"Goodmorning."
Nanlaki ang mga mata ko nang unang bumungad sakin ang mukha ni Dad na napakagwapo kasama ang ngiting hindi maikukumpara ninuman. Napaupo agad ako sa kama. Tinignan ko agad ang wristwatch ko. It's still 6AM in the morning. Teka, tulog pa ba sila Fate?
Napatingin ako kay Dad na kasalukuyang nakaupo sa kama ko at nag susulat ng document sa laptop niya. Hula ko, good mood si Dad ngayon, marami sigurong clients sa clinic niya.
"Goodmorning rin, Dad. Tulog pa ba sila?"
Tanong ko. Aba naman, baka madamay ko pa sila sa pagiging late.
Napaawang ang bibig ni Dad at napatingin saakin. Matagal na titig ang namagitan sa amin.
My heart again.
Nabigla nalang ako ng bigla siyang humalakhak. 'Yung tipong parang musika pakinggan 'yung pagtawa niya. Nakakadagdag lalo sa kakisigan at mapormang mukha niya. Kahit anong postura ang gagawin niya, it suits him. Nakakainis.
"A-anong nakakatawa, Dad?"
Tanong ko na pinamulahan ang mukha at nag-iwas ng tingin. Napansin niya siguro ang reaksyon ko kaya tumahimik siya at sineryoso ang kaniyang mukha. Parang pinipigilan ang pagtawa niya.
This time ako naman 'yung natawa sa hindi malamang dahilan.
"D-da, y-your face tho."
Napahawak ako sa tiyan ko. Okay, sobra na ito. Mukha na akong timang nito. Ilang segundo pa ay tumahimik agad ako at tinignan si Dad. Nakangiti siya nang malapad na para bang walang problema sa buhay. Atsaka ko lang napagtanto na Saturday pala ngayon. Walang klase!
"It really suits you."
Natigilan ako sa sinabi niya habang siya ay nanatiling nakangiti. Anong meaning no'n? Nahulaan niya siguro ang ibig kong ipahiwatig kaya ngumiti siya at nagsalita.
"Your smile really suits you, and I know I can make you smile the way you often do. The smile that is the same with you, comes from you and belongs to you."
Marahan at malambing na sabi ni Dad. Tumigil ang pag-ikot ng mundo at tila ba siya lang nakikita ng aking paningin. Tinapik niya ang aking balikat at ginulo ang buhok ko nang maramdamang hindi ako gumagalaw. Nanatiling nakatikom ang aking labi at sinubukan kong damhin ang bugso ng dibdib ko. Ramdam ko na sa mga oras na ito, nanganganib na ang puso ko.
Binigyan ako ni Dad ng puzzled look habang pina-power off ang laptop.
"Okay lang ba iyon, Daneery Jane?"
Okay ang alin?
Tumango nalang ako kahit wala akong maintindihan sa sinabi niya. Hindi ko maiproseso ang tanong niya kasi masyadong pre-occupied ang utak ko sa presensiya niya ngayon sa kwarto ko. Mas nabigla pa ako nang magsalita siya ulit.
"Then good, iyon sana ang isa sa mga sasabihin ko pagsapit nang anniversary namin ng Mom mo next week."
Sa puntong 'yun, isa lang naisip ko-- sana ako si Mom.
Sa hindi malamang dahilan, hindi ko namalayang tumulo ang mga luha ko galing sa aking mga mata. Damn. Ang hina ko talaga pagdating sa ganito. Agad kong pinahiran ang aking pisngi gamit ang palad ko at nagbabaka sakali na sana hindi iyon nakita ni Dad, pero huli na ng inisip ko 'yun.
Lumapit siya sa akin sa kama at niyakap ako. Mas lalo akong nanigas sa aking kinauupuan.
"Huwag masiyadong excited, baby. 'Tsaka ka na maging emosyonal pagdating ng araw namin ng Mom mo."
Bakit masakit? Hindi ba dapat masaya ako? Hindi ba dapat nakangiti ako ngayon? Hindi ba dapat nagpapasalamat na ako sa Diyos dahil umabot pa nang ilang taon si Mom at Dad? Bakit sumasakit ang puso? Ano ba ang nag-udyok sa akin para makaramdam ng ganito?
Kung ano man ang nasa puso ko ngayon, alam kong maling-mali 'to. Maling-mali.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...