"Bakit?" unang bulong na narinig ko matapos ang ilang minutong nakapikit lang ako. Agad akong napadilat tsaka ko naabutang parang nakakita ng multo kung maka-react ang mga kasama ko habang nakatingin sa kung ano.
Hindi na ako nag-atubili pa at agad na tinignan ang librarian na napansin ko na nun na parang antagal ng pag-atake... Pero imbis na maabutan kong nakabaon ang patalim na hawak nya sa likuran ko eh nakita ko iyong nakabaon sa puso nya. Hawak-hawak pa nya ang patalim na yun kasabay ang pagdaloy ng dugo sa mga kamay nya. Maya-maya pa, narinig ko ang mahinang hagikhik nya na para bang nawawala na sya sa sarili nya.
"Tama ka... Sawa na akong pumatay... Ilang beses nila akong pinangakuan na makita ulit sila paggising ko pero ni walang kahit isa man lang sa kanila ang tumupad nun. Alam kong hindi kayo ang kaaway pero anong magagawa ko kung gusto ko pang makabalik?" nagsimula sya uling lumuha samantalang kami eh mga tulala at hindi lubos maisip na gagawin nya yun sa sarili nya.
"Hindi ka namin maintindihan," ang tangi kong nasabi habang unti-unting lumalayo sa kanya.
"Pakisabi kay Rhen... Wag na nya akong antayin... Pa-pakiusap... Pakiu---," mabilis syang bumagsak sa sahig sabay kumalat ang dugo nya sa paligid. Ilang saglit pa, laking gulat namin nang biglang may nabuong porma ang dumadaloy nyang dugo sa sahig. Para bang isang kumpol na mga simbolo na hindi namin alam kung ano.
"Mga pre... Mukhang magbubukas na ang lagusan palabas dito," hirit kaagad ni Ron habang dahan-dahan nang tumatayo. Maya-maya pa, biglang nagkaroon ng kung anong ilaw mula sa mga simbolong 'yon kasabay ang malakas na hangin na halos tumangay saming lahat palayo sa portal.
"BILIS!!! PUMASOK NA TAYO KAAGAD HANGGA'T HINDI PA TAYO TINATANGAY PALAYO!!!" malakas na sigaw ni Rio samin habang ako eh nagkukumarat na tumatakbo papalapit kay Elijah at Ted para isama ang katawan nito palabas. Agad kong pinasampa ang walang buhay na katawan ni Ted sa likuran ko na syang dahilan para mahawaan ang damit ko ng mga nagkalat na dugo mula sa malalaking sugat sa may bandang tyan ni Ted.
"Si Ted, Jireh," bulong ni Elijah sakin habang puno ng pag-aalala ang reaksyon ng mukha nya.
"Oo alam ko," agad kong sagot.
"Hindi Jireh ang ibig kong sabihin....," dagdag pa ng dalaga.
"Sabi kong alam ko... Alam kong patay na sya pero wala akong pakialam. Nangako tayo na lalabas tayo nang magkakasama kaya kahit anong mangyari, buhay man o patay, lalabas tayo sa lecheng impyerno na----....," bigla ko na lang naramdaman na may kung sinong nambatok sakin.
"Buhay pa ko g***," isang bulong na siguradong sigurado ako kung kanino galing... Kay Ted. Sa sobrang pagkabigla, bigla ko syang nabitawan na dulot ng marahas na pagkasalampak nya sa mabuhangin nang sahig. "Aray ko... Hindi pa ko patay pero mukhang papatayin mo na ko eh," nanatili pa ring mahina ang boses ni Ted dahil sa pinsalang inabot nya.
"Te-te-teka lang... Panong nangyari yun? Si Elijah kase kanina....," sambit ko habang hindi makapaniwalang buhay pa talaga ang kaibigan ko.
"Yun nga yung gusto kong sabihin sa'yo kaso lagi mo akong pinapangunahan... Kesyo alam mo na," inis namang sagot ni Elijah sakin. Hindi na ko nag-atubili pa at agad na niyakap si Ted nang hindi isinasaalang-alang ang mga sugat nya sa katawan kaya naging ganun na lang kawagas ang sigaw nya sa sakit.
"GUYS!!! BUHAY PA SI TED!!!" sigaw ko sa iba kong mga kasama. Agad kong narinig ang pagngawa ni Ron sa 'di kalayuan... In short, pinagana na naman nya ang pagiging tantrums nya... Hay naku, kahit sa anong klase talaga ng sitwasyon, nagagawa pa rin nyang isingit yun. Damulag talaga.
"TAMA NA MUNA ANG DRAMA! KAYLANGAN NA NATING MAKAPASOK SA PORTAL!!!" saway samin ni Rio kaya agad kong binuhat muli si Ted papunta sa lagusan habang si Elijah eh nakasunod sakin, sa 'di naman kalayuan, nakita ko si Bugz na inaalalayan si Ron sa paglalakad habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Sa isang iglap, naglaho bigla si Rio matapos nyang mauna sa pagpasok sa portal na sinundan naman kaagad nila Ron at Bugz. Nagmadali na rin kami nila Elijah dahil baka maabutan na kami ng pagsasara nun. Bahagya kasing nagbabago ang kulay ng ilaw na nagmumula dun... Para bang palabo na nang palabo.
"Elijah! Mauna ka na sa portal!!!" sigaw ko sa dalaga. Agad naman syang tumakbo nang mabilis papunta sa portal para mauna nang lumabas. Pero nang makarating na sya malapit doon eh bigla syang napahinto. Kasunod nun ay nilingon nya ako kasabay ang kakaibang reaksyon ng mukha nya... Para na naman syang paiyak na pero ni kahit isang patak ng luha eh walang lumalabas sa mga mata nya.
"Sumunod ka na kaagad!" malakas nyang sigaw na parang may halo pang pagbabanta sakin sa oras na hindi ako makaabot at si Ted sa portal. Matapos nun ay agad na syang humakbang papunta sa portal at tulad ng iba, naglaho din syang parang bula.
"Sige Jireh, kung masyado akong mabigat, pwede mo na akong iwanan dito," bulong bigla ni Ted sakin na sadya naman talagang nakababahala.
"Ano bang pinagsasasabi mo. Kung magpapa-iwan ka lang din naman, magpapa-iwan na din ako... Pero hindi mangyayaring may maiiwan satin dito... Nangako ako... Nangako ako na makakalabas tayong lahat dito... Buhay man o patay," sagot ko sa kanya. Pinilit kong tumakbo sa kabila ng bigat ni Ted. Hindi 'to oras para umatras pa. Ito na ang pagkakataon para makalaya kaya sisiguraduhin kong mabubuhay pa kami. May oras pa... May oras pa.
"Sige na Jireh, tumakas ka na... Iwan m----."
"TUMIGIL KA!!! MAGKAIBIGAN TAYO TAMA?" tugon ko kay Ted kahit hindi pa sya tapos magsalita. "Kaya maniwala ka sakin... Magtiwala ka... Kaya kitang ilabas dito... Makakalabas tayong dalawa... Kaya kumapit ka sakin nang mahigpit dahil siguradong masasaktan ka sa gagawin ko."
Biglang humigpit ang kapit ni Ted sa paligid ng leeg ko... Naging hudyat na rin yun ng pagtakbo ko nang mabilis papunta sa portal. Sa sobrang bilis eh hindi ko na mapigilang dahan-dahanin pa ang paggalaw kay Ted dahil sa mga sugat nya kaya sumigaw na naman sya nang malakas sa sobrang sakit.
"Kaya mo yan Ted... Konti na lang," sahuling paghinga ko nang malalim, sabay akong tumalon papunta sa portal. Hindiko alam kung makakaabot pa kami nun dahil mukhang maliliit na lang ang portal.Wala na akong iba pang ginawa kundi ang pumikit na lang. Ayoko nang makita kungano nang susunod na mangyayari. Basta ang naisip ko na lang, kung hindi mankami makaabot, mas mabuti nang sinubukan namin kaysa sa sumuko na lang.
BINABASA MO ANG
Pikit Mata, Ibang Mundo
FantascienzaKung akala mong nasa mundo ka pa ng paghihirap at hinagpis, ibahin mo to. Lahat ng imposible magagawa mo dito. Lahat ng gusto mo matutupad dito. Pati crush mo, sa mundong ito, posibleng maging kayo. Ngunit sa bawat positibong enerhiya ay may kabalig...