46. almost there

225 6 0
                                    

Yumi's POV

Nang matapos ang contest umuwi na kami...

Mga mukha nila drew poker face syempre pagod... pero pag dating namin sa bahay mag papa parteh na si mama at mommy... kase nanalo sila!!!

Hindi naman sa kilala ni mommy sila drew kaya sila nanalo... hindi naman pandaraya yung nag pagod ka mag compose mag practice araw araw noh...

Habang nag ce celebrate kami ng pag ka panalo nila.... napansin ko si drew na nasa pool area.. sya lang mag isa.

Umupo ako sa tabi nya at napalingon naman sya sakin.

"Ano ginagawa mo dito? Dapat nandun ka rin sa loob nag cecelebrate ng panalo nyo , hindi yung nag sosolo ka jan."sambit ko kay drew.

"Kulang pa yumi!!"

"Kulang ang alin?"

"Ang price."

"Ano?? Eh ang laki laki na non?? Kulang pa sayo yon?"

"Hindi yun yumi!! May isa pa akong gustong mapalanunan"

"Ano?"

"Ay ang makasama ka ng pang habang buhay."

Natahimik naman ako sa sinabi nya.

"Malapit na ang debut mo yumi!!! So malapit na rin ako mawala sa tabi mo."

Ininom nya yung beer na hawak nya... oo naimon sya ng beer... yung tanduay lang naman.

"4 na tulog na lang birthday mo naman ang susunod na i celebrate..."

"sana i celebrate mo rin pag ka alis ko ah... para may remembrance ka man lang at maalala mo ako na babalik pako."

"Ano ba!! Wag ka nga mag sabi nyan!!! Papaiyakin mo nanaman ako eh..."sambit ko.

"Habang wala ako... si drake muna ang mag babantay sayo... alam kong gusto ka nya... nasa sayo naman yun kung ako pipiliin mo o sya eh..."

Nag simula ng tumulo luha ko...

"Nakakainis ka naman eh..."

"Wag ka nga umiyak... ano ba nakakaiyak don... mag paka lakas ka... lumaban ka... kase pag nawala nako wala nang po protekta sayo... si drake 50% lang ang kaya nyan sa pag protekta sayo."

Pinalo ko sya at pumasok nako sa loob... buset sya... kinalimutan kona nga eh... tapos ngayon ganyan... todo paalam?... letche...

Pag punta ko ng kusina para uminom ng tubig. Napatingin naman silang lahat saken...

Ay puta eh...-__-

"Oh nak?? Bat ka umiyak?"

"Huh?? Wala to ma?? Nag pahangin ako sa labas kaya ayun napuwing ako."

"Ah ganun ba...kumain kana ba?"

"Opo ma..sige ma akyat nako ma... medyo pagod at antok nako eh... pasabi nalang kay mommy umakyat nako."

"Sige nak."

Pag alis ko ng kusina tinuloy na ni mama yung ginagawa nya... nag huhugas kasi sya ng plato eh...

Paakyat na sana ako ng dumugin naman ako ng fans ay este nila arjey.

"Anyare sayo??"-diane.

"Sino?? Si drew ba?? Nasan yon??"-rex.

"Hoi!!! Manahimik nga kayo... wala lang to ok!!"

"Bak---"

"Please... pahinga muna ko ah..."pag mamakaawa ko.

THE DEMON AND THE NORMAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon