nakaraan natin. M-maybe may girlfriend kang naiwan or worse a wife, a famly. O... baka ako ang may naiwan.

No. There are too many baggages for us to start.... this... whatever this is. Infatuation, attraction. or even love. Well, I think this is love. No. I am certain that what I feel is love. I love him. I don't know why or how, but I do. I do love him. But..... I can't. We can't. We can't have any relationship apart from being friends. May kirot akong naramdaman sa aking puso.

Friends. Yun lang dapat, Miya. Everything is just so complicated. Mahal kita at sa nangyari kagabi ay sa tingin ko ay mahal mo din ako. Pero hindi maari. Kaibigan. Hanggang dun lang Miya. Hanggang dun lang.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan at itinanim sa isip na hindi kami maaari. Masakit man, pero ito ang sa tingin ko ay tama. Pinagmasdan kong maigi ang gwapo niyang mukha at ang malambot niyang labi na nagpasabog sa puso ko bago labag sa kalooban kong ibinaling ang tingin sa lalaking nakahiga sa kama ni Zhyk. Tulog pa ito at mukhang maayos na naman ito.

"Oh, Mukhang napasarap ang tulog mo Zhyk ah at nauna si Miya ngayon sayo?" bungad ni Nay pagpasok ni Zhyk ng kusina.

Ngumisi ito at tumingin sa akin. "Mahimbing nga po ang tulog ko. Siguro ay komportable ang hinigaan ko." Umiwas ako ng tingin pero bago siya makalampas sa akin ay may ibinulong pa ito na nagpalundag ng puso ko. "And I had a good night kiss from an angel."

Kumalabog ang puso ko. No. Tame that heart of yours Miya. Remember, friends lang.

-----------------------------------------------------------------------------------

04.11.2015

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon