CHAPTER XVII: Visit

50 3 0
                                    


Panaginip.... Panaginip.... Panaginip.... Bakit ba pakiramdam ko totoong nangyayari ang mga panaginip ko. Sa maikling salita, baka totoong nagpapakita si Jeremy sakin. Hayyyy!!! Isa 'yong kabaliwan... Bakit ba kasi kaylangan ko pang mag-imbestiga para lang sa gusto nyang ipaalam sakin? BUWISET!!!!!

"HUY!!!!" Malakas na sigaw ni Ron mula sa likuran ko.

"Pucha, bakit ba kaylangan mo pang manggulat?" sagot ko sa kanya nang nakahawak pa sa dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Parang ang lalim ng iniisip mo ah," responde naman nya sa daing ko.

"Oo, malalim nga. Sa sobra na ngang lalim pakiramdam ko eh malulunod na ko eh," hirit ko naman kahit alam kong corny. Napabuntong hininga lang sya at nilubayan na ko.

"Sana nasa panaginip na lang ako para kung ano yung gusto kong mangyari eh magawa ko," sambit ni Ted habang tamad na tamad na naman ang pagkakaupo.

"Ha? Pano mo naman nasabi 'yan. Parang nung kaylan lang binabangungot ka ah," sagot ko naman sa kanya na may halong inis dahil nabanggit na naman niya ang tungkol sa panaginip.

"Bakit? Ganun naman yun diba? Posible lahat sa panaginip. 'Pag ginusto mong lumipad, lilipad ka, 'pag gusto mong maging hero, magiging hero ka. Diba ganun 'yon?" humarap pa si Ted sakin nun dahil sa likod nya ako nakaupo. "Counterstrike," dagdag pa nya na lalong nagpainit sa ulo ko.

"Tara," bungad ni Rio na kararating lang.

"Saan naman?" tanong ni Bugz na di ko napansing dumating na din pala.

"Sa ospital. Baka gising na ngayon si Elijah," sabay hagis ng bag nya sa upuan nya. "Magdala na rin tayo ng pagkain," dagdag pa ni Rio.

"Aba... Aba... Aba... On the rescue na naman si pr----," napatahimik si Ron sa pagsasalita matapos ko syang batukan nang hardcore.

"Alam mo Ron, nakakasawa na 'yang dialog mo," saway ko naman sa kanya habang nananatiling nakakuyom ang kamao.

"HA! HA! HA! Yan na oh, lumalaban na si Jireh oh!!!" sigaw ni Bugz para mang-asar lang. Pagkatapos ng klase, agad naming binisita si Elijah sa ospital. Dahil hapon na rin nun, nagdala na rin kami ng miryenda para sa kanya tulad nga ng sinabi ni Rio.

"Princess, princess.... Wake up na," bulong na naman ni Ron sa tainga ni Elijah.

"Para kang may sapal... Tantanan mo nga sya," saway ni Bugz sa kanya na noo'y inilalabas ang mga biscuit sa plastic na dala namin.

"Eh kasi naman eh..... Gusto ko na syang makausap eh," pag-iinarte ni Ron na parang bata sa kabila ng laki ng katawan nya.

"Ang ingay," sabat naman ni Rio na tahimik na nakaupo sa gilid ng mismong kama ni Elijah, and as always... Nagbabasa.

"EH KASE NGA EH!!! GUSTO KO NA NGA SYANG MAKAUSAP!!!" sigaw ni Ron nang mas malakas na tipong hanggang sa kabilang room eh naririnig na sya. Dahil sa ginawa nyang iyon, kami nila Ted, Bugz at ang di ko inaakalang sasama na si Rio eh pinagtulung-tulungang gulpihin si Ron.

"Sabi ko, tahimik!!!" sigaw ni Bugz sa mukha ni Ron.

"Bilis!!! Kumuha kayo ng tape!!! Takpan natin bibig neto!!!" pakikisali naman ni Ted sa pagsigaw habang madiin na tinatakpan ang bibig ni Ron.

"Hawakan nyo yung mga braso't nanlalaban," sabi ko naman habang halos pati paa ko na ang pumipigil sa paglikot ng kaliwang braso ni Ron.

"Takte naman," ang tanging nasabi ni Rio habang pinipigilan ang paglikot ng kanang braso ni Ron.

"Tumigil nga kayo!!! Hindi 'to kasama sa punishment!!!" sigaw pa ni Ron nang makawala sa pagkakatakip ni Ted ng mga kamay sa bibig nya.

"Pucha, ang lakas naman neto!!!" sigaw ko dahil sa hirap ng dinadanas ko habang pinipigilang maglikot ang kaliwa nyang braso. Halos tagaktak na nga ang pawis ko sa gayong isang braso lang naman ang pinipigilan ko.

"T******," bulong ni Rio pero narinig ko pa din.

"Kayo ba 'yan?" isang napaka-angelic na boses na nagpatigil saming lahat.

"ELIJAH!!!!" sigaw muli ni Ron na doble ang lakas kaysa sa mga nauna nyang sigaw. Sa sobrang eager nyang makalapit kay Elijah, sa isang iglap lang eh nagtalsikan kaming mga kaibigan nya dahilan para makawala sya. Bigla nyang idinipa ang mga braso nya na akmang yayakapin si Elijah na noo'y may bandage pa din ang mga mata.

"RULE NUMBER ONE!!!" sigaw ko nang hardcore para takutin sya. Agad syang tumigil at para bang na-stroke. Dire-diretso ang pagbagsak nya sa sahig dahil sa biglang pagtigil mula sa mabilis na pagtakbo.

"Elijah ayos ka lang?" tanong ni Ted na nauna nang pumunta sa kinaroroonan ng dalaga.

"Oo, ayos na ayos lang.... Teka nga pala, anong sabi ng doktor? Nakausap nyo ba sya?" pinilit nyang umupo habang inaalalayan ang pagkakadikit ng bandage sa mga mata nya.

"Elijah.... Siguradong matutuwa ka sa ibabalita namin," pangunguna ni Bugz para itaas ang excitement sa buong kwarto.

"Huh? Bakit? May girlfriend na si Ted?" agad kaming natawa nila Bugz at Ron dahil sa sinabi ng dalaga samantalang si Ted eh sumimangot.

"Oy 'wag ka. Sya ang superhero mo nung dumugo 'yang mga mata mo," sambit ni Ron kahit na pang-asar pa din ang pagtawa nya.

"Oo alam ko.... Wala na kasi sigurong mas magandang balita kaysa sa malamang magkaka- girlfriend na sya eh" tumawa sya pagkatapos nya iyong sabihin pero imbis na sabayan namin sya eh na-stroke kaming lahat.

"Pre, alam mo yung tipong kahit hindi ko nakikita ang mga mata nya eh napaka-cute pa rin nya," bulong ni Ron sakin.

"Hindi mo na kelangang sabihin, 'yan din ang naiisip ko," sagot ko naman sa kanya habang nananatiling nakatingin kay Elijah.

"Huh? May nasabi ba akong masama?... Pasensya na...," sambit muli ni Elijah na napatigil sa pagtawa nang mapansing tumahimik kami.

"Ah hindi... Hindi.... Hindi....." sabay-sabay naming sagot sa kanya.

"Masaya lang kami na ayos ka na," sabi naman ni Bugz nang kalmado.

"Teka nga pala... Nasaan si Rio?" sambit ko na pinutol ang dramahan nang mapansing kulang na pala kami. "Nahulog sa bintana?" agad akong binatukan ni Bugz matapos ko iyong banggitin.

"Baliw! Lumabas sya para tawagin yung doktor," sagot naman nya sakin. Sakto namang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor na may kasamang nurse. Nakasunod naman sa kanila si Rio na poker face palagi ang ekspresyon ng mukha. Agad na naglabas ng ballpen at papel na may metal sa likod ang doktor para i-check ang medical records ni Elijah.

"Masakit pa ba ang mga mata mo?" agad na tanong ng doktor.

"Hindi na po doc," sagot ng dalaga sa kanya.

"May nararamdaman ka bang nangangati sa paligid ng mga mata mo?" dagdag pa ng doktor.

"Wala po doc," sagot muli ni Elijah.

"Kung ganun, ayos lang ba kung tatanggalin na natin ang benda sa mga mata mo?" hirit pa uli ng doktor.

"Sige po, sa tingin ko naman po eh magiging maayos lang din po ako," sabay ngumiti ang dalaga tsaka tumango ang doktor.

"Elijah.... Yung sinabi ng doktor tungkol sa kalagayan mo," bulong ko sa kanya matapos kong umupo sa tabi nya.

"Ahhh! Oo nga pala, ano nga bang sinabi nya?" sagot naman ng dalaga sakin nang patanong din.

"Tulad ng hinihiling mo.... Pwede ka na daw makakita," bulong kong muli sa kanya na abot tainga ang ngiti. Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi ko akalaing yayakapin nya akong bigla nang sobrang higpit. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makagalaw ang katawan ko dahil sa gulat.

"Sa wakas, makikita ko na rin kayo!!!" sigaw ng dalaga sa sobrang pagkatuwa.

"Sabihin mong hindi rin 'to oras para sa mga rules," ang tanging nasabi ni Ron habang nakahawak sa ulo nya sa sobrang pagkainis.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon