"Heck, Asper! Bakit parang natatae ang mukha mo diyan?"Natatawang tanong ni Darson. Tinignan ko sila na nakaupo sa sofa. Ang mga girls nanonood ng The Exorcist, sila Alva at Joleena ay nakisali na lamang sa panonood ng first scene na kinunan kanina sa garden namin sa likod. Magalaw na hinigpitan ng hawak ni Jacque ang DSLR na nasa kamay niya habang nanonood sila.
"Ano ba Jacque! Stop moving."
Napipikon na sabi ni Alva. Hinawi ni Alva ang kamay ni Jacque na muntik na itong maihulog.
"Hoy, mas mahal pa iyan sa buhay niyo! Pag masira iyan, ililibing ko talaga kayo ng buhay."
Nagulat kaming lahat sa sigaw ni Fate. Tumawa nalang silang Asper at Alva. Umiling-iling sila Johannes habang tinitignan ang mga boys na seryoso sa kanilang panonood sa DSLR. Si Kooky naman at Manesa ay busyng-busy na nag-uusap tungkol sa The Exorcist na nasa flatscreen.
"Heto na 'yung dinner natin."
Sabi ko at dinala ang mga pagkain sa table namin sa sala. Ayaw daw nila kumain sa kusina kasi wala dawng television. Jusko, walanghiya.
"Dane, tulungan na kita diyan."
Sabi ni Ivy at tumayo sa sofa. Kinuha niya ang ibang pagkain sa kusina at dinala dito sa sofa.
"What a perfect angle, guys."
Sabi ni Joleena habang ngumingiti."Kaya lang parang natata-e talaga si Asper diyan e'."
Sabi ni Darson at naghagalpakan na naman sila ng tawa. Kumunot-noo nalang ang noo ni Asper at umiling-iling.
'Yung tiney-ping namin about sa Araling Panlipunan ay 'yung Roman and Egypt Times na kung saan kukunan namin bawat anggulo ang pamumuhay at kultura nila. Hindi naman masiyadong mahirap isaulo ang scenes kasi puro actions at bakbakan lang ang nagaganap. Kumuha rin kami ng ilang video shots sa Youtube para pandagdag at Lecture namin pagdating sa Video Editing. Paniguradong sa Video Editing kami mahihirapan nito.
"Halina kayo, kain na tayo."
Sabi ko sakanila at agad silang tumayo 'sakani-kanilang inuupuan para kumuha ng dishes para maghain. Adobo, sinigang baboy, fried chicken, ginataang baka, lasagna, at kaldereta ang mga niluto kong ulam. Sapat na para sakanilang mga kumukulong tiyan. Patay gutom rin kasi ang mga ito e'. Alam ko na mga attitude nila, sa tinagal-tagal ba naman ng pagsasama naming lahat sa cafeteria tuwing tapos na ang mga klase naming.
"May fried rice ba kayo, Dane?" Tanong ni Joleena.
Umiling ako habang ngumunguya ng adobo.
"Kung may fried chicken, dapat meron rin ang asawa niyang si fried rice."
Sabi ni Asper kaya napatingin kami 'sakaniya. Kumunot ang noo ko pero tumawa lang siya ulit. Funny, huwag ka nalang kumain. Daming reklamo e'.
Lumapit ako sa television at iniba 'yung channel.
KBS: We Got Married (Sungjae and Joy Ep. 4)
"Huwag mo i-next please! Maawa ka. Gusto kong manood niyan."
Nagulat ako sa tili ni Clariza. Napatakip ng tainga sila Manesa sa lakas ng boses niya.
"Clariza Louisse Alferen, anong mapapala namin niyan? Magiging alien ba kami? E' wala nga kaming maintindihan e'!"
Sabi ni Fate. Tumawa ang mga boys pati sila Johannes. Clariza just pouted.
"Fate Christellene Arena, I hate you."
Sabi niya. Tumawa lang si Fate. Ni-next ko na naman ulit ang channel.
Billie Eilish World Tour Interview (Live at Washington DC, USA)
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...