CHAPTER XXXV: Coming Back

30 2 0
                                    


"Hay! Salamat sa diyos! Hindi nya ako nakita," malakas kong sigaw habang naglalakad kami papunta sa bahay namin. Maglalaan ulit kasi kami ng oras para mag-imbetiga. Sana naman sa pagkakataong 'to eh may mahanap na kaming kasagutan.

"Alam nyo, may naisip akong paraan para mabisto natin kung ano yung nalalaman nung librarian na yun eh," bigla kaming napatingin kay Ron habang dinadasal na sana naman eh may kwenta ang sasabihin nya.... "Hhmmmm.... Kung kidnapin kaya natin sya?" nakatikim kaagad ng batok si Ron mula kay Rio.

"As expected. Hindi talaga sya nag-iisip," bulong ko na lang sa sarili ko.

"Ang dapat na plano ay yaong hindi tayo mabibisto nung babaeng yun. Baka kasi mamaya nyan eh sya pala yung balakid satin para makalabas," hirit pa ni Bugz habang patuloy na kumakain ng burger.

"Eh kung pumunta kaya ulit ako dun tapos kuhanin ko na nag pilit yung dyaryo?" suggestion ko pa sa kanila.

"Isa ka ring g*** ano? Eh diba may ginawa ka nang kahihiyan sa kanya? Eh bakit ka pa babalik? Siguradong kinutuban na yung librarian na yun sayo kung sakaling may kinalaman nga sya sa mga nangyayari. Ni hindi ka nga makapag-pakita ng mukha sa kanya kanina eh!" badtrip na badtrip na tugon sakin ni Rio.

"Eh ano palang dapat nating gawin? Pumasok tayo sa library ng madaling araw para siguradong walang tao?" nakatikim pa ulit si Ron ng isa pang batok mula kay Rio kahit na kakabatok pa lang sa kanya.

"Halata ba? Sumugod tayo sa oras na walang makakapansin na kahit sino...," tumigin lang kami kay Rio. Mukhang pwede rin naman kasi naming gawin yung suggestion ni Ron eh.

"Oh ano? Ipaliwanag mo?" sambit na Bugz habang ngumunguya pa.

"Siguradong dumadami ang mga tao sa library 'pag tuwing hapon na. Dun kasi madalas ang tamabayan ng mga estudyante sa tuwing breaktime o kaya naman kapag gumagawa ng assignment. Siguradong sa dami ng tao dun eh magiging abala din yung librarian sa pag-iikot kaya makakahanap tayo ng pagkakataon na halungkatin ang mga gamit sa mesa nya habang ang isa satin eh nagbabantay sa galaw ng librarian."

"Eh katangahan din pala 'yang sinasabi mo eh. Sa dami ng tao dun eh siguradong may nagsumbong na sa kanila na kinakalkal natin yung kagamitan nung librarian," agad kong pagtalima sa plano nya.

"Oo nga noh?! Tama sya Rio," pagsang-ayon naman ni Bugz sakin.

"Yun nga. Kaya hilingin natin na sana hindi tayo mapansin at magbulag-bulagan lang ang mga tao sa loob ng library para hindi nila tayo isum----," biglang nakatikim si Rio ng batok mula kay Ron. Gulat na gulat ako na ginawa yun ni Ron kay Rio gayong hindi naman nila ginaganun si Rio dati.

"Pinahirapan mo pa kami! Eh kung hiniling na lang natin na maging invisible noh! Eh di hindi na talaga tayo makikita nung librarian, diba?" bigla kaming natulala na umabot pa sa puntong hindi na namin napansin na nakanganga na pala kami sa sobrang pagkamangha.

"Himala! Gumamit na naman si Ron ng utak!" nakatingin pa si Bugz sa langit habang sinasambit ang mga salitang yun.

"Tama nga naman si Ron... Pero.... May mas madali akong naisip," pagsingit kong bigla sa usapan nila. Nabaling bigla ang atensyon nila sakin habang tinititigan ako nang mabuti.

"Sana naman may esensya na talaga 'yan," ang tangi lang na nasabi ni Rio habang idinadaing ang sakit ng batok nya.

"Mas mabuti siguro kung hilingin na lang natin na sana eh mapunta bigla sa kwarto ko yung mesa nya pati na lahat ng dokumento nya.... Diba?" ngumiti na lang ako nang pilit dahil mukhang hindi sila kuntento sa plano ko.

"Sang-ayon ako," biglang tugon ni Rio sa ilang minutong katahimikan.

"Sang-ayon din ako. Mangyari nga sana 'yan," sa wakas at naubos na ang burger na kinakain ni Bugz sa oras na yun.

"Hhmmm.... Okay din naman yun. Pero wala pa rin tayong kasiguraduhan kung mangyayari nga yun kaya mas mabuti kung yung suggestion ko ang magiging plan B," seryosong sagot ni Ron. Masaya naman ako na sumang-ayon sila. Kaso, kaylangan ko pa ng isang basbas mula sa isa pang kaibigan na mula kanina eh mukhang tahimik lang.

"Ikaw Ted? Ano sa tingin m---.... Huh? Nasan si Ted?" lumingon kaagad ako sa likuran ko pero wala akong nakitang mukha ng semi-kalbong nerd.

"Teka, nandyan lang sya kanina eh. San na sya pumunta?" sambit ni Bugz na tumitingin-tingin na rin sa kapaligiran. Bigla akong napahawak sa ulo ko sa sobrang pagaa-lala. Mukha kasing hindi nga ako nagkamali. Nawawala na din si Ted.

"Saang lupalop na sya nakarating? Sigurado ako naglalakad lang din sya kasabay natin eh," naglakad si Ron pabalik sa dinaanan namin para hanapin si Ted. Sinigaw na lang namin ni Bugz ang pangalan ni Ted sa pagbabakasakaling baka marinig kami ng nerd na yun habang si Rio eh mukhang walang pakialam.

Nagpatuloy ako sa pagsigaw habang palakad-lakad sa paligid. Halos mapaos na ko't lahat eh wala pa rin si Ted. Maya-maya pa, bigla na lang naming narinig ang malakas na sigaw ni Ron sa di kalayuan.

"MGA PRE! NAKITA KO NA SI TED!!!" napatakbo agad kaming dalawa ni Bugz habang si Rio eh naglakad na akala mo eh naglalakad pa sa red carpet. Wala talaga syang konsenya.

"Oh? Anong nangyari? Bakit sya nakadapa dyan?" agad kong tanong kay Ron matapos kong maabutan si Ted na mukhang walang malay at nakasalampak ang mukha sa lupa. Pero sa kabila nun, nakahinga ako matapos kong malaman na ligtas ang kaibigan namin at hindi sya nawawala.

"TED!!! GUMISING KA!!! ALAM KONG TANGA KA PERO WAG MO MUNA KAMING IWAN! PAPAYAG NA AKONG MAKIPAGLABAN SAYO SA COUNTERSTRIKE BASTAT GUMISING KA LANG!" pag-iinarte ni Bugz na akala mo eh namatayan na kami ng kaibigan.

"Wag kang ganyan pre. Humihinga pa naman sya. Ang mas mabuti pa, tulungan mo na lang ako na buhatin sya hanggang sa makarating sa bahay nila Jireh," agad hinawakan ni Ron ang kanang braso ni Ted habang si Bugz ang nakahawak sa kaliwa. Nakakailang hakbang pa lang, bigla na lang naming narinig ang sigaw ni Bugz.

"P***, aatakihin ako sa puso dahil sayo eh," galit na galit na sambit ni Ron. Napatingin ako bigla kay Bugz na sa mga oras na yun eh nanginginig sa sobrang takot.

"Hoy, an'yare? Bakit mukha kang natatae?" nagawa ko pa syang asarin nun kahit pa pinagpapawisan na sya sa takot.

"Yu-yu-yung likod nya."

"HA?" agad na reaksyon namin ni Ron.

"Yan ka na naman eh. Lagi ka na lang ganyan. Sabihin mo na kaagad," saway ko kay Bugz na wala nang halong biro.

"Yu-yung likod nya sabi ko!!!" galit pang sigaw ni Bugz samin. Nakita kong tumingin si Ron sa likuran nya pero bumalik lang ulit ang tingin nya kay Bugz.

"Kaninong likod ba?" mainit na ang ulo ni Ron sa sobrang paguutal-utal ni Bugz.

"Ano pa ba?!!! Eh-eh di yu-yung likod ni TED!!!" badtrip nang sagot ni Bugz. Napatingin si Ron sa likuran ng kaibigan at ilang saglit lang...

"WAHHH!!! ANO YAN!!!" bigla akong na-curious dahil napasigaw na rin si Ron. Agad akong naki-usosyo at tumakbo papunta sa likuran ni Ted. Pero imbis na gawing mahinahon ang dalawa eh hindi ko na rin napigilang sumigaw.

"P********! ANO 'TO! PANO NANGYARING---....BA-BA-BAKIT.... BAKIT MAY LUMALABAS NA KAMAY SA LIKOD NI TED????!!!!"    

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon