Chapter 5

152 13 0
                                    

"Asper naman oh! Akin na nga 'yang foods ko! Umorder ka mag-isa mo dun! Kainis!"

Agad na hinawi ni Asper ang kamay ni Alva nang walang kaalam-alam na pilit pala itong hahablutin ng lalaki.

"Damn, Alva! Gutom na ako e'!"

Napatingin nalang si Alva habang namumula ang mukha. Kulang nalang susuntukin niya si Asper at hilahin palayo dito sa mesa. Lunch time ngayon, punuan na ang foodcourt at mga bilihan ng pagkain kaya malamang, manghihingi nalang si Asper sa amin. Tamad rin ang isang ito e'.

"Ano ba, Alva and Asper! Mag share na nga lang kayo ng pagkain."

Naiiritang singhal ni Joleena sakanila.

"Para kayong mga aso at pusa."

Walang modo namang dagdag ni Zeyn kaya napatingin si Joleena. Lumingon si Darson at Fate sakanila. Panay irap naman ang ginawa ni Grindel habang kumakain naman si Jacque katabi ng limang babae na sina Kooky, Manesa, Johannes, Clariza at Ivy na busy-ng busy sa pagkukulitan tungkol sa kani-kanilang lovelife. Oh great.

Tumikhim ako at humalukipkip sakanilang harapan.

"Guys, so anong plano natin para sa Drama Presentation sa Araling Panlipunan?"

I heaved a sigh. Imagine, third year college na kami and we look like just a high school students here. Uso pa ba ang drama sa history class? Hindi ko nga rin alam kung bakit may lintik na history class pa kami gayong halos malunod na kami sa mga major subjects.

"Kung magkita-kita nalang kaya tayo sa Chamels malapit sa Malayan at doon natin pagplanuhan kung saan tayo-"

Nag suggest na sana si Johannes nang pinutol ito ng nakakunot noo na si Jacque.

"Sa Chamels talaga? Pwede namang dito nalang sa school ah? 'Tsaka bawal tayong tumambay doon."

Napairap nalang si Johannes sa sinabi ni Jacque.

"Oh great, Jacque's right. How about sa house namin, will it be okay for you, guys? Sleepover tayo."

Sabi ni Clariza habang ngumunguya ng vegetable salad sa bibig. I hate eating too much veggies. Mas pipiliin ko sigurong hindi kakain ng isang araw kaysa kumain niyan. Clariza's favorite food is vegetable. Nagtataka nga ako kung nakadagdag ba ito sa kagandahan niya o sadyang maganda na talaga siya noon pa.

"Hindi ako papayagan ni Dad niyan."

Singit ko. True, hindi talaga pumapayag si Dad kahit saan man ako pumunta kung wala siya or kung wala si Mom lalong-lalo na pag sleep over. Kahit na importante man yan o hindi, magsinungaling ka man o magsabi ng totoo, Dad will really disagree. I don't know why. He is just too overprotective when it comes to this stuff.

"The heck Daney? Hindi ba talaga yan matatapos ang pagka overacting at praning na pag-iisip ng Dad mo?"

Napantig ang tenga ko sa tanong ni Darson.

"Anong sabi mo?"

Naiinis na tanong ko. How dare him to talk about my Dad like that? Ayaw na ayaw ko sa lahat ang sinasabihan ako ng ibang tao na overacting ang Dad ko. Yeah, ano naman kung totoo? Mamamatay ba sila doon? Atleast ako, I never tried to break Dad's rules, sinusunod ko parin lahat ng gusto niya dahil nirerespeto ko siya, kahit na nakakasakal at halos lahat ng negative at positive traits ay nasa kaniya na.

"Woah, chill guys. Alam naman nating noon pa, ganiyan na talaga si Kuya Drave right?"

Singit ni Joleena. Napabuntong hininga sila Ivy sa tabi habang tahimik na nakikinig sa amin. Humalukipkip ako at huminga rin ng malalim. E', paano ba iyan? Kung may taong pwedeng magbully kay Dad, ako iyon at hindi ang ibang tao.

"Tito to be exact, Joleens."

Seryosong sabi ni Fate habang kinukuha ang lunch sa bag niya.

"Kung hindi nalang kaya tayo gumawa? Tutal college naman tayo e'! Break the rule, guys."

Sagot ni Asper na humikab pa sa harap namin. Napatingin kaming lahat 'sakaniya na nakakunot-noo. Kailan pa siya naging ganito ka-carefree?

"Asper, gusto mong mamatay?"

Alva give him a death glare. This conversation is getting out of nowhere. Napasapo ko ang aking noo at tinikman nalang ang sandwich na nasa aking harapan.

"Easy guys, let's just eat first. Mamaya na natin iyan pagplanuhan."

Singit ni Grindel na napanatiling kalmado ang mukha. Kahit masungit at tahimik ang isang ito, I really admire her humility and strong-willed attitude, nakaka attract kasi. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sakaniya.

I sighed. I got an idea.

"Guys, sa bahay nalang namin tayo mag taping, for sure papayag si Dad."

Napatingin silang lahat sakin. Napakunot-noo si Manesa. Umiling si Kooky at isa-isa silang nag iwas ng tingin.

"Kuya, I mean, Tito Drave is too scary, Daneery."

Nanlaki ang mata ni Fate habang sinasabi niya iyon. Ano? Ganun ba talaga sila katakot kay Dad? E', hindi naman yun nangangagat e'.

"Take it or leave it, No choice tayo. Aabutin pa tayo ng siyam-siyam kapag pipilitin natin ang Dad niya na isama siya out-of-his-sight."

"Ay, I mean out-his-of-home. You know, Kuya Drave is too damn strong but fine as a hammer."

Umirap ako sa sinabi ni Zeyn. Tumawa naman siya nang bigla siyang kurutin ni Alva sa gilid. He loves to blabber nonsensical thoughts.

"Hmm, sige na nga! Doon na lang tayo, tutal pumapayag naman lage si Tito na mag stay tayo sa bahay nila. Kaya lang nakakatakot siya minsan. So, I guess, we can do this, guys!"

Sambit ni Kooky. Goodness. Ano ba talaga ang tawag nila kay Dad? Bakit pa iba-iba? Sila Grindel at 'yung mga boys ay Kuya Drave, sila Kooky at Fate naman, Tito Drave. Jusko, ano to? Paiba iba ng aniyo si Dad? Nagiging pang-Tito ang mukha at nag ta-transform bilang Kuya? Sabagay, hindi ko sila masisisi dun. Drave looks like he is currently on his mid-20's.

I do not know why Dad is too protective, lahat bawal para sakaniya. Lahat nalang mali sakaniyang pananaw. Lahat nalang hindi pwedeng gawin. I hate my life with him pero hindi ko maitatangi na there's always been a small fragment of my heart that pushes me to continue acknowledging him as a Dad. He is my biological mother's husband after all, kahit ikalawa lang. Mom both loves us, so, I should really treasure them both, too. Selfish nalang siguro ako pag ipinagkait ko iyon.

Sa tuwing may lakad ako, gusto niya na may mahigpit at importante talagang rason. Truthfully, mostly sa mga lakad ko, hindi ako pinapayagan. Gusto niya siya 'yung hahatid, gusto niya nandoon siya lagi nakabuntot sa gilid, even in mall shopping with my friends. Andoon siya lagi sa Parking Lot hinihintay ako, sinisiguradong wala akong maling gagawin at walang mangyayaring masama sa akin. Gusto ko naman 'yung mga ginagawa niya e' kaso lang parang sumsobra talaga minsan. Nakakasakal kaya iyon kung iisipin.

I am a teenager. I deserve freedom kahit sa maikling panahon lang. I am afraid that masisira ko ang relasyon namin ni Dad sa isa't isa dahil sa inaasta niya. And do you know what's worst among anything else? I'm afraid that things will turn the other way around. A way that lies beyond the supposed limit.

Too much time with someone is not bad as long as it is not against the limitation line. However, the moment you become afraid, that is when you should start re-checking your steps. Did I cross the boundary?

I bit my lower lip.

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon