CHAPTER VII: Elijah's Eyes

65 5 12
                                    


Nakatulugan na ni Ted ang prof naming napakaboring magturo. Ako naman eh pilit na minumulat ang mga mata para hindi mahuli at mapagalitan ng prof namin. Ilang minuto pa ay matatapos na rin ang klase pero bago pa man tumunog ang bell ay natanaw ko na sa labas ng pintuan ng room namin si Elijah. Agad sumagi sa isipan ko ang katanungan kung pano nya nalaman na nandoon kami sa silid na 'yon gayong hindi naman nya kami nakikita ng malinaw.

"Jireh naman, sabihin mo lang kung type mo si Elijah. Tutulungan kita," bulong ni Ron sakin na nakaupo lang sa may kanan ko. Nakapangalumbaba sya pero alam kong ngumiti sya matapos nya iyong sabihin.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at muling tumingin kay Elijah na tahimik na nakatayo at nakasandal sa may biranda sa may harap lang ng room namin. Ewan ko ba kung bakit pumayag agad syang sumama sa grupo namin kahit na alam nyang puro kami mga lalaki. Masyado syang nagiging misteryosong tao para sakin dahil na rin sa mga kakaiba nyang inaasta.

Hindi agad ako lumabas sa room namin pagkatunog ng bell. Medyo nakaramdam kasi ako ng takot na lumapit kay Elijah. Unang-unang lumabas si Rio saming magkakatropa, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, agad na kumapit sa braso nya si Elijah.

"Anong ginagawa mo?" agad namang tanong ni Rio na bahagyang nainis sa ginawa ni Elijah.

"Sino 'to?" sagot naman ng dalaga sa malambing na boses.

"Talaga naman. Hinawakan mo na ko't lahat, di mo pala ako kilala?!" sambit ni Rio sa mababang boses at seryosong mukha.

"Pa-Pasensya na, ikaw kasi yung nakita kong unang lumabas eh," pangangatwiran ng dalaga.

"Oy, Rio, niloloko ka nya oh. Nakita ka daw nya lumabas eh wala naman syang naki----" di pa tapos si Ted sa nais sabihin ay agad na tinakpan ni Ron ang bibig nito.

"Sige, tara na. Punta na tayong canteen," sambit ni Ron habang ayaw pakawalan si Ted mula sa pagtatakip ng bibig nito.

Agad na lumarga sila Ron, Ted at Bugz papuntang hagdan pababa patungong canteen samantalang ako eh naghihintay kung anong gagawin ni Rio kay Elijah.

"Ang ayoko sa lahat ay naglalakad ako nang may nakakapit sakin," tugon ni Rio sabay sinanggi ang mga kamay ni Elijah hanggang sa bumitaw ito sa braso nya. Lumarga na rin siya agad matapos kumawala sa pagkakahawak ng dalaga sa kanya. Naiwan si Elijah at nanatiling nasa posisyon nya samantalang ako ay nakatingin lang sa kanya at nagdadalawang isip kung tutulungan siya o hindi.

Sa pakiramdam ko kasi, may kakaiba sa kanya na dapat naming malaman. Para bang, may itinatago syang sikreto na syang hadlang para ibigay ko sa kanya ng buo ang tiwala ko. Gusto ko na sana syang iwanan kaso, bigla kong naalala ang rule number three na syang nagsasabi na dapat kaming magsilbing mga mata nya. Eh hindi naman pwedeng ako ang unang makatikim ng parusa laluna't ako ang gumawa nun.

"Iiwanan mo din ba ko dito?" isang kalmadong boses ang sumira sa tahimik kong pag-iisip. Naabutan ko na sya noon na nakatingin sakin na tila ba nakikita nya talaga ako. Kitang- kita ko kung gaano kaputla ang kulay ng mga mata nya pero masasabi ko pa ring maganda ang mga iyon. Inilapit ko ang braso ko sa kanya at hinintay syang humawak sakin.

"Kumapit ka lang, ako ngayon ang mga mata mo," mahiya-hiya ko pang iniaabot ang braso ko para kumapit sya. Saglit ko muling tinanaw ang mukha nya at hindi naman ako nabigong pangitiin sya. Agad syang kumapit at nagsimulang maglakad nang dahan-dahan hanggang sa makasunod na kami sa mga nauna na naming mga kasamahan.

"Jireh. Jireh ang pangalan ko. Yung nauna mo namang nilapitan kanina eh si Rio. Pasensya ka na sa kanya ah, mas masahol pa kasi yun sa babae maging suplado," pasimple kong pagpapakilala.

"Alam ko na ang pangalan nyong dalawa. Kaylangan ko lang muna sigurong tandaan ang mga boses nyo dahil nalilito ako sa inyong dalawa," sagot ng dalaga.

"Nalilito ka? Pano mo naman nasabi?"...... Takteng 'yan, sobrang nao-awkward na ko sa paghawak nya... Shit!

"Sa tingin ko kasi magkamukha kayo"..... 'Nak ng p***, bulag ba talaga 'to o naka-contact lenses lang?

"Nakikita mo kami? Ibigsabihin, hindi ka bulag?" napatigil ako sa paglalakad at sumunod naman syang huminto.

"Bulag ako. Sa tingin mo ba ganito ang mata ko dahil nakakakita ako? Syempre hindi," sabay ngiti na lalong nagpa-awkward sakin.

"Teka, teka, teka.... Naguguluhan ako," ang tangi ko lang nasabi.

"Kakaiba kasi ang pagkabulag ko. Kung ang ibang bulag ay kadiliman lang ang nakikita pwes sa sitwasyon ko, liwanag lang ang nakikita ko," agad akong namangha nang sabihin nya iyon.

"Unique ang mga mata mo. Pero, may isa lang akong tanong.... Sana 'wag mong masamain," hindi ko pa man nasasabi ang itatanong ko eh agad akong kinabahan. "Kasi..." dagdag ko pa.

"Sabihin mo lang, 'wag kang maiilang," sagot naman nya.

"Kasi may napansin ako nitong mga nakaraang araw. Ba-bakit mo ba ko palaging tinitignan na para bang nakikita mo talaga ako?" ang tangi ko lang nasabi.

"Yung totoo?" sabay tingin sa mukha ko na para ba talagang normal lang ang paningin nya..

"Oo, bakit naman hindi?" sagot ko kasabay ang pagkunot ng noo.

"Kasi.....Sa-sa totoo lang..... Hindi ko rin alam kung anong dahilan pero sa lahat ng taong nakasalamuha ko, ngayon lang nangyari na nakakakita ako ng isang hugis ng isang tao," sambit nya na para bang natural lang ang sitwasyon na 'yon.

"Eh anong ibigsabihin mo," mas malakas kong tanong.

"Ganito kasi iyon. Ang tangi ko lang nakikita noon sa aking paligid ay yaong solid na mga bagay tulad ng pader, sahig, puno at iba pa. Pero lahat nang iyon ay halos anino na lang ang naaaninag kong imahe. Kaso nung una tayong magkita, nagtaka rin ako matapos kong maaninag ang hugis ng isang katawan ng tao.... Ikaw yun. Naaaninag ko ang iilang mga bahagi ng mukha mo sa hindi ko malamang dahilan. Iniisip ko nga mula noong araw na 'yon kung dahil lang ba 'yon sa mga mata ko o dahil may kakaiba talaga sa'yo," naging seryoso ang usapan nang ikwento nya iyon

"Bakit ba sa lahat ng tao eh ako pa talaga ang naging malinaw sa paningin mo", naiinis kong sagot dahil parang nanloloko lang si Elijah.

"Pero hindi lang naman ikaw ang nag-iisang nakikita ko nang malinaw," muli nyang hirit.

"Eh sino pa pala?" tanong ko na ngayo'y mas nagiging misteryoso ang paksa..

"May iba pa akong nakikita...... Kung hindi ako nagkakamali, sya yung napagkamalan kong ikaw kanina...... Si Rio."

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon