Chapter 29

76 8 0
                                    

"Good morning, apo."

Maagang pagbati sa akin ni Lola bago pumasok sa kwartong kinaroroonan ko ngayon. Agad akong napabalikwas ng bangon at nakita siyang binubuksan ang kurtina sa glass window ng kwarto. Bahagya akong napapikit dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas at napagpasyahang tumayo na mula sa kama.

Napakusot-kusot ko ang aking mga mata at sumulyap sa orasan na nasa itaas ng katabi kong closet. Tila naibalik ako sa sariling ulirat nang mapagtantong halos tinanghali na pala ako ng gising.  Lumingon si Lola sa aking direksyon kaya napaayos ako ng upo at tinignan din siya pabalik. Banayad niyang sinuri ang hitsura ko dahilan para mapakurap ako atsaka siya nagsalita.

"Maligo ka muna. May damit pangbabae diyan sa loob ng closet. 'Yung nasa pinakaibabaw na bahagi ang kunin mo. Bababa pa tayo sa ground floor."

Pamuna ni Lola atsaka nag unat unat sa harap ng salamin. Bigla akong napaisip sa sinabi niya kaya sandaling umangat ang kabila kong kilay at tinanong si Lola. Hindi ko mawari kung gaano kalaki at ilang palapag ang lugar na ito gayong hindi ko pa nakikita ang kabuuan ng mansion na ito simula pa lamang kagabi.

"Ground floor? Kung ganoon, nasa anong floor po ako, Lola?"

Marahan ngunit maingat na tanong ko. Bumaling si Lola kinatatayuan ko at kalamadong nilapitan ako sa aking pwesto. Napasalikop ko ang mga kamay ko sa hindi malamang dahilan. Naramdaman ko ang pagtapik ni Lola sa aking balikat bago niya ako sinagot.

"You're in the fifth one. This mansion consists of seven floors including the roof deck. Anyway, feel free to use the elevator so you won't have to pitifully step on the ladders."

Sambit ni Lola atsaka naglakad papalabas ng kwarto. Pinagmasdan ko muna ang kaniyang likuran bago niya isinara ang pinto. Hindi maipagkakaila na kahit may katandaan ang hitsura ni Lola, matuwid pa rin ang postura at tindig nito na para bang palagi siyang nag eensayo upang mapanatiling malakas ang kaniyang resistensya at kalusugan. Ngayon ko lang napagtanto na may pinagmahan pala talaga si Dad sa pagiging aktibo niya tuwing umuuwi siya ng bahay galing sa trabaho. Tila ba hindi siya nakaranas ng problema at pagod sapagkat nagagawa niya pa rin niyang ngumiti o masiglang makipag usap sa amin ni Mom.

Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin nang maalala ang nangyari kagabi sa bahay bago ako napadpad dito sa mansion nila Daddy. Unti-unti na namang sumikip ang aking dibdib dahil nanumbalik sa isipan ko ang katotohanang ibinunyag ni Lola tungkol sa nakaraan ni Mom at Daddy. Dumaosdos ang masaganang luha mula sa aking mga mata kaya agad kong pinunasan ang pisngi ko.

Sa loob ng maraming taon na nakasama at nakapiling ko ang aking mga magulang sa iisang tirahan, hindi kailanman sumagi sa isipan ko na walang espesyal na relasyon ang namamagitan sa kanilang dalawa maliban nalang sa katotohanang ipinagkasundo lamang sila at itinali sa isa't-isa upang maipagpatuloy ang pagtataguyod at pagkakakaisa ng kompanyang Bellañicas at Limerick. Noong mga panahong inakala ko na maayos at halos kalapit sa katagang perpekto ang pamilyang mayroon ako, walang totoong pagmamahalan na namayani kay Mom at Dad.

Ang tunay na babaeng minahal ni Dad ay siya ring nailayo mula sakaniya nang malaman ng pamilyang Lim na nagbunga ang kanilang pag-iibigan. Isa man itong malaking pagkakamali sa kanilang pamilya at labag man ito kasunduan ng magkabilang panig, nagawa pa ring panagutan ni Dad ang anak niya kay Alison. Palihim niyang sinuportahan at minahal ang dalawa kung kaya noong nalaman ito ni Mom, labis siyang nangalaiti sa galit dahil pakiramdam niya na naapakan ang kaniyang pagkatao bilang babae kahit pa man wala siyang nararamdaman para kay Dad. Si Mom rin ang may pakana ng muntikang pagka aksidente ni Dad sa sasakyan nito at siya rin ang walang habas na kumimkim sa mga ari-ariang ipapamana sana ni Dad sa unang anak niya sa babaeng totoong nilalaman ng kaniyang puso ngunit nabigo sa huli matapos siyang pagbantaan ni Mom sakabila nang malubhang karamdaman na dinadala niya. Hanggang sa kahuli-hulihan ng buhay ni Dad, hindi naipabatid ni Mom na mahalaga at may puwang si Dad sa puso niya sapagkat wala siyang ibang naramdaman kung hindi ganid at pagkauhaw sa pamanang iniwan nito sa amin.

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon