LAGUINDINGAN AIRPORT
Cagayan de Oro City: 5AMNapapikit habang matipid na nakangiting dinama ang malamig na hangin pagkatapak ko sa lupa ng Cagayan de Oro. Bahagya kong inayos ang makapal kong coat at ang aking sunglasses bago masiglang naglakad papasok ng airport hawak ang malaking bagahe ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Walang pinagbago. Sobrang maaliwalas, nakakahalina at nakakagaan ng loob ang muling masaksihan ang taglay na kaayusan ng syudad na ito. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang kumuha ng mga litrato sa dala kong DSLR. Napangiti ako nang makitang magandang ang panorama view na nakunan sa loob ng airport. Bago pa man ako makalapit at makaupo sa mga nakahilerang benches sa gilid ay napahinto ako nang may biglang tumawag sa aking pangalan.
"Daneery!"
Mabilis akong nag angat ng tingin at nang mahagilap kong mga kaibigan ko pala ang iyon, abot tainga ang ngiting napakawala ko at napatili ng sabay sakanila. Dali-dali nila akong nilapitan at halos matumba ako nang agad silang nagsiyakapan sa akin. Maluha-luha akong tinignan ni Fate nang bumitaw sa akin gayundin sila Clariza na sumunod yumakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Sumulyap ako sa unahan at nakita sila Asper, Jacques, Zeyn at Darson na sari-sari ang emosyon nang makita akong muli. Hinawakan ako sa balikat ni Alva habang si Joleena, Ivy, Manesa at Grindel naman ay mga pawang nakangiti habang may nakasilay pa rin na mga luha sakanilang mata dulot ng saya ng makita ako sa personal. Pakiramdam ko tuloy nanliliit ako kasi natuon sa akin ang buong atensyon nila ngayon.
"Daneery, kumusta ka na?"
Paunang tanong ni Alva. Lumapit na rin sa amin sila Darson atsaka nakipagfistbump sa akin. Natawa naman ako kay Zeyn na ngayon ay palihim na pinupunasan ang kumawalang butil ng luha sakaniyang mata. Siniko naman siya ni Jacques at binigyan ng nakakalokong tingin. Panay tili pa rin si Ivy at Manesa habang masayang pinagmamasdan ako sa harapan nila.
"Dane, nasaan ang mga pasalubong namin?"
Natatawang tanong ni Asper. Mas lumapad ang ngiti ko at natawa. Siniko naman siya ni Alva. Naramdaman kong bahagyang hinaplos ni Grindel ang aking buhok na tila ba sinusuri niya na kung si Daneery ba ang kasalukuyang kinakausap nila ngayon.
"Oo nga Dane! Grabe, mas lalo kang gumanda ngayon. Nakakaputi at nakakakinis ba ang tubig sa China? Hindi ako makapaniwalang ikaw ang kaharap ko ngayon, Dane. Sobrang laki ng ipinagbago mo!"
Manghang sambit ni Joleena. Tumango tango naman si Ivy bilang pag sang ayon at si Alva naman ay napahalukipkip at ngumiti. Tinapik din ni Fate ang aking kabilang balikat. Bakas sakanilang mga mukha na masaya sila sa aming muling pagkikita. Unti-unti ko ring napagtanto na sobrang namiss ko sila gayong dalawang taon na rin ang lumipas magmula noong huli kaming nagkita at nagkakasama.
"Daneery, sobrang namiss ka namin. Dalawang taon ka ring nalayo sa amin at ni isa wala kaming kaalam-alam tungkol sa iyong kalagayan doon maliban nalang sa binanggit ni Sir Dexxon na nagtatrabaho ka sa kompanya ng Lola mo. Matagal ka na ring walang komunikasyon sa aming mga kaibigan mo kaya sobrang natutuwa ngayong natunghayan na namin ang iyong pagbabalik."
Tugon ni Grindel na ikinangiti ko naman. Tumabi naman sakanila si Jacques na mukhang kakatapos lang atakihin ng kiliti si Zeyn. Napailing na lamang ako. Kahit kailan talaga, may mga pagkasayad pa rin sa utak itong mga kaibigan kong lalaki. Wala rin silang ipinagbago kagaya ng dati. Nagsalita si Jacques kaya napatingin ako sakaniya.
"Akala talaga namin hindi ka na uuwi, Dane! Sobrang nanghinayang kami sapagkat imbis sa Wilson Forde ka magiging Summa Cum Laude, hindi na naisakatuparan dahil sa Xinjieng International University mo tinapos ang Culinary Arts."
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...