Chapter 9

125 12 0
                                    

"Class, dismiss!"

Sabi ng Professor namin. Agad nagsilabasan ang mga kaklase ko. Isa ako sa mga cleaners ngayon kaya hindi muna ako lumabas ng room. Hindi ko lubos maisip kung bakit may cleaners pa rin gayong nagbabayad naman kami ng tuition at miscellaneous fees, hindi nga lang kasali ang paglilinis sa assigned rooms namin. Haay, sobrang strikto ng Wilson Fordes padating sa kalinisan ng unibersidad at kabutihang asal ng mga studyante. Bumuntong hininga ako at naglakad patungong restroom. Kinuha ko rin ang headset ko at nag pa-music.

So I'm gonna love you

Like I'm gonna lose you

I'm gonna hold you

Like I'm saying goodbye

Nabigla ako nang may kumalabit sakin.

Napatingin ako kung sino 'yun. Oh, si Grindel lang pala.

"What?"

Tanong ko sakaniya habang nakataas ang isang kilay ko. Ngumiti siya. Napakurap ako ng dalawang beses. Nagsalita agad siya kahit blangko ang kaniyang ekspresyon.

"Pinapatawag ka ni Professor Tee sa office niya."

Tumango nalang ako. Umalis si Grindel habang kumakain ng mentos. Inilagay ko ang walis sa gilid ng table. Lumabas ako sa room at nagpunta sa office ni Prof. nang bigla kong makasalubong ko si Asper.

"Going somewhere, milady?"

Nagboses bakla siya. I give him a foot-to-head stare 'tsaka siya binangga sa balikat paalis. I heard him chuckled. Whatever. It's already 7PM and I need to hurry bago ako masermonan ni Dad nito pag uwi.

Nang nakarating ako sa office, kinatok ko agad ang pintuan. May nagbukas na isang mid-30's ang edad na babae. Natigilan ako nang inangat ko aking mga mata para tignan siya. Ang ganda niya. Mukha siyang marikit na bituing nahulog mula sa himpapawid. Tinitigan niya ako at kumunot-noo ang niya. Agad napataas ang balahibo ko. Nakakatakot nga lang ang awra niya. Tumikhim siya at nagsalita.

"You must be Daneery Jane Lim, right?"

Muntik ng bumaliktad ang sikmura ko. Ang lalim niya magsalita. Marahan akong tumango. Nanlaki ang mga mata niya at nag iwas ng tingin.

"Get in. Your professor called you."

Sabi niya at nag give-way sa pintuan para makapasok ako. Tumango ako at dali-daling pumasok.

"She seems familiar to me."

Narinig ko pa 'yung binulong ng matandang babae 'tsaka siya umalis. Nahagilap ko ang Professor ko sa swivel chair na may tinitignan na mga papers sa kaniyang office table. Mukhang may pinagkakaabalahan na naman siya. Tumikhim ako para makuha ang kaniyang atensyon.

"Pinapatawag niyo raw po ako?"

Tumingin siya sa akin at kumunot-noo, binalik niya ang tingin niya sa mga papers, tapos balik ulit sakin.

"Do you have a middle initial? Bakit Daneery Jane Lim lang ang nakalagay sa birth certificate mo?"

Tanong ni Professor habang inaayos ang kaniyang eyeglasses. Napahinga ako ng malalim. Akala ko kung ano ang itatanong niya sa akin kasi medyo kinabahan ako ng kaunti. Tinignan ako ni Professor bago ako sumagot sa tanong niya.

"Noog pinanganak po ako, hindi pa married si Mom at Dad. Gil po sana ang dadalhin kong apelyido na apelyido ni Mom, ngunit may nagkamali sa pagproseso ng birth certificate ko kaya apelyido ni Dad ang nailagay. Kaya kalaunan, nagpasya ang parents ko na magpakasal sa isa't-isa ilang araw matapos akong isilang."

Marahan na sabi ko. Tumango naman si Professor nang makumbinsi siya sa sinabi ko.

"Dad mo ba 'yung palaging naghahatid sayo?"

Tanong ni Professor. Natahimik ako. Umiling siya na parang natauhan sa sinabi niya.

"Well, nevermind."

Sabi niya at ngumiti. Napagtanto ko na mahilig rin pala mang-usisa ng buhay itong si Professor Dexxon Blare Tee. Akala ko puro academics lang ang alam niyang conversation sa kaniyang mga students.

"No, he is not my biological father. My real Dad already died years ago."

I forced to smile. Kahit ilang ulit kong sabihin ang mga katagang iyan, still, masakit rin parin pala. Parang ayaw tanggapin ng utak ko e', lalong-lalo na ang puso ko. I really really love my real Dad to the moon and back.

"Oh, sorry. I should have not asked that. Sige, makakaalis ka na. Salamat sa pagpunta mo dito."

Umiwas ng tingin si Professor. Nakonsensiya siguro sa tanong niya.

"Bakit nga po pala kayo napatanong about sa pangalan ko?"

Tanong ko. Tinignan niya ako at ngumiti.

"I'm your biological father's childhood bestfriend. Dala mo pa rin pala ang apelyido niya."

Napaawang ang bibig ko. Totoo? Bakit hindi ko alam?

"Ganoon po ba?"

Sabi ko. I am speechless. Akalain mo bestfriend ni Daddy naging Proffessor pala. Pero bakit hindi ko siya nakita o namukhaan noong funeral ni Daddy? O baka hindi ko lang siya nakita kasi preoccupied ako masyadong noong time na iyon?

"Oo. Sobrang close naming dati. Best pal ako ng Dad mo e'. Sayang nga lang kasi..."

Malapad na ngumiti si Sir sa akin. Pakiramdam ko tuloy parang naninibago ako sa reaksyon niya sapagkat minsan ko lang nakikita si Professor na ngumingiti sa amin, lalo na pag nasa klase. Sobrang strikto at napaka pormal niya kasi kapag nasa harapan siya at naglelecture sa amin. Para bang ang hirap makipag usap at makipag biruan sakaniya.

"Buti naman po kung ganoon. Masaya ako na kahit papaano may mga taong malalapit kay Dad noon. Pero professor, pwede na po ba akong umalis? Pinapauwi na kasi ako ni Dad."

Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi niya siguro naintindihan ang sinabi ko.

"I mean, 'yung Dad ko ngayon. Hehe. Hinihintay niya na ako."

"Sure, sure. Sige, Daney. Mag iingat ka sa labas."

Tumango ako at agad na lumabas sakaniyang office. Nakahinga ako ng maluwang at bahagyang napaisip. Hindi ko alam na ang isa sa mga Professors ko ay close friend ni Dad noon. Siguro matagal nang nanghinala si Professor kung anak ba talaga ako ng kaibigan niya kasi magkamukha kami ni Dad tapos dala-dala ko ang apelyido niya. Napasulyap ako sa aking likuran at nakitang naisarado ko na pala ang pinto. How come I didn't know? Baka mother siguro ni Professor 'yung nagsabi kanina na pamilyar daw ako sakaniya.

Nagkibit balikat nalang ako at 'tsaka umalis. Naisipan kong ikuwento ito mamaya kay Dad Drave pero binawi ko iyon kasi wala rin naming point kung sasabihin ko pa, hindi rin naman siya makaka-relate. Bukod pa roon, mas mainam na kay Mom ko nalang ikukuwento.

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon