DIANA VANNESE GIL'S POINT OF VIEW
"Stay still if you don't want to get hurt."
Tinitigan ko si Drave sa aking harapan na nakatungo at ginagamot ang braso ko na sobrang namaga dahil sa pasong tinamo ko sa chemical liquification habang may manufacturing process na naganap doon sa Limerick Clothing Company noong isang araw. Nasa factory ako ng mga sandaling iyon habang sinusuri ang mga raw stocks sa paligid nang biglang nagka aberya ang isa sa mga machines kung kaya noong tumalsik ang mga formula ng liquids, diretsong tumama ito sa braso ko. Agad naman akong nalapatan ng first aid doon sa infirmary ng kompanya ko pero hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa ang pamamaga nito.
"Then just do it gently."
Marahang sabi ko Drave. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo. Hindi ko alam pero habang nakapako ang titig ko sakaniya ay unti-unting bumigat ang aking pakiramdam. Ikatatlong taon na ng pagsasama namin ngayon ni Drave pero kahit tumagal kami ng ganito, marami pa rin akong nakikitang pagkukulang sa relasyon naming dalawa. Noong unang mga buwan pa lang namin, sobrang ligaya ang nararanasan ko tuwing ipinapakita at at pinapadama sa akin ni Drave kung gaano niya ako kamahal.
Napakaunawaing tao ni Drave, marunong siya nagmalasakit at maalaga rin siya sa lahat ng oras na magkasama kami. Hindi siya kailanman gumawa ng rason na nakapagdulot ng matinding away at bangayan naming dalawa. Palaging nandiyan si Drave upang pakinggan ang mga hinanakit at dinadala ko sa buhay. Sa tuwing kasama ko siya, pakiramdam ko walang lungkot o galit ang namamayani sa puso ko. Hindi nakakaligtaan ni Drave na suportahan at mahalin ako sa sarili niyang pamamaraan.
Ngunit hanggang ngayon, marami pa rin akong napapansing butas sa relasyon namin. Wala akong alam kung batid ba rin iyon ni Drave o sadyang hindi sumagi sa isip niya ang mga pagkukulang namin sa isa't-isa.
"What are you doing, Diana?"
Hindi ko namalayang unti-unti ko na palang inilalapit ang aking mukha kay Drave. Tinignan ko ang reaksyon niya pero parang kumirot ang dibdib ko nang makitang hindi man lang siya napapitlag o napaatras sa ginawa ko. Banayad lang ang hitsura niya, bahagyang nakataas ang kabilang kilay at seryoso ang mga mata.
Magsasalita na sana ako nang may biglang malakas na pagbagsak ng pinto ang kumawala sa kabilang kwarto. Napahinga ako ng malalim at bahagyang umarko ang kilay ko.
Alam na alam ko ang pinaggagawa mo, Daneery. Alam ko lahat ng nararamdaman mo tuwing nandito ka sa bahay na kasama kaming dalawa ni Drave. Alam ko ang matinding saloobin mo sa relasyon naming dalawa ni Drave, dahil hanggang ngayon, si Drake Emmerson pa rin ang naisasapuso mo at halos nakakalimutan mo ng tanawin ang totoong kaligayahan ng iyong ina.
Nabigla ako nang biglang tumayo si Drave kaya agad kong pinigilan ang braso niya. Napatingin siya sa mukha ko at kitang-kita ko sa hitsura niya kung gaano niya kagustong umalis dito sa kwarto.
"Saan ka pupunta?"
Nanikip ang dibdib ko habang itinanong iyon sakaniya. Aminado akong nasasaktan ako dahil sa loob ng tatlong taong pagsasama namin ni Drave, ni isang beses walang kaibig-ibig na nangyari sa pagitan naming dalawa. Ni isang beses hindi niya ako hinalikan o ginalaw sa aking kwarto at kapag niyayakap ko siya pabalik ay agad siyang kumakalas na para bang napapaso ang mga bisig niyang hawakan ako. Nasasaktan ako sa mga inaasta niya ngunit patuloy ko siyang iniintindi dahil alam kong tapat na lalaki si Drave at kailanman hindi niya ako magagawang iwan o ipagpalit sa ibang babae. Marahil may personal na dahilan siya para doon ngunit kakayanin ko namang maghintay kasi sapat na sa akin na mahal namin ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Permeating Rhapsody
General FictionEndless Series #1: Daneery Jane Lim is an insouciantly conventional woman of her supreme age. The conventional life she has living is as mundane as an ocean coast. An undeniably scrupulous, audacious, and aesthetic woman who rose into the world to f...