"Bakit? Bakit ka ganyan makatingin sakin?" manginig-nginig ko pang tanong kay Rio.
"Wag ka nang magtanong. Sagutin mo na lang ako," seryoso nyang sagot sakin.
"Te-teka nga lang. Wala ka nang pakialam sa ginagawa ko. Bakit ba?"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko!!!" biglang hinawakan ni Rio ang manggas ng damit ko. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kainit ang ulo nya dahil lang sa dyaryong hinahanap ko.
"Mga pre, chill lang. Ano bang meron kaya mainit mga ulo nyo?" sa unang pagkakataon, nagkaroon ng esensya ang pagiging maskulado ni Ron. Agad nya kaming pinaghiwalay ni Rio na syang dahilan para humupa ang tensyon.
"Ang mas mabuti pa, maghanap pa tayo ng ibang mga clue sa mga gamit nitong librarian kaysa naman nag-aaway kayo dyan. Hindi nakakatulong," saway pa ni Bugz saming lahat.
Nainis ako bigla. Hindi ko lubos maisip na maghahanda talaga ang librarian na yun sa oras na balikan namin sya't imbestigahan. Mukhang alam talaga nya ang mga galawan namin. Sino kaya sya? Bakit nya kami pinipigilang makapaghanap ng clue?
"Hay! Gusto ko nang sumuko. Ayoko na nito!!!" pag-iinarte pa ni Ted na sadyang hindi makatulong sa takbo ng pag-iimbestiga namin. "Ang ingay nila!!! Ang ingay!!!" biglang nabaling ang tingin namin kay Ted. Mukha kasing may narinig na naman syang mga boses sa kabilang mundo tulad ng kakayanan ni Elijah.
"Ano pre? May mga sinasabi ba sila?" agad na tanong ni Ron sa kaibigan.
"Kung ganun, nagiging katulad ko na si Ted?" isa pang tanong na mula naman kay Elijah.
"Ganun na nga. Bigla na lang syang nagkaganyan. At ang una pa nyang narinig ay ang---," biglang naudlot ang pagsasalita ni Rio nang biglang napahagikhik nang mahina si Elijah.
"Ibigsabihin narinig nyo pala ako nun. So si Ted pala ang pinakalinya ng komunikasyon ko papunta dito. Akalain mo nga naman. Magkakaroon pala sya ng gamit," napatawa na lang kami sa sinabi nya maliban kay Rio. Iniisip ko pa rin kung ano din bang kaylangan nya sa dyaryong hinahanap ko.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang may lumipad na papel mula sa librong kinuha ni Bugz sa drawer ng mesa. Sakto namang bumagsak yun sa sahig malapit sa kinauupuan ko.
"P***," bigla kong bulong nang makita ko ang nakalagay sa papel na yun.
"Ha? Ano yun Jireh?" napatingin din bigla si Ted sa nahulog na papel. "Ano bang----.... Guys?...," sabay kinuha ni Ted ang papel at ipinakita sa mga kasama namin. "Ito kaya yung itsura ng cross sign tatoo na hinahanap natin?"
"Yan nga yun. Sigurado ako!" masayang tugon ni Elijah kay Ted. "Pero.... Bakit napunta yan sa kamay ng isang librarian?" nag-isip silang lahat ng dahilan habang ako eh nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa bigla kong natuklasan.
"Huh? Okay ka lang Jireh? Bakit ba lagi na lang ganyan yang mukha mo?" pang-aasar pa ni Ron sakin.
"Yung cross sign kasi," itinuturo ko pa ang papel kung nasan naka-drawing ang naturang simbolo.
"Anong meron sa cross sign?" tanong ni Ted sakin habang nakatitig sya nang diretso sa mga mata ko. Mukhang naiintindihan na rin nya ang ibig kong sabihin.
"... Guys.... Mukhang nakita ko na ang gate," sambit ko.
BINABASA MO ANG
Pikit Mata, Ibang Mundo
Ficção CientíficaKung akala mong nasa mundo ka pa ng paghihirap at hinagpis, ibahin mo to. Lahat ng imposible magagawa mo dito. Lahat ng gusto mo matutupad dito. Pati crush mo, sa mundong ito, posibleng maging kayo. Ngunit sa bawat positibong enerhiya ay may kabalig...