Yumi's POV
Nung pababa na sya sa pag ka lipad nya lumapit sya sakin.
Pinutol nya yung tali na nakatali sakin gamit ang kuko nya.
Takot na takot na ako sakanya dahil baka pati sya kainin ako.
Unti-unti na syang lumalapit sakin. At ako naman kinakabahan at natatakot. Sa bawat Hakbang nya papunta sakin ako naman humahakbang paatras. Hanggang sa napa sandal nako sa puno.
Buti nalang Huminto na sya sa pag lalakad dahil diko na kaya ang takot ko. Bibigay na katawan ko pag nag patuloy parin sya sa pag lapit.
"Ok ka lang?"tanong nya.
"Ah..O-Oo okey la-lang A-ako."utal kong sabi.
"Sabi ko kasi sayo wag ka nang pupunta dito!! Bakit ba kase napaka kulit mo!"inis nyang sabi.
Kinakabahan nanaman ako sakanya. Parang kanina lang na tanungin nya ko ang hinhin tapos ngayun pinapagalitan na nya ako , baka mag transform ulit sya sa halimaw.
Teka nananaginip ba ako?
Sinubukan kong sampalin sarili ko pero ang sakit eh... totoo nga huhu."Wag kang matakot hindi kita kakainin."sambit nya.
"Si-sigurado ka bang Hi-Hindi moko Ka-kainin?"sambit ko.
"Oo masasamang tao lang naman ang kinakain ko?"seryoso nyang sabi.
Lalo akong natakot.
Nanginginig na tuhod ko at namumutla nako, tapos bigla nalng nanlabo paningin ko at nahimatay.Unti unti kong minulat mata ko at nagulat ako nang makita ko yung lalaki na nasa harapan ko.napa upo ako at umatras ako.
Hahawakan nya sana ako."Wag mokong hawakan!! Na-nasan ako??"sambit ko.
"Nasa bahay ko."sambit nya.
"Kweba??"pag tataka kong tanong.
"Oo alam mo namang di ako normal diba!!" Sambit nya.
"Diba ayaw mo akong lumalapit sayo?? Bakit hindi mo nalang ako i uwi sa amin at bakit dito mo pa ako dineretso?"tanong ko.
"Baka pagalitan ka ng mama mo! Mag aalala yon sayo ibabalik din naman kita agad pag sapit ng 3 ng madaling araw. Kailangan mo munang maging ok bago kita ibalik don."sambit nya.
"Dimo pa sinasagot una kong tanong!!"sambit ko.
"Ah- eh kaya lang naman kita pinalalayo kasi ang akala ko masama ka!! Tapos baka kainin kita.buti nga di kita agad agad sinungaban eh."paliwanag nya.
"Masama?? Masama pala ang tumulong?"sambit ko.
"Hindi naman sa ganon. Ang akala ko kasi may balak kang masama tapos nag kukunwari kalang na mabait. Pero di pala at Akala ko papatayin nyo ako. Pero mali rin pala ako ng iniisip."paliwanag nya ulit.
"Salamat pala sa tulong mo!"sambit ko.
"Ok lang yun bayad ko yan sa pag susungit ko sayo."sambit nya.
"Bakit ka nga pala ganun?"tanong ko.
"Anong ganun?"pagtataka nyang tanong.
"Alam mo na!! yung ano! halimaw ba" sambit ko.
Bigla nalang syang natahimik.
"Ah eh... ok lang naman na wag mong sabihin kung ayaw mo."sambit ko.
"Hindi kana ba natatakot sakin?"sambit nya.
"Medyo.. pero nawawala na."sambit ko.
"Ganito kasi yan. Kaya ako ganito kasi ang tatay ko ay tao at ang nanay ko naman ay aswang. Nag mahalan sila tapos ayun nung naging 7 years old nako, may mga taong nag tangkang patayin si mama. Tapos si papa naman sinubukang awatin ang mga tao kaso huli na ang lahat may nag sibat sakanila at humarang si papa kaso parehas sila nasibat kaya ayun namatay na sila. Tapos ako naman napad pad dito sa cueba."sambit nya.
BINABASA MO ANG
THE DEMON AND THE NORMAL GIRL
Teen FictionIsang demon at normal girl na nag mahalan at napaka dami nilang pag subok na pinag dadaanan sa tingin nyu ba malalagpasan pa nila yon? Alamin!! ^_^ Hope you like my story :) Main Characters: T-ara Jiyeon as : yumi Suzy as: diane And BTS. Taehyung as...