"Bakit kaya?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. "Bakit kaya hindi na nagpapakita si tsong," dugtong ko pa habang nakakunot ang noo at nag-iisip.
Sa gitna ng pagmumuni-muni, bigla kong naalala ang huli nyang sinabi sakin. Yung tungkol sa pagiging guardian angel 'DAW' nya. Isa pa dun ay yung sinasabi nyang bagay na hindi ko dapat malaman dahil buburahin daw ng mga kung sinong tao ang memorya ko. Tumahimik ako saglit at nag-isip.
"Iisa kami sa isang katawan. Ilusyon... May mga gagawin syang bagay na sa ilusyon lang nya magagawa," bulong ko sa sarili habang nakahawak ang kanan kong kamay sa baba ko. "Ayyy!!! Ano ba naman 'yan. Panaginip lang naman 'yon, bakit ba sinusunod ko sya!!!" sigaw ko habang nangangamot ng ulo. Ilang segundo pa, biglang nag-ring ang telepono sa study table ko.
"Huh? Sino namang tatawag sakin ng gantong oras?" umalis ako sa may bintana ng kwarto ko at lumapit sa telepono. "Hello?" agad ko namang sagot.
"JIREH!!!!" isang malakas na sigaw na syang dahilan para ilayo ko sa tenga ko ang telepono.
"Bugz?" ang tangi ko lang nasagot sa kanya.
"Jireh... Hindi ako makatulog!!!" sambit nyang muli.
"Hay, dahil ba 'yan kay Keith?" umupo ako sa tapat ng study table ko para makinig. "Diba sabi ko sa'yo ipagdasal mo na lang sya para naman may pakikiramay ka sa kanya?!" inis kong sabi.
"Jireh.... Hindi naman yun ang inaalala ko eh, huhu," sagot nya na parang bata.
"Eh ano pala? Istorbo ka talaga ano?" nangamot uli ako ng ulo dahil sa kulit nya.
"Eh kasi si Keith eh. Yu-yung ikinamatay daw eh ano eh," suminghot-singhot pa sya nun tsaka muling nagpatuloy. "BANGUNGOT DAW IKINAMATAY NYA!!!" sigaw uli nya at inilayo ko na naman ang telepono sa tainga ko.
"T******, nasa tapat na lang ng tenga ko yung telepono, 'wag ka namang sumigaw!" hirit ko naman sa sobrang pagka-badtrip. "Magdasal ka kasi para hindi ka matulad sa kanya, gets?" binaba ko kaagad ang telepono nang hindi man lamang nakapagpaalam ng pormal.
"Sus ginoo," bulong ko sa sarili kasabay ang pagpunta sa kama ko para matulog na. "Hay!? Sa wakas! Wala nang gagambala sakin ngayon. Buti naman at wala sya para naman makapagpahinga na rin ang mukha ko sa malalaking pasa," dagdag ko pa habang inaayos na ang pwesto para matulog.
Tumahimik na ang lugar. Masarap nang matulog. Palalim na nang palalim ang gabi kasabay nun eh ang palalim nang palalim kong tulog....zzzZZZZ...RING!!!! RING!!!! RING!!!!
"SHET!!!" sigaw ko, na agad na napabangon matapos tumunog nang malakas ang telepono. Agad akong tumakbo pabalik sa study table ko, kinuha ang mismong telepono at dinala sa kama ko tsaka umupo. "Hello?"
"JIREH!!! HINDI TALAGA AKO MAKATULOG!!!" bungad na naman ni Bugz sakin.
"P********!!! IKAW NA NAMAN!!!" sigaw ko sa sobrang pagkainis.
"Tulungan mo na kasi ako... Ano bang dapat kong gawin???" nagsasalita na naman sya na parang bata samantalang mas malaki pa nga ang boses nya kaysa sakin.
"Diba sabi ko nga!!! Magdasal ka kako!!! 'Pag ginawa mo 'yon, gagaan ang pakiramdam mo dahil alam mong may nagbabantay sa'yo!!!" sagot ko sa kanya.
"Eh wala na ngang nagbabantay sakin eh. Ilang araw na silang wala sa panaginip ko!!!" sigaw pa nya na parang nag-aasal bata. Sa sinabi nya na 'yon, bigla akong naging curious.
"Bantay?" tanong kong muli.
"Guardian angel ko raw sila," huminahon ang tono ng boses nya sa pagkakataon na 'yon.
"Alam mo, may ganyan ding tao na nagsabi sa panaginip ko eh. Wag kang magpaloko," yun lang ang nasagot ko sa kanya dahil nababangag na rin ako sa pagkaantok.
"Pre, hindi naman kung sino lang ang nagsabi nun sa panaginip ko eh," suminghal pa sya at siguro eh nababadtrip na din. "Yung mga kasama ko nung nagkaroon ng terrorist attack samin dati... Sila yung mga nagpakita sa panaginip ko," dagdag pa nya.
"Tapos?" inaantok na ako nun kaya kakaiba na rin ang pagsasalita ko.
"Tapos wala na sila bigla ngayon!!! Wala nang tiga-gising sakin!!!" sa sobrang pagkabadtrip ko, matapos nya iyong sabihin eh agad akong humirit ng pang-asar.
"Dude, kung ayaw mong maniwala sa sakin eh di si Rio ang tawagan mo. 'Lam mo naman mga tabas ng dila nila diba. Pero siguro... Try mo lang naman. Geh, goodnight," sasagot pa sana sya pero agad ko nang ibinaba ang telepono. Napabuntong hininga na lang ako kahit na sa kaloob-looban ko eh medyo nag-aalala pa rin ako sa bagay na di ko rin malaman.
"Guardian angels sa panaginip? Bakit nga ba pati si Bugz eh nananaginip din ng ganun?" napailing na lang ako at agad na muling bumalik sa pagkakahiga. "Guardian angels... Hindi ako naniniwala na totoong nag-eexist sila," dagdag ko pa matapos kong humiga. Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi ko na naramdamang inaantok ako. Mas lalong naging tahimik ang paligid, pero hindi pa rin yun naging sapat para makatulog ako.
RING!!! RING!!! RING!!!
"Nak ka ng p***!!!" sigaw ko sa sobrang pagkabanas. Bumangon kaagad ako at sinagot ang telepono na nasa tabi ko lang. "T****** Bugz!!! Tantanan mo ko!!! Pakiusap!!!" wagas kong sigaw kahit na hindi pa sya nagsasalita.
"Jireh," isang malambing na boses na sadya naman talagang pamilyar.
"E-E-Elijah?" mahinahon kong sagot nang marinig ko ang boses nya. "Te-teka, pano mo na-nakuha number ko?"
"Hindi na 'yon mahalaga," sambit nya sa napakahinahong tono. Pakiramdam ko nga eh mas maaantok pa ko sa pakikinig sa kanya kaysa sa pakikinig sa tahimik na paligid eh.
"Bakit ka pala wala sa skul kanina? May sakit ka ba? Ayos ka lang ba?" andami ko kaagad na tanong ng mga oras na yun. Kakaiba rin kasi ang pagsasalita nya, parang may mali.
"Hindi na mahalaga yun. May gusto akong sabihin," manginig-nginig ang boses nya na para bang nakakita sya ng multo.
"Talaga bang ayos ka lang," napatayo na ako sa kama dahil sa kaba na baka may nangyari na sa kanyang masama.
"Jireh... Narinig ko na naman yung babae," medyo nangilabot na naman ako nang sinabi nya iyon. Baka kasi mamaya nyan eh sinundan na sya nung multo.
"Naku naman... Wa-wag ka namang magbiro nang ganyan. A-alam mo namang gabi na eh... He... He... He," tawa ng duwag, ang tawang hindi ko maiwasan 'pag nagpipilit akong matapang.
"Sa sobrang lakas, pakiramdam ko eh nasa tabi ko lang sya," mas lalong nagtaasan ang mga balahibo ko sa takot. Sa sobrang kaba ko, dahan-dahan akong tumingin sa kaliwa ko, umaasang wala akong makikitang babae na ngumingiti sakin ng nakakatakot. Sa awa ng diyos eh wala naman akong nakitang katabing multo. Ganun din ang nangyari nang tumingin din ako sa kanan ko. "Jireh?" sambit ni Elijah sa telepono.
"A-ay, pasensya na. Nawala lang ako sa sarili... Pero... Ano nga yung si-sinasabi nung bababeng naririnig mo?" tanong ko na nananatiling takot.
"Ang sabi nya... 'All systems ready, EC will start the program' ang weird diba?" tumahimik lang ako at 'di na sumagot bagkus nag-isip na lang ako kung bakit may ganoon syang naririnig.
BINABASA MO ANG
Pikit Mata, Ibang Mundo
Science FictionKung akala mong nasa mundo ka pa ng paghihirap at hinagpis, ibahin mo to. Lahat ng imposible magagawa mo dito. Lahat ng gusto mo matutupad dito. Pati crush mo, sa mundong ito, posibleng maging kayo. Ngunit sa bawat positibong enerhiya ay may kabalig...