"Woohhh!!! Congrats Ron!!! May nai-ambag ka rin sa wakas!!!" malakas na pang-aasar ni Ted kay Ron nang maikwento ko ang tungkol sa pinagsusulat nya sa isang kapirasong papel.
"So ano? Ang mga nalalaman na natin eh yung mga taong pinadala tayo para sa kung anong layunin at ang isa pang kakatuklas lang eh maaaring si Elijah o si Keith ang nakapagbukas ng gate para magpakita ulit ang mga guardian natin.... I mean, yung guardian lang pala ni Jireh... Mukha bang mahahanap natin ang lagusan gamit lang ang mga impormasyon na 'yon?" cool na cool na sambit ni Bugz habang sinasabayan kami sa paglalakad sa hallway papuntang room.
"Hindi naman siguro masamang mangolekta ng mas maraming impormasyon. Baka akala mo, sa oras na mapagdugtong-dugtong na natin ang mga impormasyong yun, baka dalhin tayo nun sa isang secret code na syang magtuturo kung nasaan ang daan palabas," mataimtim ko pang pinag-isipan ang pahayag na yun.
"Oo nga pala... Sa tutal naman, posible lahat sa panaginip na 'to, eh di... Humiling na lang tayo na magkaroon sana ng lagusan palabas at sumulpot yun dito mismo sa harapan natin... Diba?" sabay ngumiti si Ron nang pang-asar. Biglang nagsiilawan ang mga mata namin na para bang may naisip uling makabuluhan si Ron.
"Ron... Sa tutal posible lahat sa panaginip, siguro hiniling mo na maging matalino ka noh?" pang-aasar ko sa kanya sabay tawa ng iba kong mga kasama. Sa gitna ng tawanan, huli ko nang napansin na naiwanan na pala namin si Rio na nung mga oras na yun eh poker face na nakatayo ilang metro mula sa likuran namin. "Oh? Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Rio sabay harap sa direksyon nya.
"Walang kwenta," sagot nya sakin na halata namang hindi nasagot ang tanong ko.
"Ha? Anong walang kwenta?" tanong naman sa kanya ni Ted.
"Sinubukan kong hilingin na lumabas sa mismong harapan ko ang lagusan palabas... Pero walang nangyare. Walang kwenta," sambit pa ni Rio sa mababang boses at nananatiling naka-poker face habang bumalik na muli sa paglalakad. Tinignan lang namin sya hanggang sa nilagpasan lang nya kami.
"P***, ibigsabihin wa-epek kung tungkol sa pagtakas natin ang hihilingin?" tanong ni Bugz na bumasag sa ilang minuto naming katahimikan.
"Pucha, badtrip... Akala ko pa naman ganun na lang kadali ang pagtakas natin sa panaginip na 'to," badtrip namang sambit ni Ron matapos nyang malaman na hindi epektib ang naging suggestion nya.
"Naku naman, may exceptions din pala dito?" isa pang badtrip na sambit ni Ted.
"Hay... Sabi ko na nga ba. Dahil may mga taong nagkokontrol sa mundong 'to, siguradong hindi sila makapapayag na makalabas lang tayo nang ganon kadali... Pero kung gusto nyo namang magpalipas oras eh, siguro pwede nating gamitin ang pagkakataong gawin ang imposible...," bigla silang tumingin sakin na parang nage-gets ang sinasabi ko.
"Oo nga noh?! Naalala ko nung nakaraang araw na lumipad ako, maraming tao ang nagpanik. Pero tignan mo naman ngayon, parang normal na uli," makulit na banggit ni Bugz.
"Sabihin mong hiniling mo na makalimutan nila ang paglipad mo?" makulit ding tanong sa kanya ni Ted.
"Tumpak!!!" pagsang-ayon ni Bugz sa sinabi ng kaibigan...
"WOOOOHHHH!!! S***!!! HINDI AKO MAKAPANIWALANG NAKAKALIPAD TAYO!!!" masayang masayang sigaw ni Ron habang sama-sama kaming lumilipad sa kalangitan.
"Pakiramdam ko tuloy eh para akong Superman... YOHOOO!!!" sigaw pa ni Bugz.
"Oy! Si Rio ba? Bakit hindi sumama?" tanong ko sa kanila habang paikot-ikot ako sa ere.
"Nako! Asahan mo pa 'yon. Killer yun! Killer ng pampa-good mood!" sabay tawa ang mga kasama ko kahit parang corny naman ang joke nya... Kung joke nga yun.
"Eh kung... Imbitahin natin sya, tapos pumunta tayo sa skul nang lumilipad. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaklase natin? Hihihi," sabi ko sa kanila habang nakangiti na para bang sobrang saya ko na man-trip ng mga tao sa paligid.
"Oo nga, mukhang magandang ideya 'yan," pagsang-ayon ni Ron sakin. Agad kaming lumipad pababa tsaka tumungo sa skul para tangayin si Rio sa mga trip namin. Pagdating sa room, agad naming naispatan si Rio na seryosong nagbabasa ng libro, parang hitory book.
"Hello Rio!" makulit na sambit ni Ron habang sabay-sabay kaming kumakatok sa bintana dahil katabi lang nya yun. Tumingin sya gamit ang nakasusunog nyang mga tingin at kasabay ng paglingon nyang yun ang nga gulat na gulat naming mga kaklase matapos kaming makitang lumulutang mula sa ikatlong palapag ng building namin. Kumaway lang kami na para bang nang-aasar sabay tumawa nang malakas.
"Sobrang nakakabilib diba?" sambit ni Ted habang sinasabayan naming manood si Rio ng mga historical events matapos kong hilingin na lumabas ang mga characters sa binabasa nyang historical book. Wala syang ibang nasabi sa sobrang pagkamangha bagkus nakabukas lang ang bibig nya dahil hindi nya akalaing live nyang nakikita ang mga kaganapan sa kasaysayan. Wala nang mga tao sa room nun at kami lang ang natira matapos nilang magtakbuhan matapos kaming makitang lumilipad sa may bintana.
"Gusto mo pa ng mas kakaiba?" isang imbitasyon na nagmula kay Bugz para sumama na samin si Rio. Maya-maya pa, nagsimula na ang kulitan naming magkakatropa. Lipad doon, lipad dyan... Umabot pa nga sa puntong naging mga hari kami ng elemento matapos naming gumawa ng apoy, kontrolin ang daloy ng tubig pati na ang pinaka-astig naming nagawa... Ang pagpapabagsak sa isang bundok at pagpapasabog ng isang bulkan.
"Hay nako, nakakapagod din pala," hingal na hingal na sambit ni Ted habang nakaupo sa isang monoblock pagkabalik namin sa room.
"Ha! Ha! Ha! Nakakatawa nung naging hulk si Ted.. HA! HA! HA!" malakas na halakhak ni Ron dahil sa ginawa nyang yun kay Ted nang makarating kami sa isang siyudad.
"Wala kayong lahat sa ginawa ko. Akalain mo, natalo ko si Saitama kahit na malakas sya... HA! HA! HA!" isa pang malakas na tawa ni Bugz matapos nyang hilingin na pasulputin ang bida sa anime na 'One Punch Man' at ginawa ang sarili nya na mas malakas kaysa dun.
"Hinde... 'Yang mga ginawa nyo? Nakow! Alang laban 'yan saken! Ako lang ang nakaisip neto... Naglagay ako ng mga totoong sirena't sireno sa lahat ng dagat na nakapalibot dito. Oh? Ano? Laban? HA! HA! HA!" pagmamayabang naman ni Ted saming lahat. Nakitawa na lang ako at hindi na pumatol pa. Pero sa kalagitnaan ng tawanan, isang tawa ang umangat sa lahat dahil nung mga oras na yun ko lang narinig yun.
Saglit akong napatigil at tumingin kay Rio. Naabutan ko syang wagas ang pagtawa na hindi ko akalaing ang magiging dahilan ay ang mga kakaiba naming trip sa araw na 'to. Iyon ang unang beses na nakita ko syang tumawa at mukhang kaming mga kaibigan nya eh nagtagumpay na alisin sya mula sa pagiging manhid.
"Mission accomplished!!!" sigaw kokahit alam kong hindi nila yun maiintindihan. Tumawa lang uli sila at nakitawana lang din ako habang iniisip na sana naman, ang kapalit ng tawang 'to ay angpaglabas naming lahat sa panaginip na 'to nang buhay.
BINABASA MO ANG
Pikit Mata, Ibang Mundo
Science FictionKung akala mong nasa mundo ka pa ng paghihirap at hinagpis, ibahin mo to. Lahat ng imposible magagawa mo dito. Lahat ng gusto mo matutupad dito. Pati crush mo, sa mundong ito, posibleng maging kayo. Ngunit sa bawat positibong enerhiya ay may kabalig...