Bandang tanghali na ako nagising kaya agad akong nataranta at nang tignan ko ang aking phone ay napahilamos ako ng mukha kasi tinadtad na pala ako ng mga messages nila Joleena. Kahapon sa grand celebration ni Eian, naisingit namin sa usapan na ngayon kami magsusumite sa video presentation doon sa opisina nila Professor Dexxon. Napag alaman rin kasi namin na late na kami sa submission atsaka kailangan namin na personal na pumunta doon upang ipaliwanag at kumbinsihin si Professor Suarez na tanggapin iyong amin. Kung kaya napagpasyahan namin ni Joleena na kaming lahat na mga kagrupo ang papunta roon imbis ipasa nalang sana thru email ang video.
Mabilis akong bumangon sa kama at lumundag paalis doon. Sampung minuto lang ang tinagal ko sa bathroom at agad akong nagbihis ng ripped pants at white tshirt na may 'we bear bears' na logo sa gitna. Habang pinupunasan ko ang basang buhok ay biglaang napantig ang aking tainga dahil sa naririnig kong ingay na nagmumula sa kabilang kwarto.
"Ahhh... Ano ba, Drave. Dahan-dahan naman." Napaatras ako dahilan upang mabangga ko 'yung swivel chair sa likod at muntik na akong mapasubsob sa sahig kung kaya agad akong napahawak sa stool table na kinalalagyan ng malaking salamin sa harapan ko.
What the hell are they doing there?
"Ano ba Drave, nakikiliti ako e'.. Aray! Ang sakit..."
Rinig ko muli sa kabilang kwarto. Napatikom ko na lamang ang aking bibig at wala sa sariling kinuha ang aking blower na siyang nagdulot ng ingay sa loob ng aking kwarto. Hindi ko namalayan na matalim ko na palang tinitignan ang aking sarili sa salamin. Huta. Ang lakas ng sikat ng araw sa labas tapos may ginagawa silang kababalaghan diyan?!
Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ngunit isa lang alam mo, may kung anong nagpadagdag bigat sa timbang ng aking dibdib na para bang ito ang dahilan upang hindi ako makahinga ng maayos. Bumuntong hininga na lamang ang ako at napairap sa kawalan. Whatever.
"Stay still if you don't want to get hurt."
Nagsitindigan ang aking balahibo lalo na't narinig ko ang ungol ni Mom sa kabila. Napapikit ako ng mariin at napamura sa aking isipan. Ang lakas na ng ingay ng blower pero bakit dinig na dinig ko pa rin ang mga boses nila sa kabila. Ang sagwa nila pakinggan at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang aking mga naririnig kapag nagtagal ang pananatili ko dito sa loob ng kwarto.
"Then just do it, gently."
Sa hindi malamang dahilan, wala sa sarili kong napahampas ang desk katabi ng salamin kung kaya't ilang sandali pa ay natigilan ako. Naramdaman ko rin na humupa ang ingay sa kabilang kwarto. Damn. Napailing-iling na lamang ako at napagpasyahang mag make-up na nalang muna. Pagkatapos kung mag ayos ng sarili ay kinuha ko ang aking shoulder bag 'saka mabilis na naglakad paalis doon sa kwarto.
Nang makababa na ako ng hagdan ay mabilis akong dumiretso sa kusina at kumuha ng vita coco sa refrigerator. Kapag may mga lakad ako, ito talaga ang energy drink na dinadala ko kasi noon pa man nakasanayan ko nang makatanggap ng mga package nito kay Daddy na madalas niyang ipinapadeliver dito sa bahay tuwing busy siya sa trabaho. Bumuntong hininga ako at akma na sanang isasara ang refrigerator ngunit may kamay na agad na pumigil doon. Nang mapalingon ako ay bigla akong natigilan nang makitang si Dad pala iyon at seryoso ang mga matang nakatingin sa akin.
Nanumbalik muli sa aking isipan ang nangyari kagabi kaya napalunok ako. Naalala niya kaya ngayon 'yung mga pinagsasabi niya kagabi habang lasing siya? Naalala niya kaya na... niyakap niya ako kagabi at bigla siyang nakatulog? Kasi, pag gising ko wala na siya sa tabi ko... Kung kaya't pakiramdam ko'y baka nahimasmasan siya kaninang madaling araw at tulog pa ako sa mga oras na iyon.
"That's mine."
Bumaling siya sa vita coco na hawak ko. Nagsalubong naman ang aking kilay at nagsalita pabalik.
"This is mine. Marami pa naman dito o'. Atsaka nabuksan ko na ito noong nakaraang araw pero hindi ko pa naubos." Sabi ko ngunit para bang walang naririnig si Dad. Nagulat ako nang bigla niyang hinablot iyon mula sa aking mga kamay at mabilis na nilagok iyon na para bang umiinom lang siya ng isang baso ng tubig!
"Dad! What are you doing!"
Halos pasinghal na sabi ko. Ano ba ang nakain ng lalaking ito. May hang over pa rin ba siya kung kaya't ganito siya makaasta? Tumingin siya pabalik sa akin at naningkit ang kaniyang mga mata. Lingid sa aking kaalaman na napakalakas na pala ng tibok ng aking puso ngunit parang nababalewala ko nalang kasi pakiramdam ko nalulunod ako sa sobrang lapit ni Dad ngayon sa akin.
"Get a new one inside." Simpleng tugon niya at agad na bumitaw 'saka lumayo sa akin. Feeling ko nabunutan ako ng maraming tinik sa katawan at nakahinga ng maluwang. Mabilis akong kumuha bagong bottle habang pilit na iniiwas ang tingin kay Dad. Tatalikod na sana ako at maglalakad palayo ng biglang magsalita si Dad.
"I'm sorry.."
Mahinang sabi niya. Napahinga ako ng malalim. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon kung kaya't hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko nilingon si Dad ngunit mabilis akong rumesponde sa sinabi niya.
"It's fine. Marami pa namang stock diyan sa loob."
Hahakbang na sana ako at tuluyan na sana talagang aalis kasi parang sasabog na utak ko sa sobrang tense na nararamdaman dahil kay Dad ngunit biglang nagsalita muli si Dad kaya napahinto... Mga salitang hindi ko inasahan mula sakaniya at salitang nagpaigtad sa aking sikmura.
"... for making you feel jealous."
Mabagal na naiproseso sa aking utak ang sinambit niya. Nagseselos ako? Bakit naman? Pakiramdam niya ba na may ibang nararamdaman ako sakaniya? Mali, Daneery. Nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako lumingon pabalik sakaniya.
"Drave! I need you here!" Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang sigaw ni Mom mula sa kwarto niya. Bumuntong hininga ako at pinilit pakalmahin ang sarili ko kahit pa man naghuhuramentado ang buo kong sistema.
"I'm not jealous or anything. Why would a daughter feel jealous when she should be happy because her parents never fail to show endless love and affection towards each other? Don't get wrong thoughts about me, Dad."
Mahinahon na sabi ko. Ngunit huminto ang aking pag iisip sa sinabi ni Dad na siyang nagpabagabag sa akin dahil wala akong maintindihan.
"You need me." Sino ba namang anak ang hindi kailangan ang kaniyang ama?
Napailing na lamang ako. Our conversation is getting out of nowhere."Mom needs you now." Huling sabi ko at mabilis na naglakad paalis ng bahay. Bago pa man ako makasakay sa loob ng sasakyan, naramdaman kong uminit ang gilid ng aking mga mata. Napamura na lamang ako sa aking isipan nang mapagtantong nasasaktan ako... at hindi dapat, kailanman hindi dapat makaramdam ng ganito ang isang anak, maliban nalang kung hindi isang anak ang turing niya sakaniyang sarili.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...