Tahimik lang ako habang nasa loob kami ng sasakyan ni Dad. Walang nagsasalita sa aming dalawa at kanina pa kami hindi nag iimikan. Hindi rin kumikibo si Dad habang nagmamaneho at ayaw ko namang unahan ang pag uusap namin. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana at pinasadahan na lamang ng tingin ang view sa labas.
Nakahalukipkip ako dahil ramdam ko pa rin ang lamig na tinamo ko kanina sa waiting shed. Kung hindi lang dumating si Dad kanina, pakiramdam ko mawawala na talaga ako ng tuluyan sa aking sarili at baka mawalan na naman ako ng malay kagaya ng nakagawian ng katawan ko tuwing naiipit ako sa isang hindi kaaya-ayang sitwasyon.
Rinig ko ang buntong hininga ni Dad sa aking gilid pero hindi na ako nag abala pang lingunin siya. Mas lalo ko pang niyakap ang aking sarili habang hawak ang coat ni Dad na nasa likuran ko. Batid kong walang kasalanan si Dad sa pagkahuli niya ng pagsundo sa akin pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng sama ng loob lalo na at naranasan ko na namang mawala sa sarili dahil sa kinatatakutan kong kulog.
"Daneery, tama lang ba ito?"
Napalingon ako kay Dad at nakitang binuksan niya ang heater ng sasakyan. Katamtaman lang ibinubuga nitong hangin kaya nakahinga ako ng maluwang. Naramdaman ko namang unti-unting nawala ang lamig sa paligid at hindi na rin nanginginig ang aking mga braso. Bago pa man bumaling si Dad sa akin ay agad kong inilipat ang aking paningin sa labas ng bintana at tumikhim.
"A-ayos lang."
Tugon ko sa tanong niya. Narinig kong bumuntong hininga si Dad. Ilang minuto ang lumipas atsaka ko napansing ibang daan ang tinatahak ng sasakyan ni Dad. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko kaya nagtataka akong napatingin kay Dad na ngayon ay nakapokus ang atensyon doon sa daan.
"D-Dad, saan po tayo pupunta?"
Nauutal na tanong ko. Napatingin muli ako sa daan at napansing huminto kami sa tapat ng isang small restaurant. May mga nakahilerang sasakyaan din doon sa gilid na pagmamay-ari ng mga customers doon sa loob. Tinignan ko si Dad na tinatanggal ang kaniyang seatbelt atsaka kinuha ang wallet na nakalapag sa gilid niya.
"Stay here. I'll buy some meals for our dinner tonight."
Pagbilin sa akin ni Dad. Nagtama ang paningin naming dalawa at ilang segundo niya akong tinitigan na para bang tintimbang ang reaksyon ko sa mukha. Halos mapapitlag ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa puwesto kaya hindi ako napakurap. Abot-abot ang tahip sa aking dibdib lalo na nong ilang dangkal nalang ang namamagitan sa mukha naming dalawa. Napalunok ako. Ano bang ginagawa mo, Dad?
"Don't wear off your seatbelt."
Mahinahong sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Ramdam ko namang tumunog ang lock ng seatbelt kaya napatingin ako sa baba. Agad siyang lumayo sa akin nang matapos niyang isara ang seatbelt. Binuksan ni Dad ang pinto atsaka siya umalis doon sa sasakyan.
Napapikit ako ng aking mga mata at napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko nalagutan ako ng hininga dahil sa bilis ng pangyayari. Huminga ako ng malalim kasi ramdam kong kumakarera na naman ang dibdib ko.
Maya-maya pa'y nasulyapan kong naglalakad na papalabas ng restaurant si Dad na may dala-dalang mga meal boxes. Agad niya iyong inilapag sa likurang bahagi ng sasakyan namin atsaka siya tuluyang pumasok sa driver's seat. Kahit ramdam ko pa ang pagkailang sa nangyari kanina, lumingon ako kay Dad na ngayon ay nakahawak na sa manibela at nagsimulang iniandar ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...