27. True Boy Friend??

290 10 0
                                    

Diane's POV

Hey!! Baby!! Sabi mo kakain tayo?"-tanong ni kuya.

"Shataap..."-inis na sabi ko.

Bwiset bakit kasi kailangan kopa mag panggap , ang tanga tanga ko eh ano naman kung malaman ni arjey na wala kong BF tss ano aasarin nya ko?? I dont care... wala na rin akong paki kung kainin ako ng demonyong yon.

"Kawawa naman boy friend mo sayo!! Sya na nga nag papa sweet ganyan kapa ka sungit. Pasalamat kapa nga may pumatol pa sayo eh. Hahaha Tol pano mo napag titiisan tong babaeng to?"-arjey.

Napatungo nalang ako sa sinabi nya... hiyang hiya nako sa sarili ko at first time ko lang makaranas na pag sabihan ng ganyan. Ugh.... tanga mo talaga diane ... napaka laki mong tanga... lalo mo lang pinahamak sarili mo.
At wala rin namang karapatan si arjey na pagsabihan ako ng ganon!!! Sumosobra na sya...

"I...SAID....Shutuuuup!!!"sigaw ko habang pinipigilan na lumuha pero ayaw talaga eh..

"Luh lagot ka!! Arjey!!"-rex.

"Nag kaka ganto lang naman ugali ko nang dahil sayo!!! MR. ARJEY. And by the way hindi ko sya boy friend kuya ko sya!!!! Wala akong boy friend oh ano masaya kana??"sambit ko.

Diko na kasi talaga mapigilan sarili ko kailangan ko na rin aminin ang katotohanan.

Bwiset talaga tong buhay nato tss... bakit pa kasi kailangan ko pang makilala yong lalaking yon.

Tumakbo ako sa kung saan at meron doong dagat pumunta ako doon at umupo tapos sumandal sa bato.

Naka tungo lang ako at iyak ng iyak yakap yakap kopa tuhod ko.

Maya maya may umabot saakin ng panyo.

Tumingala ako para makita kung sino yung nag aabot ng panyo sakin. At laking gulat ko dahil nasa harapan ko ngayon si Krio.

"Ano ginagawa mo dito, baka hinahanap kana ng mga kaibigan mo iwanan mo nalang ako dito."sambit ko.

Hanggang ngayon hindi parin sya nag sasalita.

Maya maya umupo sya sa tabi ko. Naiilang nako dahil sa ginagawa nya.

Sinubukan kong tumayo at lumayo sakanya pero hinawakan nya kamay ko.

"Stay here!"-sambit nya.

Namula naman ako sa sinabi nya. At wala na rin akong nagawa kundi manatili sa tabi nya.

"Tell me?"

Kinabahan naman ako sa sinabi nya.

"Do you like me?"

"A-anong k-klaseng tanong ya---"naputol kong sabi.

"Yes? Or no? Just answer me... do you like me?"seryoso nyang sabi.

"O... oo gusto kita!!"sambit ko at napatungo ako.

"Edi ako na boy friend mo!"-sambit ni krio.

Natameme naman ako sa sinabi nya.

"Ano? Agad agad?? Wala man lang ligaw ligaw?"

"Ikaw na ang may sabi na gusto moko eh... kaya hindi nako manliligaw dahil doon rin naman mapupunta yon. Pero ano payag kaba?"-tanong ni krio.

Luh... pano to?? Ano na isasagot ko??

"Ok"

Wait? what?? Diane!!! Umayos ka nga!!! Ugh...

Maya maya hinalikan ako ni krio sa pisngi.

Natameme nanaman ako sa ginawa nya at namumula na yata buong mukha ko.

THE DEMON AND THE NORMAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon