CHAPTER XX: Vacation

43 2 0
                                    


"Ano? Tuloy na talaga 'to ah?!" sambit ni Ted habang inilalagay ang mga gamit nya sa loob ng malaking white na van.

"Ano ka ba? Syempre tuloy na tuloy na 'to. Kita mo naman, handang handa na tayo oh?!" sagot naman sa kanya ni Ron.

"Si Elijah ba? Sasabay satin?" tanong ko naman sa kanila.

"Oo nga noh? Nasan na nga ba sya?" sabi naman ni Bugz habang tinitignan ang paligid sa pagbabakasakaling makita si Elijah na parating na.

"Sana naman hindi dumugo ang mga mata nya sa kalagitnaan ng bakasyon natin," sambit muli ni Ted habang si Rio eh tahimik na inilalagay ang mga libro nya sa bag.

"Hoy, kahit nasa gitna ng bakasyon, wala pa ring takas sa rules," paalala ni Rio habang inilalagay nya ang bag nya sa loob ng van kasabay ko. Bigla ko tuloy naalala na buti na lang talaga nakalimutan na nila Ron ang tungkol sa pagpaparusa sakin nung nasa ospital pa kami.

"Late na ba ako!!!" isang malakas na sigaw ilang metro mula samin.

"Oy!!!! Elijah, kumusta ka na???" sagot naman sa kanya ni Ron habang tumatakbo papalapit sa kanya para tulungan syang dalhin ang mga naglalakihan nyang bag.

"Wow naman, gentleman ka talaga.... Kaya idol kita eh," papuri naman ni Ted sa kanya na noo'y napansin kong naging masyadong madaldal dahil sa pagka-excite.

"Oh?! Dalian nyo na't matagal ang byahe. Bilis!" sigaw ko sa kanilang lahat para agad nang mapatakbo ang van at masimulan na ang paglalakbay.

At last!!! Araw na para pumunta sa Center For The Disabled sa Sagada!!!! Wirdo man pakinggan, mukha namang may kabuluhan ang pagbabakasyon namin. Tatlong araw daw kami doon magtatagal, buti na nga lang eh ayos lang si mama na lumakwatsa ako kahit na pakiramdam nya eh laging may peligrong naghihintay sakin.

"Pwede ba tayong magtabi?" tanong sakin ni Elijah nang umalis sya sa tabi ni Ted.

"Teka, teka? Ayaw mo ba kong katabi?" tanong ni Ted sa dalaga.

"Oo nga, ayaw mo ba kaming katabi ni Ted?" pagsingit naman ni Bugz na sa mga oras na yun eh kain lang nang kain. Si Ron ang nagda-drive ng van dahil pagmamay-ari pa 'yun ng tatay nya habang si Rio naman eh nagbabasa na naman ng libro sa kabilang dulo ng upuan malapit sa bintana. Nagpatuloy sa paglipat ng upuan si Elijah nang hindi man lang sinagot ang dalawa.

"Mukhang ayaw nya kayo, ha ha ha!!!" pang-aasar ko sa dalawa na nasa mas harapan na upuan nakaupo. Gumitna si Elijah saming dalawa ni Rio sabay pinasok ang earphones sa mga tainga nya. Hindi ko na sya pinakealaman pa at tumingin na lang sa labas ng bintana ng van.

"Bakit ba wala kayong magawang matino habang nasa byahe?" hirit na naman ni Rio sa mababang boses.

"Wag mo na nga kaming pakiealaman, may sari-sarili tayong mga trip sa buhay... Magbasa ka na lang nerd," sagot sa kanya ni Ted na halos nagwawala na sa upuan nya kakalaro ng counterstrike.

"Ano? Tinawag mo ba akong nerd?" sambit ni Rio na ngayon ay nakatingin na nang masama sa kaibigan.

"Oo, bakit? Tignan mo nga 'ya---," napatigil si Ted sa pakikipagsagutan nang mapansin nyang bahagyang tumatayo si Rio para abutin sya't batukan. Maya-maya pa, nagkakagulo na sa loob ng van dahil sa kanilang dalawa.

"Guys... Pwede ba? Wag naman kayong ganyan.... Hindi oras ngayon ng pag-aaway, magbabakasyon tayo diba? He... He... He...," pagsaway ko naman sa kanila nang mahinahon. Ilang segundo pa, nagulat na lang ako na isinusuot ni Elijah ang isang piraso ng earphones sa kaliwa kong tainga. Napatingin lang ako sa kanya at naabutan syang inaayos ang pwesto nya tsaka pumikit.

"Mag-sound trip na lang tayo... Pabayaan mo sila," sambit ni Elijah sabay ngumiti. Maya-maya pa, nagsimula na ang tugtog mula sa cellphone nya.

"Ano 'to? Bakit iba yung language?" tanong ko sa kanya nang mapansing hindi ko maintindihan ang lenggwahe ng kanta.

"K-pop 'yan.... Wag ka nang magreklamo. Mas okay na 'yang pakinggan kaysa naman sa murahan ng mga ungas na 'to," medyo nabigla ako sa sinabi nyang 'yon dahil na rin mukhang nagagaya na sya sa mga ugali namin.

"Hahaha, napaka- bad influence talaga namin," bulong ko sa sarili habang tumatawa.

"May sinasabi ka ba?" pagsingit ni Elijah nang mapansin akong tumatawa mag-isa.

"Wala, wala.... Excited lang ako sa bakasyon natin ngayon," sambit ko sabay ngumiti sa kanya.

"Hide and seek," biglang sambit ng dalaga na hindi ko maintindihan kung anong meron dun at nasabi nya.

"Ano?" ang tangi kong nasagot sa kanya.

"Ang sabi ko... Hide and seek.... 'Yan yung title nung kanta. Yung k-pop group na Astro yung kumanta nyan, ganda diba?" sabay tumingin ang dalaga sakin at ngumiti. "Parang sunny day sa tuwing napapakinggan ko 'yan," dagdag pa nya. Ngumiti lang ako sa kanya tsaka tumingin sa labas ng bintana ng van.

"Magtigil nga kayo!!! Para kayong mga batang pasaway!!!" sigaw ni Ron kay Ted at Rio na patuloy pa rin ang pagbabangayan.

"Oh? Bakit tayo tumigil dito?" biglang tanong ni Bugz na puno pa rin ng pagkain ang bibig.

"Teka, bakit ka tumigil sa pagda-drive Ron?" tanong ko din samantalang si Rio at Ted eh tuluyan nang tumigil sa pag-aaway. Si Elijah naman eh nananatiling nakapikit habang nakikinig sa tugtog mula sa earphones nya.

"Bakit ganun? Hindi ko naman pinatigil 'tong van, kusa syang tumigil," sagot ni Ron sa tanong naming lahat.

"Ha? Panong nangyari? Nag-over heat yung makina?" pagsingit ni Ted sa usapan.

"Sabihin mong ubos na yung gasolina?" badtrip namang sambit ni Rio.

"Ang ingay naman ng paligid. Nasa siyudad ba tayo?" sambit naman ng dalaga habang nakapikit pa rin. Bigla kaming nanigas matapos iyon sabihin ni Elijah. Lumingon kaming lahat sa dalaga at naabutan syang nakikinig pa rin ng tugtog at seating pretty sa kinauupuan nya.

"Nagbibiro ka na naman ba?" tanong ko kay Elijah.

"Ha? Bakit? Mai-----" bigla syang napadilat kasabay ang pagtanggal ng earphone sa kanan nyang tainga habang tumitingin sa labas ng bintana ng van. "Sabihin nyong nababaliw na ko," dagdag pang sambit ng dalaga.

"Ayan din ang iniisip ko," asar ni Ted kay Elijah na sinagot naman ni Ron ng batok sa kanya.

"Guys, wag kayong ganyan. Hindi 'to oras para magtakutan," sambit naman ni Bugz na medyo pinagpapawisan na habang ako eh napatahimik na lang sa takot. Eh pano ba naman.... Tumigil ang van namin sa mukhang abandonadong kalsada na walang ibang makikita kundi ang mga puno't damo sa paligid. Dagdag pa sa nagpatakot sakin eh nung sinabi na naman ni Elijah na may naririnig sya.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon