Chapter 30

88 8 0
                                    

"Mga hayop! Lumayas kayo dito sa pamamabay ko! Kinasusuklaman ko ang mga pagmumukha niyo!"

Nanggigigil na bulyaw ni Lola kay Sir Dexxon at sa babaeng kasama nito ngayon. Nakaawang ang aking labi habang gulat pa ring nakatingin sa kanila ngayon. Nangangalaiting nagpumigas si Lola para hilahin ang buhok ng babae ngunit buong pwersa pinigilan ni Percy ang braso niya.

Unti-unting nagkasalubong ang aking kilay dahil naguguluhan ako sa nangyayari ngayon. Nagtiim bagang si Sir Dexxon sa kanilang harapan habang ang babaeng kasama niya naman ay matalim ang tingin kay Lola na tla ba hindi niya uurungan ito kung sakali mang sakmalin siya ng walang pag aalinlangan.

"Lola, please calm down..."

Pagpupumilit ni Percy. Taranta namang inawat din ng maids namin si Lola lalo na ang babaeng naging dahilan ng kaniyang pag aapoy ngayon sa sobrang galit. Napalunok ako at pawang naiumbok ako sa aking kinatatayuan.

"Ang lakas ng loob niyong sumulong dito! Ano ba ang pakay niyo sa aking pamilya?"

Galit na singhal ni Lola. Umayos ng tayo ang babaeng nasa harapan niya habang inaalalayan siya ni Sir Dexxon. Sandali kong tinitigan ng matiim ang babae at muntik akong mapasighap nang mapagtantong minsan ko na siyang nakita noong lumabas siya mula sa opisina ni Sir Dexxon. Ngunit wala akong ideya kung ano ang relasyon nila sa isa't-isa at ano ang ugnayan nila kay Lola.

"Lola, si Alison ang totoong tagapagmana ng kompanya niyo. Sa kaniya ito huling inihabilin ni Drake. Hindi namin maunawaan kung bakit ganoon kadali sa inyong tanggapin ang anak ng babaeng nagtangkang kumitil sa buhay ng iyong anak gayong binalewala mo lang ang kaniyang totoong minamahal at ang magiging apo sana ninyo?"

Diretsahang puna ni Sir Dexxon na siyang ikinalaglag ng aking panga. Hindi ko mawari kung paano nalaman ni Sir Dexxon ang tungkol sa isyu na kinakaharap ng aming pamilya. Alam kong anak na pinagsasabi niyang bukas-palad na tinanggap ni Lola ay ako pero hindi ko maintindihan kung bakit may alam siya sa dating babae na totoong minahal ni Dad at ang anak nito.

"Anong karapatan mo para tawagin akong Lola? Hindi kita apo! Kayo ang mga walang modo na maralitang nagtulak sa aking anak sa kinahahantungan nitong kamatayan!"

Mabigat ang hiningang sigaw ni Lola pabalik sakaniya. Mas lalong kumalabog ang aking puso at walang kurap na tininan si Sir Dexxon na ngayo'y bakas sakaniyang mukha ang matinding pagkapitlag na may halong pagkadismaya sa sinabi ni Lola. Apo? Sino ba sila? Kaano-ano nila si Alison?

"Lola, tumigil na kayo! Apo niyo rin siya! Bakit ba kayo galit na galit sa amon?!"

Sigaw nong babaeng kasama ni Sir Dexxon. Ang ilang maids na nasa aning kinaroroonan ay dahan-dahan ng napaatras na tila ba ayaw na nilang manghimasok sa bangayan na nangyayari ngayon lalo na at kumukulog sa sobrang galit ang boses ni Lola. Gusto ko silang lapitan at awatin bago kumbinsihing idaan sa matinong pag uusap ang kaguluhang ito pero hindi ko magalaw ang aking katawan at pakiramdam ko naeestatwa ako sa bawat salitang binibitawan nila.

"Stop making me cringe in resentment, Alison! Lumayas kayong dalawa dito! Ayaw kong makita ang mga kaluluwa niyo sa mansyong ito!"

Buwelta ni Lola kaya tuluyan ng huminto ang aking mundo sa mga sandaling ito. Hindi ko namalayang unti-unting sumisikip ang aking dibdib habang pinagmamasdan si Alison at Dexxon na sari-sari ang emosyong namamayani sakanilang mukha. Kung ganoon, sila ang naunang pamilya ni Dad? Ang unang kasintahan ni Dad at ang kanilang naging anak?

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon