CHAPTER II: Boy 'pre'

104 13 21
                                    


"Nandito na tayo!" bigla nyang sigaw na halos mapatalon ako sa pagkagulat.

"Sige po, mauna na po kayong pumasok," anak ng tokwa, hanggang kaylan ba ko magiging magalang sa ponyetang 'to.

"Alam mo pre, mas maayos kung kakausapin mo ko sa hindi ganyang paraan. Masyado kang magalang pre. Kung magiging ganyan ka lang palagi eh mas mabuti siguro kung lumipat ka na lang uli sa ibang university"......mahabaging langit, buti naman at napansin na nyang halos malibing na ko sa sangkatutak na po at opo.

"Pero.... Bakit kaylangan kong lumipat ng university dahil lang sa pagiging magalang ko?" tanong kong muli sa kanya.

"Alam mo kasi, sa lugar na 'to eh sangkatutak ang mga nambubully. Lam mo na, siguradong walang araw na uuwi ka nang walang blackeye," ngumiti syang muli pero sa puntong ito, mas nakaka-asar na ang pag-ngiti nya na para bang minamaliit nya ako.

Pumasok na kaming dalawa sa room. Isang hakbang ko pa lang papunta sa loob ay agad na may tumilamsik na lukot na papel at tumama sa ulo ko. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa direksyon nung taong naghagis sa akin ng lukot na papel.

 Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa direksyon nung taong naghagis sa akin ng lukot na papel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HAHAHA!!! DI NA USO ANG EYEGLASSES, MR. NERD!!!" sigaw ng isang lalaki na patayo ang buhok, maraming pekas sa mukha, at ubod ng katabaan. Sinabayan naman sya ng mga kasama nya sa pagtawa samantalang ako eh nakatingin lang nang masama sa kanila.

"Ayan ang sinasabi ko. Maraming ulol dito, mag-ingat ka sa kanila. Para silang may rabies na pwede kang patayin nang dahan-dahan," bulong sakin ng kasama ko. "Tara dito, tumabi ka na lang sakin para naman medyo maging komportable ka"......nak ng putakte, ni wala nga akong gustong makasama sa kanila eh.

"Ipinakikilala ko sayo, sila Ted, Bugz at Rio. Mga kaibigan ko sila," sambit nya habang tinuturo ang mga pagmumukha ng mga kaibigan nya. Kung aking ilalarawan, si Ted na una nyang tinuro eh mas mukhang nerd kaysa sakin-semi kalbo at nagmumukhang paluwa na ang mata sa sobrang taas ng lens ng salamin nya. Sumunod si Bugz, baby face, singkit at medyo chubby. At ang huli ay si Rio- medyo artistahin kumpara sa mga kasama nya, maputi, kutis artistahin at pang-kpop style ang buhok.

"Nagagalak ko kay---," di pa man ako tapos magsalita, agad na sumingit ang lalaking kasama ko mula kanina.

"Ako nga pala si Ron. Nice to meet you pre," sabay abot ng kamay nya na akmang makikipagkamayan sakin. At syempre, as always, ngiting pang-asar.

"Jireh... Nice to meet you too." inabot ko ang kamay nya at nakipagkamayan.

"Nice to meet you, Jireh," sabi naman nung tatlong ungas. Agad akong umupo sa tabi ni Ron. Kwentuhan- kwentuhan sila ng mga kaibigan nya, samantalang ako eh halos maging bato sa pagka-awkward.

"Good morning class!" isang masiglang pagbati ng prof namin sa klase. Agad tumahimik ang mga kaklase ko, ngunit hindi yun dahil ginagalang nila ang prof namin. Kundi dahil pinopormahan nila si prof na ubod ng kaputian na syang pansin na pansin dahil sa maikli nyang palda na fitted.

Bigla ko tuloy nasabi sa sarili ko na baka hindi ako makatagal sa eskwelahang 'to dahil sa kalibugan at kamañakan ng mga lalaking estudyante dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bigla ko tuloy nasabi sa sarili ko na baka hindi ako makatagal sa eskwelahang 'to dahil sa kalibugan at kamañakan ng mga lalaking estudyante dito. Pero sa lahat ng lalaking pumoporma para sa prof namin, eh yung tropa ni Ron lang ang mga nakatitig sa libro. Di ko sinasadyang mapangiti at nasabi sa sariling, mas okay na siguro silang kasama kaysa naman sa ibang kalalakihan dito sa klase.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon