CHAPTER XXXVI: The Return

24 2 0
                                    


"Oh? Anong nangyare sa mga mukha nyo?" agad na bungad ni Rio samin nang maabutan nya kaming mga nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa likuran ni Ted. "Nahuli lang akong dumating nagkaganyan na yang mga mukha nyo. Ano ba kasing nangyari?" nanatili kaming nakatikom ang bibig dahil hindi kami makaget-over sa nakita namin. "Alang-hiya! GUMISING NGA KAYO!!!" bigla kaming nahimasmasan sa lakas ng sigaw na yun ni Rio. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko tsaka ko itinuro ang bandang likuran ni Ted.

Mabilis na naglakad si Rio papunta sa itinuturo ko pero imbis na magulat din sya tulad namin eh umiral na naman ang pagka-poker face nya. Ano pa bang i-eexpect ko? Lagi naman talaga syang ganyan.

"Oh? Ikinagulat nyo pa yan? Pwede ba? Hindi pa kayo nasanay. Alam nyo namang nasa panaginip tayo tapos magugulat pa kayo na nangyayari yan? Eh kung sapakin ko kaya kayo isa-isa," saway ni Rio samin. Bigla nya akong itinulak palayo sa likuran ni Ted para mas matitigan nyang mabuti ang kamay na nakasulpot sa likuran ni Ted.

"Ka-kanino kayang kamay yan?" manginig-nginig pang sambit ni Bugz.

"Ang weird. Pa-parang may taong lumalabas sa likuran ni Ted. Tignan nyo oh, gumagalaw-galaw yung kamay oh," mula naman ang pahayag na yun kay Ron.

"Mga duwag. Eh kung inalam nyo na lang kaagad kung sino 'tong ungas na 'tong hindi makalabas sa likuran ni Ted kaysa nagtatakutan lang kayo dyan," biglang hinawakan ni Rio ang kamay na yun sa likuran ni Ted na para bang akma nyang hahatakin yun palabas.

"Teka, teka!!!" agad na pag-antala ni Bugz.

"Oh? Ano na naman?" may kasama pang masamang tingin ang pagsambit ni Rio ng mga salitang yun.

"Hindi tayo sigurado kung sino yan. Baka mamaya nyan eh..... yung librarian na pala yan," kahit pa nanginginig si Bugz nun eh hindi pa rin nila binitawan ni Ron ang nga braso ni Ted.

"Ano naman kung sya na pala yung librarian? Mas mabuti kung ganun. Gulpihin na natin kaagad," anlakas talaga ng tama ni Rio. Mabait naman sya pagdating sa mga karapatan ng babae pero mukhang hindi sya mabait sa librarian na yun. Parehas talaga kami.

"Huminahon ka Rio. Sabihin nating hindi sya yung librarian pero baka maging balakid naman yang tao na yan sa gagawin nating plano. Delikado na lalo," pag-awat pa ulit ni Ron sa kaibigan.

"Hindi kayo nakakatulong eh. Tumahimik na nga lang kayo," biglang pumwesto si Rio para ibigay ang lahat ng lakas nya para hatakin ang kamay na yun.

"RIO!!!" bigla kong sigaw sa hindi ko malamang dahilan.

"Nak ka ng p***. Hindi ko pa sya nahahatak pero wagas na makasigaw," napabitaw sya sa kamay na yun sa sobrang pagkagulat.

"Baka kung mapano si Ted kapag bigla mong hinatak yang kamay na yan," nagtinginan lang sila na para bang sumang-ayon sila sa sinabi ko. Ilang segundong tumahimik si Rio at mukhang napaisip pa kung itutuloy pa ba nya.

"Oo nga noh," napahinga akong bigla nang maluwag dahil sa wakas eh napigilan namin sya sa balak nya. "Pero hindi pa rin masama kung malalaman natin kung sino sya," mabilis na humawak ulit si Rio sa kamay na sumulpot sa likod ni Ted. Sa bilis ng galawan nya eh hindi na namin sya napigilan. Hinatak kaagad nya ang kamay na yun at kitang-kita namin na biglang nakalabas na ang buong braso ng taong 'yon.

Wala na kaming nagawa at pinanood na lang sya sa ginawa nya na hindi dapat nangyari. Pasaway talaga. Ilang segundo pa, biglang may sumulpot na ring ulo dun. Mas nilakasan pa ni Rio ang paghatak habang ako eh nakatingin kay Ted na nananatiling wala pa ring malay.

Hinatak pa ni Rio nang hinatak ang taong 'yon hanggang sa hindi sinasadyang halos tumalsik ang taong yun papalapit sa kanya sa lakas ng hatak nya. Maya-maya pa, naabutan na lang namin ang isang babae na nakayakap kay Rio. Mahaba ang itim nyang buhok at naka-all black pa syang kasuotan. Halos ma-stroke si Rio sa sobrang awkward ng pwestong yun at ang nakakapagtaka pa dyan, parang umiiyak pa ang babaeng nakayakap sa kanya.

"SINO SYA???!!!" wagas na sigaw ni Ron nang makita nya ang misteryosong babae.

"Na-na-nakakatakot sya. Para syang white lady," katangahan pa uling reaksyon ni Bugz sa gayong hindi naman nakaputi yung babae. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at lumapit kaagad nang dahan-dahan dun sa babae habang si Rio eh naninigas pa rin sa puwesto nya.

"Miss? Okay ka lang?" humawak ako nang dahan-dahan sa balikat ng babae na yun.

"Bilis Jireh, ilayo mo sya sakin. Baka mamaya, kung ano pang balak nya sakin," natatarantang sambit ni Rio. Patuloy pa rin sa pag-iyak yung babae habang mahigpit pa ring nakayakap kay Rio. Hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan yun ng buhok nya dagdag pa ang kadahilanang nakasandal ang mukha nya sa dibdib ni Rio.

"Miss, wag ka nang umiyak. Hindi kami masamang tao".... Bahagyang huminahon ang babae sa pag-iyak tsaka sya dahan-dahang lumingon sakin. "Hay.... Buti naman at okay ka lang. Pasensya ka na sa kaibigan ko ah. Napalakas yata yung paghatak nya sa----."

"Ji-Jireh? Ikaw nga ba yan?" nanlaki bigla ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla. Boses pa lang nya, alam kong sya na yun.

"T******, sabihin mong ikaw si----," nalaman na rin kaagad ni Rio kung sino ang babaeng yun. Ilang segundo pa, naramdaman ko na lang na ipinulupot na ng babaeng yun ang mga braso nya sakin tsaka sya muling umiyak.

"Te-te-teka, a-anong nangyayari?" narinig kong tanong ni Bugz. Wala kaming naisagot ni Rio bagkus hindi ko na napigilang ilagay ang mga palad ko sa ulo't likuran ng babaeng yun. Niyakap ko sya nang sobrang higpit tulad ng pagyakap nya sakin. Hindi ko na rin napansing nangingilid na ang luha ko sa sobrang saya na makita ko sya ulit.

"Bakit nyo ko iniwanan? Alam nyo bang natakot ako?" sambit nya sa walang kupas na ganda ng boses nya.

"Ano ba 'to? Niloloko nyo ba kami? Sino sya?" pangungulit naman ni Ron samin pero imbis na intindihin ko sya eh inilapit ko na lang ang bibig ko sa tainga ng babaeng yun tsaka ko ibinulong ang mga salitang....

"Hindi ka na namin ulit iiwanan.... Elijah."    

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon