Chapter 36

94 7 0
                                    

Walang kurap na dinudungaw ko ang ground floor mula sa ikalawang palapag ng magarbo at malawak na concert hall. Halos lumuwa na ang mga mata ko at nakaramdam ng pagkahilo sa sobrang dami ng mga taong nagkukumpulan, nagsisisiksikan, naghihilahan at nagtutulakan na animo'y napuno ng mga avid fans ang hall na may kanya-kanyang hawak na banners, lightsticks, posters at iba pang mga merchandises na hawak nila habang nakikipagsabayan sa kantang Check Yes Juliet by We The Kings na kinakanta ngayon ni Drave sa stage. Madilim ang hall ngunit napapalibutan ito ng mga umiilaw at kumikinang na mga lights na tila ba nasa isang engrandeng concert kami sa hollywood.

🎵 Check yes Juliet

Are you with me?

Rain is falling down on the sidewalk

I won't go until you come outside

Check yes Juliet

Kill the limbo

I'll keep tossing rocks at your window

There's no turning back for us tonight

Lace up your shoes

Eh oh eh oh

Here's how we do 🎶

Sa tantiya ko, halos nasa limang libong tao naroroon sa ground floor habang iilan lamang ang nandito sa second floor dahil pawang mga VIP guests lang ang pinapapasok nila dito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na isa na pala talagang ganap na tinitingalang singer si Drave at nakaparaming tao ang nanonood, nakikihiyawan, sumusuporta at nagmamahal sakaniya ng lubos ngayon.

Bandang alas onse na ng tanghali ngayon at tila naglaho ang busog na nararamdaman ko dahil sa pagkapitlag sa nasasaksihan ko ngayon. Pakiramdam ko ay nanaginip lang ako at ang laman ng panaginip na iyon ay wala sa sariling umaawit si Dad sa harap ng maraming taong hindi naman niya kilala. Ngunit, alam kong totoo itong natutunghayan ko ngayon. Pawang katotohanan lahat kung kaya tulala pa rin akong nakatitig ngayon sa baba habang pinagmamasdan ang mga tao.

Kanina pagkapasok namin sa concert hall, may inabot na free VIP tickets si Zeyn sa amin dahil personal na inimbita talaga sila ni Drave na pumunta sa gaganapin niyang concert ngayon. Madalas na gawi ni Drave na alukin ang mga kaibigan kong pumunta sa concert niya kahit pa man noong mga panahong nasa China pa ako.

Bagaman, wala masyadong alam ang mga kaibigan ko sa matinding isyu ng pamilya namin, palagi silang napapapayag ni Drave gayong simula pa lang noon ay malapit ito sakanilang puso at tumatayong ama rin ito ng isa sa matalik nilang kaibigan.

🎶 Run, baby, run

Don't ever look back

They'll tear us apart

If you give them the chance

Don't sell your heart

Don't say we're not meant to be

Run, baby, run

Forever we'll be

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon