Chapter 28

82 8 0
                                    

DANEERY JANE LIM'S POINT OF VIEW

"Hey, are you awake?"

Naalimpungatan ako sa boses ng nagsalita sa aking gilid. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakitang kaharap ko ang kisame ng aking kwarto. Napapiksi ako sa sobrang sakit ng aking ulo na parang pinipiga ito sa loob habang dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama. Napansin kong sobrang dlim na sa labas at halatang malalim na ang gabi.

"Hey, stay still..."

Tila awtomatiko akong napalingon sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Inayos niya ang unan na nasa aking likuran habang hawak-hawak ang braso ko. Sa isang iglap, bigla kong naalala ang nangyari kanina kaya bahagya akong napaatras at naitabig ang kamay ni Dad na nasa aking braso.

"Daneery.."

Napapitlag din si Dad sa inasta ko kaya napakurap siya habang tinitignan ako. Napalunok ako nang maramdamang sumisikip ang aking lalamunan at nangangatog na naman ang buo kong katawan. Hindi ko namalayan ang mabilis na pangingilid ng aking luha dahilan para mas lalong mabalisa si Dad sa gilid ko. Umiling-iling ako habang pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Akma sana akong lalapitan ni Dad ngunit hinawi ko siya ng walang pag aalinlangan.

"N-no! Don't touch me! You're not my father! No parents would commit a grave sin just to let their daughter be severely punished like hell! Ayaw ko na dito! Aalis na ako!"

Natatarantang singhal at wala sa sariling tumayo mula sa kama. Hindi ko gustong magtagal pa dito. Sakal na sakal na ako sa mga pangyayari ng pamamahay na ito. Mas lalong nag unahan ang pagbuhos ng aking luha nang sumagi sa isip ko ang ginawa ni Mom sa akin kanina. Unti-unting dinudurog ang puso ko nang mapagtantong hindi ako karapat-dapat na manatili dito kung ganito lang pala ang magiging kahihinatnan ng lahat.

"Daneery, baby, will you please calm down? Your mother didn't mean to—"

Pagpigil ni Dad sa akin sa braso kaya naestatwa ako sa aking kinatatayuan at hindi agad ako nakakilos paalis. Marahas kong hinawi ang kamay ni Dad at pinutol siya sa pagsasalita. Hinarap ko siya at pilit na nagsalita kahit pa man ramdam kong namamaos na ang boses ko at nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha kong nagsipatakan patungong magkabilang pisngi.

"I'm sorry for all the misdeeds that I have done towards you and Mom, Dad. Pinagsisihan ko naman po lahat ng mga hindi sinasadyang pagsuway ko sa inyo pero hindi ko akalaing hanggang ngayon pinagpipilitan niyo pa ring tanggapin ko ang relasyon niyong dalawa ni Mom kahit hindi pa ako tuluyang nakakaahon sa pagkawala ng totoo kong ama."

Napahagulgol na ako sa mga sandaling ito. Ang mga masasakit na salitang lumabas sa bibig ni Mom kanina ang nagpamulat sa akin sa katotohanang kahit bali-baligtarin man ang mundo, magiging malaking balakid lang ako sa pag-iibigan nilang dalawa dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin makumbinsi ang aking sarili sa bagong reyalidad na kasalukuyang hinaharap ko. Isa akong nagbabagang apoy na kailangang apulahin bago pa man ito kumalat at mamahamak ng ibang tao.

Napakalaki ang epekto sa akin ng pagsasama nila ni Drave sa pamamahay namin kung kaya nalalagay din sa alanganin ang aking mga desisyon at pagpapasyang ginagawa sa buhay lalo na kapag ang kapalit nito ay tuluyang pagkakalapit nila sa isa't-isa. Ramdam kong nagiging makasarili rin ako minsan, pero kailangan ko bang ipilit ang aking sarili sa mga bagay na tinututulan ng puso ko? Nararapat ko bang bigyan ng tsansa ang ibang tao na maging maligaya kung ang kaakibat nitong resulta ay ang aking walang katapusang pagdudusa?

Permeating RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon