Chapter 19

99 8 0
                                    

Napabalikwas ako ng kama nang marinig na tumunog ang aking phone. Humikab ako at isinagot iyon.

"Daneery! Goodmorning. Imbitado tayo sa grand welcoming celebration ni Eian na gaganapin bukas sa Oneus Hotel kasama ang mga relatives niya. Invited rin ang mga businessman at businesswomen na mga kakilala ng parents ni Eian. Invited din daw 'yung Mom mo sabi ni Eian."

Agad na sabi ni Grindel sa akin. Napakuskos ko ang aking mga mata at tinignan ang oras sa bandang pader ng aking kwarto. 10:50AM na ng umaga. Kaya pala ramdam na ramdam ko ang gutom. Tumayo na ako at humarap sa salamin 'saka nanlaki ang aking mga mata ng makitang may malaking pimple sa aking kaliwang pisngi. Naalala kong hindi pala ako nakapag facial mask kagabi at diretsong sumalampak lang ako ng kama.

"Daneery? Pupunta ka naman, 'diba?"

Napakurap ako at napagtantong kausap ko pala si Grindel sa phone.

"Oo, isasama ko si Mom. Ano ba ang susuotin namin bukas? May theme ba ang celebration?"

Tanong ko. Nilugay ko ang aking buhok nang mapansing buhaghag ito at hindi ko naitanggal ang aking pang-ipit kagabi. Pakiramdam ko masyado akong napagod sa mga nangyari kahapon lalo na't bandang hatinggabi na ako nakatulog hanggang umaga tapos ngayon lang din ako nagising.

Pag-uwi ko dito kahapon pagkatapos akong ihatid ni Eian, hindi ko na naabutan si Dad kasi sabi ni Manong Alfonso, kakaalis lang daw ni Dad papuntang trabaho tapos baka gabihin na siyang umuwi. Nag-antay ako kay Dad habang nagluluto ng dinner ngunit sa kasamaang-palad, hindi siya nakauwi kasi noong tinawagan ko 'yung sekretarya niya sa office, nakatulog daw si Dad at hindi na nila inabalang gisingin kasi mukhang pagod na pagod siya. Kahit na dismayado at labag sa kalooban ko, kinain ko na lamang mag isa ang aking mga hinandang luto 'saka naisipang matulog nalang.

Binaba na ni Grindel ang tawag kaya nagsuklay na muna ako ng buhok sa salamin. Ang gulo ng buhok ko tapos nagkapimple pa ako. Napakunot-noo ako at may bahid ng irita kong tinignan ang aking mukha. Halos once in a month, dinadalaw talaga ako ng tigyawat na para bang schedule nila iyon na dumapo sa mukha ko. Naglakad na lamang ako papuntang cabinet at kinuha ang tuwalya 'saka naisipang mag shower muna.

Nang maiayos ko na ang aking sarili, lumabas na ako ng kwarto at sinilip ang sala. Wala rin siya doon sa kusina at walang katao-tao rin ang restroom kaya naisipan kong puntahan siya sa kwarto baka sakaling nandoon siya. Umakyat ako ng hagdan at nakitang nakasara ang pinto ng kwarto ni Dad.

Akma ko na sanang bubuksan iyon pero gulantang akong napaatras nang biglang bumukas ang pinto at bumungad doon si Dad. Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Parang lutang ang mukha niya at halatang kagigising lang niya.

"G-goodmorning, Dad. May breakfast na po roon sa kusina hinanda ni Manang Dayanara. Sabay na po tayong kumain." Hindi ako makatingin at utal ang pagkasabi ko no'n. Halos mapamura ako sa aking isipan.

Agad akong tumalikod at umunang maglakad nang mapahinto ako at natigilan nang hinawakan ni Dad ang braso ko at ipinaharap niya ako sa kaniya. Napatingin ako sakaniya at nakitang diretso sa aking mga mata ang kaniyang paningin. Pakiramdam ko kumalabog ang aking dibdib sa hindi malamang dahilan kaya napakurap ako.

"B-bakit, Dad?"

Naningkit muli ang mga mata niya na para bang sinusuri niya ang mukha ko. Muntik na akong mapalunok sa reaksyon niya. Papagalitan niya ba ako dahil tinanghali ako ng uwi kahapon galing kila Eian? Kaya ba hindi niya sinasagot mga text messages at calls ko dahil sa harap niya mismo ako sesermunan? Feeling ko talaga magugulpi ako ng wala sa oras ni Dad ngayon.

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon