"Goodmorning po, Tito!"
"Hello po, Kuya Drave!"
"Magandang umaga Sir, makikituloy po kaming mga kaibigan ni Dane."Sunod-sunod na sabi ng mga barkada ko. Napaikot ko na lamang ang aking mga mata. Pinatuloy ko agad sila sa sala namin. Agad namang umupo ang kanina pa hinihingal na si Alva. Feel at home naman si Asper habang humihiga sa sofa.
Tinignan ko ang iba. Kooky looks poshly dashing in her white tube na may tangerine blazer contrasted with fuschia skater skirt. Sila Grindel at Fate naman ay naka jeans at stripe checkered lang.
"Grabe! Muntik na naming makalimutan ni Johannes ang route papunta dito sa bahay niyo, Daney."
Biglang sabi ni Clariza. Napatingin ako sakaniya at ngumisi. Napailing naman si Jacque at Darson. Speechless ang peg? For sure, pagod na pagod ang mga ito.
Si Johannes at Clariza kasi ang nagda-drive minsan sa trailblazer kaya sila ang nakakasaulo kung saan ang route papuntang house namin. 'Yung iba naman, walang pakialam. Makarating lang sa pupuntahan ay okay na, walang reklamo kahit hindi alam kung saan dadaan. Malaking halimbawa dyan ay si Asper.
"Oo nga e'. Halos inabot kami ng isang oras mahanap lang bahay niyo. Three months na noong huli kaming nakapunta rito sa pamamahay niyo. May kalayuan rin kasi sa downtown."
Sabi ni Manesa habang inaayos ang bigkis sa buhok niya.
"Wala ba kayong GPS? Or 'yung gamit pang identify ng mga routes?"
Tanong ko. Umiling sila, ang iba naman nag iwas ng tingin dahil ayaw sumagot. Sumipol lang sila Ivy at Jacque. Great. Napairap nalang tuloy ako.
"Pera at mobile phones lang dala namin ngayon."
Sabi ni Asper at tumayo sa pagkakahiga. Ini-on ko ang television namin.
"Guys, bili nalang muna tayo ng foods sa labas."
Pagyaya ni Grindel sa aming lahat."Sama kami!"
Nagsitayuan sila Kooky, Manesa at Johannes."Boys, kayo bumili ng drinks ha?" Singit ni Alva.
"Sige sige. Daney, kunin mo muna 'yung DSLR ko sa bag para mamaya." Sabi ni Fate sakin at itinuro 'yung bag niya sa sofa.
"Nasa kabilang crossing sa may 7-11 ang Chamels. Doon kayo bumili huwag sa tabi-tabi."
Sabi ko sakanila.Isa-isa silang nagsilabasan. Si Ivy, si Clariza at Jacque lang ang natira sa sofa. Naglalaro yata sila ng mobile legends.
"Uy, balik kayo agad ha?"
Sigaw ko nang makalabas na sila."Okay Madam!" sigaw ni Asper.
Tinignan ko si Alva na nakatingin kay Asper. Inirapan niya ito at sumunod ng lakad sa mga girls. Napailing nalang ako at pumunta sa kusina para kunin iyong dutchmilk sa refrigerator. Nahagilap nang mga mata ko si Dad na lumabas galing sa kwarto ko. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko.Napatingin siya sa akin nang napansin niyang nakatingin ako sakaniya. Ngumiti siya. Inilagay ko ulit sa refrigerator ang natirang dutchmilk. Pagtalikod ko, biglaan kong napasapo ang aking dibdib sa sobrang pagkagulantang. Nasa harapan ko na pala si Dad.
"Dad naman! W-wag ka ngang manggulat."
Umiwas ang tingin ko sakaniya. He chuckled. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso ng wala sa oras.
"Sorry. 'Yung kwarto mo kasi parang dinaanan ng bagyo. Sobrang hindi nakakaaya at maraming papel na nagkalat doon sa sahig. Hindi ka ba mahihiya pag pumasok ang mga barkada mo roon? Kasi ako--"
Hindi ko siya pinatapos sa kaniyang sinabi. Ano naman ngayon? 'Tsaka bakit ko naman sila papapasukin sa kwarto ko?
"I'll fix it later."
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...