FLASHBACK
THREE YEARS AGO
"Drave, ano ba ang pag uusapan natin? Bakit kailangan pa nating lumayo doon sa cottage? May sekreto ka bang ibubunyag sa akin na hindi pwedeng maulinigan ng ibang tao?"
Naiirita na bulalas ko sa kawalan habang sinusundan ng lakad si Drave. Wala akong ideya kung bakit hindi niya ako tinigilan sa pagtawag kanina at gusto akong ipasunod sakaniya gayong nagkakasiyahan pa kami ng mga kaibigan ko sa loob ng function hall. Nasa Empyrial Beach Resort kami ngayon sapagkat kasalukuyan naming ipinagdidiwang ang kaarawan ni Mom. Inanyayahan niya sila Grindel at ibang barkada kong kasama ni Asper na dumalo dito ngayon sa pagsasalo-salo namin.
Engrande at magarbo ang set-up at theme ng selebrasyon function hall dahil marami ring bisita si Mom na mga businessmen at businesswomen sa Limerick Clothing Company. Malawak, maganda at maaliwalas ang beach resort na ito kung kaya malaya kaming nakipagliwaliw ng mga kaibigan ko kanina ngunit hindi ko akalaing mapuputol ng biglaan ang tuwang nararamdaman ko nang ilang ulit akong sinita ni Drave kanina.
"May ipapakita ako sa iyo, Dane."
Pagsalita ni Drave. Bahagya kong napaikot ang aking mga mata dahil nasilayan ko ang kaunting ngiti sa labi niya kahit pa man patagilid lang na anggulo ng kaniyang mukha ang tanging nakikita ko. Napabuntong hininga na lamang ako at napayuko habang pinadyak-padyak ang aking paa sa maputing buhangin. Hindi ako interesado sa ipapakita niya sa akin dahil nasira na ang mood ko ngayon at wala akong balak na mag-alay ng kuryosidad sa pupuhtahan namin ngayon.
Napahinto ako sa paglalakad nang makitang nakatayo lang si Drave ilang distansya ang layo mula sa akin habang nakaharap sa malaking bato na nasa gilid namin. Humakbang ako papalapit sa pwesto niya atsaka binalingan ang tinitignan niya sa bato. Ilang segundo pa ang nagdaan bago ako napakurap nang makita ang nakaukit na mga kataga doon. Natigilan ako at pilit na inerehistro sa aking utak ang nakasulat na mga salita.
I LOVE YOU DANE.
Halos umabot ng isang minuto ang katahimikang namayani sa kinatatayuan namin. Hindi ako nakakibo at ganoon din si Drave sa aking tabi ngunit ramdam kong naghihintay lang siya sa reaksyong ipapamalas ko ngayon. Napapikit ako ng mariin at napahinga ng malalim. Hindi ko inaasahan ito at hindi ko rin alam ang mararamdaman ko. Tila may nakatarak na punyal sa aking puso at hindi ko magawang matuwa sa nabasa ko sa mga sandaling ito. Humarap ako kay Drave na ngayon ay napalingon na rin sa akin. Humalukipkip ako at diretso siyang tinignan sa mga mata.
"Ano bang sumagi sa isipan mo, Drave? Ito ba ang regalo mo sa akin? Ganoon ba kadungis ang pangalan ko na basta basta mo nalang isusulat kahit saan mo nanaisin? Makabalik na nga lang ng cottage."
Pagpuna ko. Kitang-kita ko ang pagkagitla niya sa hitsura niya at napaawang din ng bahagya ang kaniyang labi ng wala sa oras. Hindi rin nagtagal ay bumanayad ang kaniyang hitsura at napansin ko ang pagbitiw niya ng malalim na paghinga.
Humakbang siya ng isang beses papalapit sa akin kung kaya mabilis akong napaatras sa kadahilanang dalawang hakbang nalang at magkakalapit na talaga ang katawan namin. Napaangat ko uli ang aking paningin sakaniya at nakitang matiim siyang nakatitig sa akin. Biglang kumalabog ang puso ko.
"Naalala mo ba ang una nating pagkikita, Dane? Naalala mo ba kauna-unahang beses na nagtagpo ang landas nating dalawa? Naalala mo ba ang ipinangako natin sa isa't-isa noon?"
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...