"Daneery! Harly!"Napalingon kami sa likuran at nakita si Dad na mabilis ang hiningang nilapitan kami. Napakunot noo ako nang mapansing nagkasalubong ang kilay ni Dad habang nakatingin sa amin na tila ba handa na siyang sermonan kami sa mga sandaling ito.
"Kanina ko pa kayo hinahanap! Saan ba kayo galing at bakit mo pinakain ng ice cream ang kapatid mo! Alam mo namang may sinat pa yan diba?"
Umiling ako at nagkibit balikat. Hindi naman kasi naman alam kung bakit hindi siya agad sumunod sa amin gayong kakaalis lang namin sa ospital. Bumuntong hininga si Dad bago sinulyapan ang kaniyang wristwatch. Binalingan niya uli kami at nagsalitang muli.
"Uuwi na tayo."
Matigas niyang wika. Bumaling si Dad sa akin at matalim ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. Napakurap ako nang umangal si Harly sa tabi ko habang pinapadyak-padyang ang kaniyang paa na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Dad na ngayon ay seryoso na ang mukha at walang kurap na nakatingin sa akin.
"Dad, manonood pa tayo ng movie, right?"
Mangiyak-ngiyak na tanong ni Harly at hindi na alintana ang nauupos na ice cream sa kamay niya. Palihim akong natawa at napailing-iling na lamang dahil sa sobrang pagkaaliw ng kaniyang naiiyak na hitsura.
"Not now, Harly. You... Daneery, mag usap tayo sa bahay."
Seryosong sabi ni Dad. Tinitigan ko siya at ganoon din siya sa akin pabalik. Ibang-iba siya sa mga Dad na nakilala ko. He is not my biological Dad but he keeps on acting like my real father. Palibhasa mahal na mahal ni Mommy Diana. Mommy Diana is my biological Mom. My real father died because of Leukemia and the sad part of it was, pinatira ako ni Mom sa bahay ni Dad ngayon dahil syempre alang naman mamuhay ako ng mag isa diba? Hindi sa nang-aalipusta ako o nanghuhusga ngunit kung titignan sa panlabas na perspektibo, para siyang lalaking kabit dito. My Mom is currently turning 35 while Dad is just 29, sa tantiya ko. Sampung taon ang agwat ng edad namin sa isa't-isa kung kaya hindi maipagkakailang may mga alitan kami sa maraming bagay. Halos araw araw hindi kami nagkakasundo nito except when we are outside the house. For short, similar poles repel just how others often declare without reluctance.
Harly Dreevade Tayzon is not my biological brother. Inampon siya ni Dad Drave noong nagtrabaho siya sa ampunan. Ilang taon na rin kasi siyang naging sponsor at tinutulungan ang mga orphans.
"Daney, mauna na kayo sa loob. Bibili lang ako ng donut sa may bandang bakery."
I just simply rolled my eyes out of nowhere atsaka ako pumasok sa sasakyan at tumabi kay Harly. Hindi pa rin pala nauubos ang kaniyang ice cream sa sobrang reklamong ginagawad niya ngayon kay Dad.
"Mommy!"
Sigaw ni Harly kay Mom at tumakbo ito para yakapin siya. Napangiti si Mom at agad na yumuko para ilebel ang mukha nila Harly. Bakas sa mukha ni Mom na natutuwa siyang makita kaming muli ngayon.
"Dear, I miss you so much."
Hinalikan niya sa noo si Harly. Nilagay ko sa small table ang mga medicine na bitbit ko. Napatingin si Mom sa akin at ngumiti. Lumapit siya sa akin.
"My Daneery Jane Lim."
Mom hugged me. Two days nang hindi nakauwi si Mom dito dahil galing siya sa Davao para asikasuhin ang Limerick Clothing Company namin doon. Madalas lang siyang umuuwi dito. Two to three times a week lang yata.
"Mom, musta?"
I gave her my sweetest smile. Hinawi niya ang buhok na nakatakip sa kabilang mata ko. Ngumiti pabalik si Mom at niyakap ulit ako. Marahan siyang napabitaw at tinignan ako na para bang sinusuri ang reaksyon ng aking mukha 'saka siya biglang nagtanong.
"I'm alright honey. Musta ang school?"
Napatawa ako ng kaunti. Okay nalang. Okay nalang talaga. Nakakastress minsan. Nakakapagod mag-aral pero kinakailangan magpatuloy para makapagtapos. Para naman may future ako nito. Ayaw kong magpaka depende kay Dad at Mom. Ayaw kong mahirapan sila ng dahil lang sa mga walang kwenta kong rason.
Alang naman sabihin ko na,
"Mom? Pagod na akong mag aral, pwede mag quit?"O kung,
"Dad? Magpalit nalang kaya tayo? Ako ang magtatrabaho bilang veterinarian at ikaw naman ang mag-aaral?"
Napailing nalang ako habang naiisip ko iyon. Alam ko sa sarili ko na hindi magyayari iyon. Kahit pa man may negosyo sila Mom at halatang may kaya ang pamilya namin, ayaw ko rin namang i-asa ko ang aking pag aaral at magiging kinabukasan ko sakanila. Ayaw kong maging pabigat kay Mom kasi mas gugustuhin ko pang maglakad sa sarili kong paa mga patungo sa aking destinasyon na hindi lubos na inaakay ng mga taong mahalaga sa akin.
Napabalik ako sa reyalidad nang tinapik ni Mom ang balikat ko.
"Hey Daney, darling? Are you alright? Bakit parang natulala ka?"
Napakurap ako at napailing. Inangat ko ang aking tingin kay Mom at nakita kong nag alala siya sa wala sa inasta ko. Pinagmasdan ko saglit si Mom na nagtatakang nakatingin sa akin. Kahit pa man nakamasid ako sa malayo o sa malapitan, hinding-hindi ko maipagkaila ang kagandahang taglay ni Mom. Morena ang balat ni Mom, makinis rin ang kaniyang mukha na para bang hindi siya tumatanda kahit nasa 30's na siya. Mahinahon at maamo rin ang awra ni Mom kung kaya't mas lalo akong natutulala kapag tinititigan ko siya. Mabibighani ka talaga sa inosente at pormal na kilos at asal ni Mom. Grabe, hindi ko man diretsahang maitanggi... ngunit wala talagang bakas na magkamukha ni Mom kasi nagmana 'yung kakaibang ganda ko sa lahi ng aking biological father na may purong-dugong Intsik.
"Nothing Mom. I'm just tired. Anyway, okay naman ang school days ko sa ngayon, you don't need to worry about it Mom."
Naghilaw na ngisi ako. Napalitan yata ng antok ang gutom ko. Tumango naman si Mom bilang pagsang-ayon. Tinapik niya ang aking magkabilang balikat at ngumiti. Bukod sa panlabas na kagandahan ni Mom, nakakadagdag rin ng beauty points ang kaniyang pagiging palangiti.
"Oh I see. I'm just checking you out. Dane. Magpahinga ka nalang muna siguro, anak."
Hindi na ako nagdalawang isip na umakyat sa kwarto ko. Pero bago ko maisara 'yung pinto ko nakita kong niyakap ni Dad ng mahigpit si Mom. Napatingin si Dad sakin. Agad kong sinara ang pinto. How sweet of Mom and Dad. Napakasuwerte ni Dad kay Mom kasi minahal siya nito ng lubos sakabila ng nakaraan ni Mom sa biological father ko.
Hindi ko namalayang nakatunganga na pala ako habang nakatingin sa kanila sa harap ng pintuan kaya no'ng napalingon sa aking kinaroroonan si Dad at magtama ang aming paningin ay natigilan ako. Napakurap ako at agad na tumalikod para pumasok sa aking kwarto. Nang maisara ko na ang pinto ay bahagya akong napasandal doon 'saka napahawak sa aking dibdib.
Bakit ganoon ang naging reaksyon ng puso ko? Bakit parang kinakabahan ako sa lakas ng pagkalabog nito? Nababaliw na ba ako? Napapikit ako at napahinga ng malalim. Sana naman hindi aatekihin ng saltik itong puso ko kasi pakiramdam ko muntik na akong mawala sa sarili kanina.... sa hindi malamang dahilan.
My heart just skipped a beat.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...