CHAPTER IV: Lunch Time

75 8 20
                                    


"Next plate for this week.... You are going to create a design for a duplex house. Put it on a 15 by 20 bristol board with complete two storey plan, four elevations and two sections. Lot size is 10x20, it will passed next week," isang napakagandang entrance ng matanda na naming prof. Muntik ko na ngang mapagkamalang pauwi na agad kami dahil nagbibigay na agad ng gawain.

"Pre, sa oras na mag-discuss sya eh wag ka na lang makinig, wala rin kasing kaibahan kahit makinig ka eh," bulong ni Bugz sakin mula sa likod.

"Wag kayong ganyan sa prof natin, pumapasok naman sya kahit papano," sagot ko naman sa kanya.

"Masyado ka namang mabait pre, sige, bahala ka,"....... Takteng 'yan, mabait pa pala ako. Kung alam lang nya na sangkatutak ng mura ang umiikot sa tumbong ko dahil sa bad influence nyang tip sakin.

Pagkatapos ng ilang minuto, biglang may inilagay na papel si Ted sa desk ko. Nakaupo sya noon sa harap ko kaya kitang kita ko kung paano nya inabot nang mabilisan ang kapirasong papel sakin sa takot na mahuli ng prof namin.

 Nakaupo sya noon sa harap ko kaya kitang kita ko kung paano nya inabot nang mabilisan ang kapirasong papel sakin sa takot na mahuli ng prof namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'WAG KA NANG MAKINIG SA PROF NATIN, PARANG WALA RIN KASING KAIBAHAN KAHIT MAKINIG KA PA EH. TARA, LABAN NA LANG TAYO SA COUNTERSTRIKE"...... mga g*** talaga. 'Pag magkakatropa ba eh pare-parehas na lang ng hubog ng utak? Matapos kong mabasa iyon ay agad akong tumingin kay Ted. Aba't nakangiti pa.

"Psssttt," muli na namang may tumawag sakin. "Oy, wag mo silang pakinggan," dagdag pa nito. Dahan-dahan akong tumingin sa kaliwa at naabutan kong seryosong nakikinig si Rio sa prof namin. "Wag kang gagaya sa kanila, lalo na kay Ted. Kahit mukhang nerd 'yan, sya palagi ang may pasimunong kalokohan sa tropa namin," sambit nya ng walang reaksyon at nakatingin lang sa nagtuturo naming prof.

Bigla akong napangiti. Bigla ko kasing naisip ang topic namin sa physics na equilibrium. Equilibrium is about balance, parang yung tropa nila. Kung may mga pasaway kang mga kaibigan siguradong magkakaroon at magkakaroon ng isa man lang na matino-tinong kaibigan na syang magbabalanse sa samahan, at si Rio yun.... Akalain mo, di lang sya artistahin, matalino pa syang tao, di tulad ng mga ka-tropa nya na sobrang kabaligtaran nya. Hindi ko nga maisip kung pano nya piniling masama sa tropa ng mga ungas na 'to eh.

Lumipas pa ang ilang oras, tumunog na ang bell na syang senyales na oras na para sa tanghalian. Pagkalabas na pagkalabas ko sa room ay agad na may umakbay sakin, pero hindi ko pa man tinitignan ang nang-aakbay sakin eh alam ko na agad kung sino yun. Sa higpit pa lang ng pagkakapulupot ng malaki nyang braso sa leeg ko eh siguradong si Ron na yun.

"Pre, sabay ka na samin para di ka naman magmukhang loner," sabay kindat at ngumiti nang nakakaloko.

"Jireh, maglaban naman kasi tayo minsan sa counterstrike.... Sige na," pangungulit muli ni Ted sakin habang naglalakad kami at nananatiling nakaakbay si Ron sakin. Sa tabi naman ni Ron eh si Bugz na abala sa sunod-sunod na pagnguya ng chichiria samantalang si Rio eh tahimik na naglalakad sa likuran namin, poker face pa din kahit noong una ko pa lang syang nakita eh walang nagbago sa puwesto at direksyon ng kulubot nya sa mukha.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon