Tinignan ko aking wristwatch habang nasa sasakyan ako at napansing bandang alas dyes na ng umaga. Kasalukuyan akong hinahatid ni Manong Alfonso papunta kila Grindel dahil magpapatulong daw siya sa pagpo-proofreading ng mga papeles na ipinagutos sa kaniya ng kaniyang Lola sa Drizdella Company. Galing din sa mayaman at marangyang pamilya si Grindel ngunit ewan ko ba, pakiramdam ko parehas kaming dalawa ng iniisip na hindi nasusukat sa kayamanan at hindi natutumbasan ng kahit anong pera ang totoong kaligayahang minsan mo lang makakamit kapag pinaghirapan mo o nakatadhana talagang kakatok sa buhay mo.
Pagdating ko sakanila ay agad akong ponagbuksan ni Grindel ng pinto at sinalubong ako ng yakap dahilan para matawa ako 'saka mapaatras.
"Daneery! Hulog ka talaga ng langit! Salamat at dumating ka, bessie." Aniya sa akin habang nagtatatalon na para bang batang nakatanggap ng lollipop galing sa kaniyang matalik na kaibigan.
Nginitian ko siya at inilingan.
"Basta ba't ipagluluto mo ako ng lunch sainyo. Ayos lang ba?" Tanong ko at ngumisi siya ng lumapad. Pinapasok niya ako sa kanilang tahanan at agad kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Puno ng kumikislap na bagay ang bahay nila lalo na ang mga nakalagay na paintings sa wall. Mayroon rin silang mga figurines at antiques sa gilid na para bang nagmukhang half classic at half modern ang bahay nila. Napaangat ko na lamang ang gilid ng aking labi nang mapagtantong ang we-weird talaga ng mga taste ng kaibigan ko.
"Doon tayo sa kwarto ko. Nandoon kasi nagkalat 'yung mga papers ni Lola." Aniya at inakay ako papuntang kwarto niya? Sinabi niya bang nagkalat? Ibig sabihin gabundok na mga documents ang ip-proofread naming dalawa? Kami lang dalawa?
Nang buksan niya ang pinto ay napaawang ko na lamang ang aking labi. Sabi na nga, mapapasabak talaga ako sa digmaan ngayon ngunit hindi ko akalaing hindi sapat ang armas na dala ko ngayon."Pasensya ka na talaga Daneery, alam mo namang ang... you know, ikaw ang pinakamagaling sa larangan ng literatura at alam kong mabilis ka mag proofread ng mga papers kaya ikaw ang hiningan ko ng pabor." Natatawang sabi ni Grindel at napakamot ng ulo. Lumapit siya doon sa desk kung saan may isang computer set at isang nakabukas na laptop habang katabi no'n ang mga nakahilerang papeles na kasalukuyang binibilang ni Grindel.
"Okay lang. Weekend naman ngayon. 'Tsaka wala naman kasi tayong masyadong gawain sa major subjects natin." Sabi ko at umupo sa kama niya. Bahagya akong tumalon-talon nang mapagtantong sobrang lambot ng kama ni Grindel. Malambot naman rin iyong akin pero hindi ko masyadong ma-appreciate kasi makakapal na leathered bedsheet lagi ang inilalagay ng maids namin kasi nagkakaroon ako ng skin allergies kapag natulog ako sa kung anu-anong bedsheet lang. Iyon kasi ang nakasanayan ko simula pagkabata ko pa lang kung kaya nadala ko iyon hanggang sa aking paglaki.
"More on business transaction papers at financial updates lang naman ito e' na ginawan ng online writing reports kaya lang napakaraming errors sa pag encode kasi kung hindi sinummarize, kulang kulang ang mga salitang inilalagay sa reports. Sumakit ulo ko nito kagabi kahit na hindi pa ako nangangalahati kaya naisipan ko nalang magpatulong saiyo. Pakiramdam ko sasabog utak ko kapag ipagpipilitan ko ito mag isa."
Sabi ni Grindel at inabot iyong mga papeles sa akin. Tinignan ko muna isa-isa ang mga papers at inobserbahan ang mga typographical at grammatical miscorrections. Inangat ko aking paningin kay Grindel na binubuksan ang computer set niya. Nilapitan ko siya at agad na sinabihang magsisimula na ako para mabilis kaming matapos.Mga dalawang oras ako nakatutok sa harap ng screen nang buksan ni Grindel ang pinto. Kinawayan niya ako at bahagyang ngumisi.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...