Chapter 38

90 8 0
                                    

Napahalukipkip ako sa sobrang lamig na ihip ng hangin habang matiim kong pinagmamasdan ang panlabas na estruktura ng hospital kung saan kasalukuyang naka confine si Mom. Halos walang katao-tao ang lugar at kadalasang pumapasok sa malaking entrance ay mga pasyenteng halatang mayayaman at matataas ang antas sa buhay dahil sa mga nakaparadang mga sasakyan na ubod ng karangyaan at kagarbohan.

Gayunpaman, hindi nakaligtas sa akin paningin na sakabila ng estadong kinabibilangan nila, kitang-kita ko pa rin ang paghihirap sa mga mukha ng pasyenteng may malulubhang karamdaman. Nasulyapan ko pa ang isang matandang babae na suot ang kaniyang kumikinang na bestida habang inaakay siya sa wheelchair ng dalagang kasama niya papasok sa loob ng ospital.

Napabaling ako sa aking wristwatch at napagtantong pasado ala syete na pala ng gabi. Anim na oras ang naging byahe namin ni Eian papunta dito at may dalawang stopover din kaming tinuluyan para bumili ng makakain doon sa kaniyang sasakyan. Ramdam ko ang sobrang pangangalay ng aking katawan nang mag unat-unat ako pagkatapos kong magising sa pagtulog.

Pawang tahimik at walang kibo lang kami ni Eian ngunit hindi sa nakakailang na paraan. Pinili kong maging komportable na kasama siya sa araw na ito at hindi inalintana ang sariwang pag-uusap kanina tungkol sa mga dinaramdam ng puso namin.

Mabilis na rin akong nakapagpaalam sa mga kaibigan ko at kila Lola Della na ilang ulit pa akong tinawagan sa phone ngunit hindi ko agad nasagot kanina sapagkat mahaba ang oras na itinulog ko sasakyan ni Eian at nakasilent mode rin iyon gaya ng kagustuhan ko.

Kinamusta rin ako ni Percy kahit pa man tinatadtad niya ang aking inbox ng napakaraming text messages na ikinairap ko na lamang sa kawalan. Naghihingi na rin kasi raw ng padalang pasalubong si Jeanette gayong alam nitong nakarating na ako rito sa Pilipinas.

Pilit kong inaalis sa isang bagay na bumabagabag sa puso ko ngunit nagmamatigas na naman sa kadahilanang naghihintay ito ng mensahe mula sakaniya. Masakit para sa akin ang nangyari na wala man lang kaming naging maayos na konbersasyon ni Drave sa muli naming pagkikita, kaya lang, hindi ko lubos matanggap ang katuwiran ng aking isip na maaaring humahanga pa rin ako kay Drave hanggang ngayon. Nang dahil sa nang uusig at nanlalaban kong puso, hindi ko nagawang pakiusapan si Drave na palagiang bisitahin si Mom dito sa Davao Oriental.

"Kanina ka pa ba naghihintay? Pasok na tayo, Dane."

Napalingon ako sa likuran at nakitang palalapit si Eian sa akin. Ngumiti siya bago niya ako sinabayan ng lakad papasok doon sa entrance hospital. Maaliwalas, malamig at tahimik ang buong ground floor ng ospital kung kaya agad kaming nakalapit ni Eian sa front desk kung saan may isang balingkinitang nurse na abala sa pagwawasto ng mga dokumentong hawak niya roon sa mesa. Bahagyang kinatok ni Eian ang countertop kung maya napaangat ng tingin ang nurse sa amin.

"Miss, anong room number po naka confine si Mrs. Diana Gil? May kasama po ba siya ngayon?"

Banayad na tanong ni Eian doon sa nurse. Napayakap na lamang ako sa aking bisig nang maramdamang mas malamig dito sa loob kumpara kanina sa labas. Malaya kong inilibot ang aking paningin sa buong ground floor at napaawang nalang ang labi ko nang mapagtantong mas magara pa itong ospital gayong maihahalintulad ang anyo nito sa isang marangyang hotel.

Napailing na lamang ako nang mahagilap na mas marami ring general at internal surgeons na abalang-abala sa kanilang mga gawain habang kakaunti lang ang doktors na naririto sa ground floor ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako sapagkat sumasagi na naman sa aking isipan si Mom na makakasama kong muli sa mga sandaling kto.

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon