Naalimpungatan ako nang pakiramdam ko may nakahawak sa aking kaliwang kamay. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at wala sa sariling napatingin sa kisame. Sandali akong napakurap-kurap at napagtantong nasa kwarto na ako. Napalingon ako sa aking gilid at halos matigilan nang makitang nakaupo si Dad sa aking gilid habang hawak ang aking kamay.
Napansin kong mahimbing siyang natutulog kaya dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Ramdam ko ang mabilis na pagkalabog ng aking puso sa mga sandaling iyon at walang pumapasok na ideya sa isipan kung hindi, ang makaalis dito sa kwarto at uminom ng tubig sa labas para mahimasmasan ang pagkagulantang ko.
Unti-unti akong umupo sa kama. Tahimik akong napadaing nang maramdamang ang kaunting sakit sa aking likuran. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ang katawan ko at parang namamanhid rin ang aking braso. Ilang saglit pa nang naalala ko ang nangyari kanina. Napalunok ako at bumaling ulit sa natutulog na si Dad. Kung gayon siya 'yung sumalo sa akin kanina at naghatid sa akin papunta rito?
Kung ganoon rin, tiyak na magkakagiyera na naman kami nito sa oras na magigising siya. Napakaseryoso pa naman ng mukha niya no'ng nakipagtalo siya kanina kay Eian na siya ang maghahatid sa akin pauwi. Napahilot ko ang aking sentido at pilit na inaalis sa isip ko ang nangyari.
Huta. Kung nasa Wattpad ko, feeling ko ang haba ng hair ko kasi pinag agawan ng dalawang lalaki, ngunit pakiramdam ko nasusuka at bumabaligtad ang sikmura ko sa nangyari kanina. Pinag-agawan ako ng matalik kong kaibigan na matagal ko nang hindi nakakakasama at ng Dad ko na parang si Hulk dahil sa sobrang pagka-overreacting sa lahat ng bagay. Huta talaga. Sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ulit iyon.
Dahan-dahan akong umalis sa kama at tumayo. Huminga ako ng malalim at napabaling kay Dad na natutulog pa rin. Akma na sana akong lalakad papunta sa pintuan nang may humawak sa aking braso. Natigilan ako at napalingon kay Dad Drave. Bibitaw na sana ko nang hinila niya ako papalapit sakaniya at pinaupo sa kama. Kinulong niya ako sakaniyang mga bisig at nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong nasa harapan ko siya.
"Why you didn't choose to celebrate with us? Have we done something wrong towards you, Dane? Or you chose not to join because you couldn't stand my filthy face? How much do you hate me, Dane, hmm...?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang aking mga kamay nang diretso ang tingin ni Dad Drave sa akin. Kitang-kita ko ang frustration at pagod sakaniyang namumungay na mga mata kaya agad kong ibinaba ang aking tingin at aalisin na sana ang kaniyang brasong kumukulong sa akin ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang kaniyang pagkakahawak sa gilid ng kama.
"L-let go of me, Dad. Nauuhaw ako. Iinom ako ng tubig sa kusina."
Nauutal na sabi ko. Ramdam ko na abot langit ang tahip ng aking dibdib ngayon. Pakiramdam ko sasabog ako na parang bulkan ngayon pag hindi ako makatakas sa harapan niya.
Mapakla siyang tumawa kaya napahinto ako. 'Saka ko lang rin naamoy si Dad... teka uminom ba siya ng beer? Bakit niya pa nagawang puntahan ako doon sa Oneus Hotel gayong lasing na pala siya? At nagawa niya pang magdrive habang wala akong malay sa loob ng sasakyan?! Huta. Naiistress ako. Naalala ko si Mom. Pakiramdam ko tulog na si Mom sa mga oras na ito. Bakit niya ba kasi hinayaan si Dad Drave na sunduin ako.
"Do you love me, Dane?"
Huminto ang aking buong sistema sa narinig. Sa mga puntong ito, pakiramdam ko nagshut down ang kaluluwa ko at hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Diretso ang mga seeyosong mata ni Dad na nakatingin sa akin. Habang ako naman ay napakurap sa harapan niya atsaka tinignan siya na wala sa sarili. Ilang sandali pa nang tumawa ulit siya ng mapakla at umiiling-iling na nag iwas ng tingin.
"I guess you don't. I guess you really hated me the moment I stepped my foot here in this house. Or maybe, the moment you knew that I have a relationship with your Mom. Or maybe, the moment you realized that you felt betrayed and you felt so lost because all of these eventually happened years after the death of your father. Or maybe, the moment you thought that everything became so hopeless. Or maybe, the moment you believed that your life was finally over and there is no more reason to happily live just as how you did before...."
Mahina ngunit klarong-klaro na litanya ni Dad. Nakayuko siya at gumagalaw pababa ang kaniyang ulo na para bang magkahalong antok at lasing ang kaniyang nararamdaman. Hindi ako nakapagsalita dahil sa aking narinig mula sakaniya.
"Don't you know that when I got the chance to live here... I feel so pathetic everyday. Pakiramdam ko wala akong kwentang lalaki kasi hindi ko man lang makuha ang loob mo. But I never... never blamed you for that. Wala ako sa posisyon para ipagpilitan ka na tanggapin ako ng buong-buo kahit ayaw mo naman talaga... so I waited.. I waited... even until now, I keep on waiting... and waiting makes me even more pathetic, foolish and worse. You are so close yet you are farther than I ever expected. It makes me sad knowing that I would never have a place and part in your life. In your eyes, I would just be a despicable thief who stole your biological Mom..."
Wala sa sariling pagsasalita ni Dad Drave sa harap ko. Kitang kita kong nakapikit na ang kaniyang mga mata habang nagsasalita. Hindi ko alam ngunit may isang patak ng luha na kusang dumaloy papunta sa aking pisngi. Nasundan pa iyon nang maramdaman kong sobrang bigat na ng aking dibdib. Tama nga si Grindel, kapag gusto natin ang isang tao, nasasaktan tayo kung nasasaktan ang taong minamahal natin ng harap-harapan. Ibig sabihin ba nito, may kaunting parte rin si Dad sa buhay ko?
"I'm sorry for always dissapointing you, Daneery. I'm sorry because I was not enough and I would never be enough for you to accept me in your life. I'm sorry for scolding you several times. I'm sorry for being too overprotective. I'm sorry for acting like a stupid father and for desperately pushing myself to get close to you. I'm sorry for all the mean words that I have said even when I did not mean it. I'm sorry for everything that I have done and to be done sooner in your life.... I'm sorry.. for making you... unhappy almost everyday."
Aniya kaya mas lalong bumuhos ang aking luha. Mabilis ko itong pinunasan habang nakapikit pa rin ang mga mata ni Dad. Hindi ko alam na ganito pala ang totoong nararamdaman ni Dad ngayon. Buong akala ko ay bato ang kaniyang puso at hindi niya napapansin na araw-araw akong nagdudusa sa pamamahay na ito. Buong akala ko rin ay wala siyang kamuwang-muwang sa mga inaaasta niya sa akin kung kaya't madali lang sakaniya na pagalitan ako. Buong akala ko ay hindi niya batid ang totoo kong nararamdaman palagi dito sa loob ng bahay. Na pinipilit ko lang ngumiti at magpakasaya kahit pa man palagi akong binabagabag ng problemang kailanman alam kong hindi ko mareresolba.
Nanlamig ang aking buong katawan at napapitlag ako nang inilapat ni Dad ang kaniyang kaliwang kamay sa aking pisngi. Pinunasan niya ang aking luha habang nakapikit pa rin ang mga mata niya. Mabilis na kumalabog ang aking puso nang mapagtantong alam niya pala na umiiyak ako.
"I'm sorry, baby." Mahinang sabi niya at rinig ko ang bakas ng lungkot doon. Ramdam ko ang init ng kaniyang palad kaya napapikit ako at sandaling dinama iyon.
"If ever I suddenly and uncontrollably become so mean to you... and if ever you don't wanna talk to me, can you just simply... embrace... me? That would indicate that I should stop pestering your life because you hate it and everything is going to be okay as long as you could deal with things alone. That would also mean that... you are giving me the chance to trust you and you are giving me a hope that you'll always be fine with everything that you do."
Ani Dad at pinunasan muli ang aking luha. Hinawakan ko ang kamay ni Dad at inalis iyon sa aking pisngi. Hindi siya umangal kaya nananatiling nakapako ang tingin ko sakaniya. Huminga ako ng malalim kahit pa man naninikip pa rin ang aking dibdib.
"What if... I won't embrace you because I hate you?" Nag aalangang tanong ko. Ngumiti si Dad atsaka nagsalita.
"Then I'll be the one to embrace you because I'd rather chose to let you hate me for meddling with your life than to regret over and over again for leaving you to suffer in both endless pain and agony all by yourself..." Tugon ni Dad at tuluyan nang nahulog sa ere ang aking mundo nang balutin ako ng mga bisig ni Dad sa mainit niyang yakap bago magsalita muli na siyang nagpapatak muli ng aking luha.
"I love you, Daneery."
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...