Humalukipkip ako habang nakasandal sa labas ng bench at hinintay sila Joleena na lumabas doon sa faculty office ng mga professors pagkatapos nilang isumite ang video presentation namin. Hindi ganoon kadami ang students dito sa Wilson Forde gayong weekend naman. Pinasadahan ko ng tingin ang university field sa unahan nang makitang may mga athletes na naglalaro ng frisbee.
Napabuntong hininga ako nang maalalang naglalaro kami noon ni Daddy ng frisbee tuwing nakakauwi siya galing sa trabaho kasi palagi niya akong inaalok na samahan siya sa City Sports Complex. Kahit pa man hindi tahimik lang ako at minsan ko lang kinikibuan si Daddy, alam ko sa sarili ko na masaya at nalilibang ako kapag kasama ko siya.
"Bakit tulala ka diyan, Daneery?"
Napabaling ako sa gilid at nakitang lumapit si Manesa sa aking puwesto at umupo sa tabi ko. Inilahad niya sa harap ko ang isang fruit soda at agad ko namang tinanggap iyon. Wala sa sarili ko iyong binuksan at nilagok ng inom. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na natatawang tinignan ako ni Manesa.
"Ayos ka lang, Daneery? Mukhang stress ka yata, ah?"
Nagtatakang tanong niya sa akin atsaka tinapik ang balikat. Nilingon ko siya at umiling-iling na lamang ako. Pinagmasdan ko ulit ang kabuuan ng field. Hindi ko alam pero ang tamlay ng pakiramdam ko ngayon na para bang ayaw kong gumalaw kasi nawawalan ako ng gana. Maraming tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung saan ang pagtutuunan ko ng atensyon.
"I'm fine. I'm just thinking about random things. Nasaan 'yung iba nating mga kaibigan? Hindi pa rin ba nila naipasa ang video?"
Pag-iba ko sa usapan. Narinig kong bumuntong-hininga si Manesa atsaka sumandal rin sa bench na inuupuan niya. Sa reaksyon niya pa lang sa mukha, ramdam kong hindi rin nalalayo sa akin ang emosyong dinadala niya ngayon. Halatang binabagabag din siya at may mga bagay ring nagpapagana sa takbo ng isip niya. Napaiwas na lamang ako ng paningin at kinalikot ang aking wristwatch.
"Daneery, naranasan mo na bang humanga sa isang lalaking hindi mo inaasahang magugustuhan pala ng puso mo?"
Natigilan ako sa tanong ni Manesa. Nailapag ko ang aking hawak na fruit soda at tumingin sakaniya. Hindi siya bumaling pabalik, imbis nakatingin lamg siya sa malayo na para bang wala sa sariling nakatitig sa kawalan. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Hindi ko alam pero kumalabog ang puso ko sa tanong ni Manesa. Sumimsim muna ako sa soda bago nagsalita.
"B-bakit mo naitanong?"
Bahagyang nauutal na tanong ko. Napapilig ko ang aking ulo kasi wala namang rason para atakihin ako ng ganitong kaba. Pilit na may rumerehistrong tao sa aking utak pero kusa ko iyong binubura kasi alam kong gawa-gawa lang ito ng isipan ko. Narinig kong tumawa si Manesa at umiling-iling 'saka tinikman rin ang soda na hawak niya.
"W-wala lang. Sakatunayan, wala talaga sa isip ko na magkagusto sa lalaking ito. Hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't-isa. Nakilala ko lang siya dahil sa class debate na sinalihan niya sa Student Council. Sa lahat ng mga representanteng sumali doon, siya talaga ang nakakaagaw-atensyon para sa akin kasi nakakahumaling siyang mag isip at magsalita ng mga katagang ibabato niya sa kalaban. Noong magtanong ako sa katabi kong audience kung sino ang lalaking iyon, sabi nila culinary student daw siya pero under masteral degree na nag aaral din dito sa Wilson Forde."
Napahinto ako saglit nang biglang may sumagi sa aking isip. Ilang beses na akong labas-pasok doon sa student council office tuwing may inuutos sa akin ang mga head officers pero wala akong napansing may masteral culinary student na pumupunta rin doon maliban sa akin. Atsaka kung mayroon man talaga, hindi ko siguro iyon mapapansin kasi madalas akong pokus sa mga ginagawa ko at kung minsan, wala akong pakialam sa mga nangyayari sa aking paligid.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
Tiểu Thuyết ChungEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...