"Oh my God, Daneery! Grindel!"
Sinalubong agad kami nila Fate, Kooky at Manesa na abot langit ang ngiti nang makita kami. Agad namin silang niyakap pagdating sa venue ng grand welcoming celebration ni Eian Ahl.
"Gosh! Bakit ngayon lang kayo dumating?" Tanong ni Fate sa amin. Pinasadahan ko ng tingin ang buong Oneus Hotel. Napaka engrande nga ng selebrasyon ni Eian dahil halos kumikinang ang mga kisame sa naglalakihang chandelier at mga lights na nakahilera sa drapes ng tangerine silks sa itaas. Halos pinalibutan rin kami ng mahahabang table kung saan marangyang nakalapag roon ang iba't-ibang handa na pagkain pati na rin ang magarbong cakes at desserts. Sa harapan rin ay may stage kung saan nakadisenyo ang mga balloons at may nakaproject ring tarpaulin doon sa gitna. Sobrang instagrammable ng lugar kasi napaka elegante at classic ang dating ng theme sa pagbabalik ni Eian. Talagang pinaghandaan ito ng mga kamag-anak at mga magulang niya.
"Na-traffic lang kami mga babes." Sabi ni Grindel. Grabe, pakiramdam ko malulula ako sa ganda ng venue. Iba talaga ang lahi ni Eian ano. Ang swerte niya talaga sa buhay kasi maraming tao ang genuine magmahal sakaniya. Sobrang effort nila sa pagbabalik niya.
"Tara na, kanina pa tayo inaantay ni Eian doon. Lalo ka na... Daneery."
Pagsalita ni Kooky. Napalingon ako sakanila nang sambitin ang pangalan ko. Pinagmasdan ko rin ang mga kaibigan. Talagang kumikinang rin ang ganda nila habang nakasuot ng cocktail dress. Napangiti ako at tumango. Sumunod ako sakanila nang magtungo sila roon sa table nila Asper kung nasaan si Eian.
Malayo pa lang ako ay nakita ko na sobrang gwapo ni Eian sa kaniyang itim na suit at puting tuxedo. Kitang-kita ko rin mula rito na nagagalak siyang nakita kaming nakadalo sa grand celebration niya.
Pagkatapos ng bangayan namin kanina ni Grindel sa bahay nila, napagpasyahan kong pumunta nalang kasi kinulit-kulit niya ako na isusumbong niya ako sa iba pa naming kaibigan na may gusto raw ako kay Dad Drave. Syempre, ayaw kong mangyari iyon no. Kahit hindi naman talaga totoo, ayaw ko namang maging dahilan iyon para asarin ako ng mga kaibigan ko palagi. Pakiramdam ko lalayas talaga ako sa mundong ito pag nagkataon.
Nasulyapan ko rin na marami na ang mga bisitang nakaupo at may iba pa na papasok pa lang sa loob ng entrance door. Nang mahagilap kami nila Asper, Joleena at Alva ay agad silang kumaway sa kanilang pwesto. Nahati kaming magkaibigan sa dalawang table, kasama namin sila Grindel 'saka sila Alva naman sa kabila. Nahagilap ko rin na papasok pa lang sila Zeyn, Ivy at Darson sa loob ng venue.
"Akala namin hindi kayo dadating." Rinig kong sabi ni Joleena. Sinulyapan ko naman siya at nginitian. Binati rin ako nila Asper na parang nang aasar na naman ang mukha.
"You look so gorgeous, Daneery." Sabi ni Eian nang makalapit sa akin. Natigilan naman ako at halos manlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Hindi dahil nabigla ako, kung hindi lahat ng mga kaibigan ko diretsong napalingon sa aming dalawa. Kasi naman, rinig na rinig nila 'yung sinabi ni Eian.
"Ayieeee! Napaka sexy ba naman kasi ng black cocktail dress ni Dane." Panunukso ni Zeyn at Clariza atsaka nag apiran pa silang dalawa. Uminit ang pisngi ko nang kindatan ako ni Asper at Darson. Malapad naman ang nga mga ngisi ng mga babae kong kaibigan.
"Ah, h-hehe, thank you, Eian. Thank you rin sa invitation. Pasensya ka na kung hindi nakadalo si Mom kasi alam mo na..." Sabi ko sakaniya kahit na muntik na akong mapakamot ng ulo sa hiya. Pakiramdam ko nanliliit ako sa harapan ni Eian kasi napakalakas ng appeal niya at 'yung ngiti niya, para siyang modelo na handang mag taping sa isang fashion commercial.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...