"Bakit ngayon ka lang?"
Napatingin agad ako sa sofa. Dad is sitting there while nagbabasa ng newspaper. Halatang inaantok, nakakunot-noo at mukhang galit. Patay. 11PM na pala. Natagalan ako dahil sa walang kakwenta-kwentang plano namin at lagi pa kaming inuutusan ng professor. Aish!
Another awarding ceremony again for sure, from Dad.
"Sorry Dad. May pinlano kasi kami ng mga groupmates ko sa Araling Panlipunan about the Drama Presentation. I suggested na dito nalang siguro kami gagawa for our own safety, kung okay lang sayo, Dad."
Tuloy-tuloy kong sabi at hindi nag-iwas ng tingin kahit kinakabahan ako, grabe kasi siya kung makatitig. Ayaw kong umiwas ng tingn baka sabihin niyang nagsisinungaling lang ako at gumagawa ng excuse.
Tinitigan parin ako ni Dad. Umiwas ako ng tingin. Nabigla ako ng tumayo siya sa sofa kasabay ng pagbitaw sa newspaper na hawak niya. Lumapit siya at huminto sa harap ko na hindi parin tinatanggal ang paningin sa akin.
I look at his eyes. My heart thumped.
Nakakainggit ang mata niya. Parang may something kasi sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Ewan ko, basta, best asset 'yata ng mukha niya, ay ang kaniyang mga myata.
Mahigit ilang segundo kaming nagkatitigan. Nabigla ako ng pinamulahan siya ng mukha at nag iwas ng tingin. Napakurap ako ng dalawang beses at yumuko. Pakiramdam ko ang awkward naming dalawa. Tama ba na makaramdam ako na parang may mali sa sitwasyon namin? Sa halos tatlong pinagsamahan namin, normal lang bang makaramdam na parang may kakaiba sa pagitan naming dalawa?
Sandali akong naestatwa habang nakayuko ang mukha ngunit biglang nanlamig ang buo kong katawan sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako ng mahigpit. Muntik nang lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng pagtibok nito. Napaawang ang aking bibig at parang hindi ako makapagsalita. Bakit niya ako niyakap?
Kumalas ako sa mga braso niya at tumikhim bago ko iniwas ang aking paningin. Tumikhim ako. Bumaling ako sakaniya nang marinig na siya ay huminga ng malalim at inilapat ang kaniyang kamay sa aking balikat.
"You make me worry too much, baby. It's already late in the evening, Daneery."
My heart thumped again, this time, a bit faster than it did before. Bakas sa mukha niya ang puno ng pag-aalala, at 'yung boses pa niya habang nagsasalita siya, sobrang marahan at napaka-komportable pakinggan. Napakahusky at sweet. Parang boses ng isang matinee idol.
Napakurap ako at ibinaba ang aking tingin. Bakit ang layo sakaniyang mukha ang pagiging Dad? Umiwas ako ng tingin.
"I'm sorry, Dad." Ba't ganito? Bakit nahihirapan ako?
Bumuntong hininga si Dad.
"Go to your bed."
Seryosong sabi ni Dad.
Agad akong tumalikod sakaniya at tamad na umakyat sa kwarto pero bago ako pumasok, lumingon ako sa likod. I know, he is staring at me. Every time he does it, it makes me melt pag pinabayaan ko siya sa ganoong estado.
"Goodnight, Drave."
I said and smiled, out of my self-consciousness.
Napaawang ang bibig niya. Tumalikod ako at binuksan ang pinto ng aking kwarto. Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto ko bago sumalampa sa kama. Ilang segundo akong natulala habang wala sa sariling nakaharap sa kisame. Unti-unti akong napapikit nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko.
I'm afraid.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...