DANEERY JANE LIM'S POINT OF VIEW
"Lastly for you, Daneery..."
Binuksan ko ang bag na kinalalagyan ng pasalubong na binigay ni Eian Ahl sa akin. Lahat kami binigyan niya ng pasalubong mula sa Czech Republic. Akala ko nakalimutan niya bilhan kami ngunit nagkamali ako kasi bago siya nakapagdesiyong bumyahe papunta dito ay inuna niya muna ang mga pasalubong namin. Aba naman! Lagi ba naman siyang pinaaalahanan sa tuwing nakikipag skype siya sa amin. Mayaman at marangya rin kasi ang pamumuhay ng mga magulang ni Ahl doon sa bansang kinalakihan niya. Laking pasasalamat ko nga kasi mapagkumbaba at napakasayahing tao ni Ahl sa mga kaibigan niyang kagaya namin.
Kasalukuyan kaming nasa mansion ni Ahl. May sarili siyang tahanan dito sa Cagayan de Oro kung saan siya tumutuloy tuwing bumibisita dito sa Pilipinas. Personal na ipinatayo niya ito dahil iyon rin ang naging kahilingan niya sa kaniyang nakaraang kaarawan. Sobrang saya rin naman noong malaman iyon kasi may mapagtatambayan kami sa tuwing uuwi siya dito.
Dahan dahan kong binuksan ang isang bag at tumambad sa akin ang paborito kong Nachfolger chocolates at Steiner at Kovarik strawberries na galing sa syudad ng Prague. Pakiramdam ko nagningning ang mga mata ko. Naging paborito ko kasi ang mga ito simula noong nagdala si Daddy ng ganitong pasalubong six years ago noong nakauwi siya galing international business conference doon sa Czech Republic. Hanggang ngayon, alalang-alala ko pa ang sarap at lasa nito kaya natutuwa akong ito ang binigay sa akin ni Eian Ahl.
Lalantakan ko na sana ang mga chocolates nang magsalita si Asper na siyang ikinahinto ko.
"Hala Daneery, mukha kang bampira na gustong mangain ng tao. Huwag mo ubusin agad iyan oy."
Sabi ni Asper sa akin at humagalpak ng tawa. Napalingon rin sila Johannes sa akin at natawa na rin sa akin. Napanguso ako at ibinalik ang tingin sa chocolates. Pakiramdam ko tuloy ako may sarili akong mundo kanina kasi lutang ang isipan kong naglalaway sa harap ng chocolates. Alam rin kasi naman ng mga kaibigan na sobrang hilig ko sa sweets. Sa aming lahat, ako lang siguro ang kayang makaubos ng isang balde ng dark chocolates.
Bumaling rin sa akin si Eian at ngumiti."Hayaan mo na siya Asper, para sakaniya naman talaga 'yan kaya may right siyang ubusin 'yan agad kung gugustuhin niya."
Nakangiting sambit sa akin ni Eian Ahl. Parang kumislap naman ang mga mata ko sa sinabi niya at parang na-touch din 'yung puso ko. Matalim kong tinignan si Asper at binelatan siya. Inilingan niya lang ako habang tumatawa pa rin 'saka siya nakisali nila Darson para buksan ang kani-kanila ring mga pasalubong. Napadako muli ang aking paningin kay Eian Ahl na kasalukuyang kinukuha ng maayos ang mga kagamitan sa kaniyang malaking maleta.
Pinagmasdan ko siya saglit. I admit it. Mas lalong gumwapo si Eian ngayon. Hindi ko alam dahil ba iyon sa matagal na pananatili niya sa ibang bansa na napakaganda ng klima o dahil na rin maalaga rin si Ahl sa kaniyang sarili. Daig niya pa kasi ang mga gwapong modelo dito sa Pilipinas e'.
Pakiramdam ko kaya niyang patumbahin sila lahat kung sakaling sasala siya sa ganoong proseso. Malakas ang appeal ni Ahl at hindi maipagkakailang kahit noong nagkaroon ako ng first impression sakaniya bago kami naging close, talagang nakaka goodvibes ang panlabas na kagwapuhan at panloob na ugali ni Ahl.
May bigla na sanang sasagi sa isip ko na ikukumpara ko dapat sakaniya ngunit nabigla ako nang tumikhim si Clariza sa aking gilid. Bumaling ako sakaniya na nakataas ang kabilang kilay habang nakaangat ang gilid ng labi. Umiwas ako ng tingin. Muntik na akong napabalikwas nang mapagtanto kong kanina pa pala ako nakatitig kay Eian Ahl.
Lumingon ako sa kinaroroonan ni Eian at halos mapatalon ang puso ko nang magtama ang aming paningin. Una siyang umiwas ng tingin na para bang wala lang sakaniya.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...