Chapter 39

103 9 0
                                    

Dalawang linggo akong nanatili sa Davao at nanuluyan sa bakanteng apartment ni Tita Desiree na pagmamay-ari ng anak niyang kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ayaw man ni Eian na iwan kong mag-isa rito sa Davao ay nagawa ko siyang pakiusapan na umuna nalang ng uwi dahil hinding-hindi ako aalis dito hanggang hindi pa nagigising si Mom. Palagian din akong tinatawagan ng mga kaibigan ko at kahit nanaisin man nilang bisitahin si Mom dito ay hindi nila basta-bastang magagawa gayong sobrang abala nila sa Cruishine Culinary. Inintindi ko naman sila sapagkat ayaw ko rin namang makaistorbo sa kanila ng biglaan.

Iminungkahi sa akin ng doktor na malala ang karamdamang mayroon si Mom ngayon sapagkat bihira lamang itong gumigising sa isang linggo at sa isang buwan kung kaya alerto at mapagmasid palagi ang mga nurse na nag aasikaso sakaniya oras-oras. Trienta minutos na ang lumipas nang makaalis pabalik ng Cagayan de Oro si Eian at sa mga oras din iyon ay nagising nang muli si Mom kaya sobrang saya ng naramdaman ko at hindi ko na tinuunan ng pansin ang luhang walang tigil sa pagpatak mula sa mga mata ko.

"Naging paborito kong ulam ang fried zucchini with braised bacon simula noong nagpunta ka sa China, Daneery."

Naluluha kong pinagmasdan si Mom na ngayon ay nakahiga habang hirap na nagmumulat ng kaniyang mga mata. Hindi maatim ng puso ko ang nakikita ko ngayon dahil patuloy itong nabibiyak sa pag-iba ng hitsura ni Mom. Sobra-sobra ang ipinayat niya, lumalim ang magkabila niyang pisngi, naniningkit din ang walang kakislap-kislap niyang mga mata at may kaunting lagas na rin ang buhok niya sa ngayon. Gusto kong pagsasampalin at pagbubugbugin ang sarili ko gayong ngayon ko lang naisipang pagbalingan ng atensyon si Mom samantalang nagpapakasarap lang ako sa kalayaang tinatamasa ko noon sa China.

"M-mom, I'm sorry... for everything."

Pigil na hinihingang sabi ko habang nanginginig pa rin ang mga kamay na nakakapit kay Mom. Hinang-hina na bumaling si Mom sa akin atsaka ngumiti na muling ikinabasag ng aking puso. Napakagat labi ako at napapikit na lamang ng mariiin sapagkat walang awat pa ring rumaragasa ang mga luha ko. Nakakabaliw at nakakamatay ang titigan si Mom na nakahimlay ngayon sa kama na tila sinusubukan ang kaniyang makakaya upang makasama pa ako ng matagal. Gusto kong magwala at paghihilahin ang nakakakabit sakaniya bago akuin ang dinaramdam niya ngayon. Napakamakasarili kong tao! Kung ipinagpaliban nalang sana ang pagkaluwal sa mundong ito, hindi sana nahihingalo at nahihirapan si Mom ng ganito ngayon.

"Mom sorry sa lahat."

Ilang ulit na pagsalita ko kahit hindi ko na marinig ang aking boses sa lakas ng paghikbi. Kanina pa ako iyak ng iyak at halos isang oras na akong nakaharap kay Mom habang lubos na nagdadalamhati. Pakiwari ko'y nawawala na ako sa aking sarili at hindi ko na alam kung ano ang nararapat kong gawin. Naramdaman kong bahagyang gumalaw ang kamay ni Mom kaya dahan-dahan akong napaangat ng tingin sakaniya at pinunasan ang aking luha. Isang marahang ngiti na naman ang pinakawalan ni Mom.

"B-bakit humihingi ka ng tawad, anak? Hindi naman talaga ikaw ang nakagawa ng malaking pagkakasala dito."

Unti-unting humina ang hikbi ko habang inirerehistro sa aking utak ang mga katagang sinasambit ni Mom. Ngunit mas lalo akong walang naintindihan gayong nang-aako pa siya ng kasalanan sakabila ng paghihirap na nararanasan niya ngayon.

"W-wala kang kasalanan dito, Daneery. Simula't sapul pa lang, hindi mo kasalanan na nagkaroon ka ng isang ina na gahaman, uhaw at sakim sa presensya ng makapangyarihang salapi. Isa akong makasariling nilalang sapagkat nagawa kong linlangin at bilugin ang ulo ng mga taong walang hangad kung hindi ang payapa na palaguin ang negosyong pagmamay-ari nila. Ako ang unang sumira at bumali sa aming mga kasunduan kung kaya nailagay ko sa panganib at kapahamakan ang iyong pinakamamahal na ama. Nagawa kong pagtangkaan ang buhay niya noon na hindi alintana ang iyak ng sanggol sa aking sinapupunan. Imbis na hayaan na lamang ang ama mo sa totoo nitong kaligayan dahil patas pa rin naman ang pagtrato niya sa atin sakabila ng kasunduan, mas pinili ko pa ring wasakin ang pamilyang mayroon tayo at buhayin ka sa mga pagkukulang na ipinapamalas namin ng ama ko, Hindi ka namin nabigyan ng pamilya na sagad sa pagmamahal at ligaya kaya labis kong pinagsisihan at pinanghihinayangan ang mga oras na naibasura lamang sa ating nakaraan. M-mas lalong umusbong at lumala ang aking pagkakamali nang agaran akong nahulog at umibig sa isang lalaking matagal ng minamahal ang aking anak."

Tahimik akong umiiyak habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Mom. Napahigpit ang hawak ko sa mga kamay niya at iling-iling na humikbi. Ilang sandali pa nang inilapat niya ang kaniyang kamay sa aking pisngi dahilan upang hawakan ko iyon at pinananatili roon. Hindi man nagsasalita si Mom, kitang-kita ko sa mga mata niya na tripleng sakit ang kaniyang nararamdaman ngayon pero sinusubukan niya pa ring ipaaliwalas ang kaniyang mukha upang hindi ako mag alala ng lubos.

"Kung kaya humihingi ako ng tawad anak sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo at sa Daddy mo, Dane. A-alam kong hindi ganoon kadali ang pagpapatawad at marahil nasa iyong isip ngayon pababalat-kayo lamang ito dahil sa karamdamang dinadala ko ngunit nais kong malaman mo Dane na walang taong perpekto sa mundong ito. Kahit kaming mga magulang mo ay hindi na mabilang ang mga palihim at patunog na kasalanang naipapabatid namin sa ibang tao. Ang mga matitingkad at mahahalimuyak na bulaklak ay may kinukubling ring amoy at tinik na maaaring ikakasira ng kauri nito ng hindi namamalayan. Nababahiran rin ng hamog at dumi ang mga kumikislap na barya sa paraang hindi natin harap-harapang nasasaksihan. Higit sa lahat, ang maaliwalas na pagsibol ng maliwanag at nakakahalinang mga bituin ay maaaring pabalang sensyales sa kasunod na hagupit ng delubyo sa kalupaan. Ngunit hindi lang doon nagwawakas ang lahat, Dane. Walang hadlang na hindi nasosolusyonan at walang solusyon na hindi nadidiskubre kung patuloy tayong kakapit sa pag-asang maaari pang umikot ang mundo sa ninanais nating direksyon. Hangga't may pananalig tayo na ang pagtitiwala at paghuhubog sa ating sarili ay lubos na makakatulong para makaahon sa mga problema, walang impossibleng bagay na iiral sa laban ng ating buhay, Dane."

"Anak, nawa sana'y magsilbing aral sa iyo na ang buhay ay hindi isang klima na maaari nating kontrolin at diktahang magbago kung kailan natin nanaisin. Sa panahong naiipit tayo sa temptasyong unahin ang ating sarili kaysa sa iba, sana ay huwag mong kaligtaan na walang taong kayang mabuhay ng mag-isa. Tanging mga walang puso lang ang hindi tumatanaw ng utang na loob at tapat na pagmamahal sa iba kaya hinihiling ko na iwasan mong itulad ang iyong sarili sa akin. Sa totoo lang, noong ipinanganak kita, napakagaan ng kalooban ko sa iyo at kahit kailanman hindi ako nagdalawang isip na tanggapin at ituring kang totoong anak kahit walang pag-iibigang namayani sa aming dalawa ng iyong ama. Huwag mong husgahan, maliitin at sisihin ang sarili mo sapagkat isa kang anak na may mabuting pag-iisip at mahabaging kalooban  na namumukod tangi sa lahat. Masuwerte akong ina dahil bukod sa biniyayaan ako ng matalinong anak, lubos nitong pinapahalagahan at binibigyang atensyon ang pangkalahatang relasyon ng kinabibilangang pamilya. Ikaw ang isa sa mga rason kung bakit ipinagpatuloy ko ang aking buhay sakabila ng mapapait na karanasan sa ating pamilya, Dane. Ngunit sa pagkakataong ito, alam kong may hangganan ang ating pagsasama."

Pagpapaliwanag ni Mom na ikinayanig na naman ng sistema ko. Ito ang kauna-unahang beses na inamin ni Mom ang totoo niyang nararamdaman sa akin bilang anak niya. Hindi ko akalaing mapapatunaw nito ang puso ko dahil sa buong buhay ko, hangad ko lang ang kalinga at pagmamahal ng aking ina. Kaya hinding-hindi ko matatanggap na mawawalan na naman ulit ako ng minamahal sa buhay. Ayaw ko ng maulit ang bangungot ng nakaraan at gusto ko na lamang makapagsimula ulit kasama ang aking ina.

"M-mom, please don't utter those awful  and terrifying words. Mabubuhay ka pa ng matagal, Mom... Makakasama pa po kita. Makakapiling mo pa po si Dad Drave. Mom... mas nanaisin kong mabuo tayong muli kaysa sa mamaalam ka na sa amin."

Pagsusumamo ko kay Mom. Ayaw kong iwan si Mom. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag mawala siya sa buhay ko. Hindi ko man maibabalik ang payapa at magandang relasyon namin sa isa't-isa noon, sana'y ipaubaya sa akin ng maykapal ang pag-asang makapiling si Mom hanggang sa kahuli-hulihang bahagi ng aking kwento.

"I love you, Daneery... Alam kong mahal mo rin si Drave. Patawarin mo ako kung masyado kang nasaktan at nanibugho sa pinagpipilitang relasyon naming dalawa ngunit Dane, walang kasalanan si Drave sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko man batid ang totoong rason kung bakit hinayaan ng tadhanang papasukin siya sa ating pamilya, alam kong ikaw ang tunay niyang iniibig at nakatitiyak akong ikaw rin ang natatanging rason kung bakit nagtagpo ang landas naming dalawa noon. Ikaw ang kaniyang nakaraan at kasalukuyan, Dane. Nawa'y bigyan mo rin siya ng isa pang pagkakataon sapagkat nais kong kayong dalawa ang magiging kinabukasan ng isa't-isa. Mahal na mahal kita, anak. Hangad ko ang kaligayahan mo sa piling ng iba mo pang minamahal sa buhay.."

Sambit ni Mom bago ipinikit muli ang mga mata dala-dala ang ngiti sakaniyang labi na hindi mapapantayan ng kahit anong uri ng saya sa mundong kinagagalawan namin ngayon.

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon